TEASER

25.3K 290 31
                                    

HELLO sorry kung hindi makapag update.. di ko kasi maiisingit sa scheds ko andami kasing ginagawa.. eto muna :)) TEASER.. hahahah

_____________________________________________________________________________

Second Semester..

“Bessie bakit ka nag-shift?” tanong sa akin ni Violet. Umling ako, “Hindi na ako makapag-drawing eh. Hindi ko rin alam kung bakit hindi na ako makapag-drawing.” Nginitian ko nalang siya, “Sige bessie late na ako kita nalang tayo mamaya.” Umalis na si Violet.

Mag-isa na akong naglalakad papunta sa building ko. “Mag-isa ka ata?” napatingin ako sa right side ko doon kasi nanggaling yung boses ng nagsasalita. Si Aldrich, bigla nalang sumusulpot? Parang kabute? “Nag-shift kasi ako eh, magkaiba na kami ng building ni Violet,” tumingin ako sa kanya pagkasabi ko ng pangalan ni Violet. Nakangisi siya, napataas ako ng isang kilay. “Bakit nakangisi ka?” “Wala naman kasi mahal kita ayun lang yun. Sige mauna na ako late na ako eh.”

Mag-isa nanaman ako. Nakakamiss din pala yung bigla nalang may lalapit sa’yo at aasarin ka ng paulit ulit. Hanggang sa marindi ka na, saby masasapak mo siya. Sino ba siya? Hmm.. Simula nung mawala siya nawalan na rin ako ng gana magdrawing. Nag-stop tuloy ako last semester. Nasaan na kasi yung panget na yun?

Malapit na ako sa bago kong building ng bigla nalang may humawak sa wrist ko sabay hinatak ako papunta sa kung saan. “First day of school papasok ka? Kailan ka pa naging huwarang mag-aaral Abby?” hindi ko nakikita yung mukha ng nagsasalita. Nauuna kasi siya sa akin eh tapos nakatalikod siya. Isa lang ang alam ko, hindi siya dito nag-aaral iba kasi uniform niya. Pero that voice, narinig ko na yun, at hindi ako maaaring magkamali. Alam ko na siya yun. “Oyy bitawan mo nga ako!” humigpit lalo kapit niya sa akin habang naglalakad kami ng mabilis.

Nakaabot na kami sa parking lot at huminto kami sa tapat ng isang kotse na dark grey. Hindi pa rin siya humaharap sa akin. “Bakit mo ba ako dinala dito?” “Bakit ganyan ka magsalita? Hindi mo man lang ba ako namiss?” Haharap na siya sa akin pero bigla akong tumalikod. Pumikit rin ako. Ayy shemay ano na ba ang nangyayari sa akin? Narinig ko siyang naglalakad papalapit sa akin. Bigla nalang akong nanginig. Nasa harap ko na ata siya, hindi kasi ako dumidilat.

“Uyy bakit ka umiiyak?” sabi niya. Napadilat ako, pero nakatingin ako sa shoes niya. Hindi ko napansin lumuha na pala ako. “Abby, bakit ayaw mong tumingin sa akin?” “Tse! Pagkatapos mong mawala! Hindi ka man lang nagpaalam!” Hindi ko napansin umiiyak na pala ako. Niyakap niya ako. Ayun pa rin pabango niya. “Nakakainis ka eh!” sigaw ko habang hinahampas ko siya sa chest. “Sorry na oh.. Please wag ka na umiyak.” Ang kalma kalma ng boses niya, it makes my heart melt. Pinunasan niya ang luha ko gamit ang panyo niya. I decided to look at him. “Elazul,” sabi ko. Ngayon ko narealize na sobrang namiss ko siya. His eyes looked so worried. Walang pinagbago siya pa din ang Elazul na huli kong nakita. “Abby.”

He bit his lower lip.. “We need to catch up,” sabi niya sa akin. “That would be nice,” sabi ko. “I’ll see you around?” Tumango lang ako.

“Baby let’s go, nakausap ko na si sir Vincent,” napalingon kami doon sa biglang nagsalita. She was surprised to see me, “Oh hi Abby, how are you?” I smiled. “Hi Thea ayos lang naman. Ikaw kamusta?” “Heto one month na kami ni Elaz.. kayo ni Xander? Balita ko kayo na?” Umiling ako, “hindi naman naging kami.” “Oh sabi kasi sa akin ni Elaz eh, ah okay. Osige aalis na kami.”

Tumingin ako kay Elaz habang papasakay siya ng kotse. Hindi siya makatingin sa akin ng diretso.

One month…

_____________________________________________________________________________

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon