Chapter Sixteen

30.8K 328 21
                                    

[Elazul’s POV]

“Good morning Abb—“ nakalimutan ko wala na pala dito si Abby. Nagising ako na nakatakip lang ang kumot ko sa may bandang tiyan at sa upper part ng hita. Gulo gulo ng kama ko, kalikot ko atang matulog. Umalis ako ng kama, at pumunta ako sa harap ng salamin. I was naked. Ngayon lang uli ako nakatulog ng nakahubad, wala na kasi si Abby. Shit… Nakakamiss si Abby. Bakit ba kasi binayaran ko pa yung renta niya? Bakit ba pinabalik ko pa siya doon sa apartment niya? Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Pero kailangan kong gawin yun. Natatakot kasi ako. Masyado akong na iinlove sa kanya. Baka kasi sa bandang huli ako lang ang masaktan, mabuting hindi ko nalang ipagsiksikan ang sarili ko sa kanya. Mabuting mahal ko nalang siya, at hindi na ako umasang mamahalin niya ako. Alam ko naman kasing si Xander ang mahal niya eh. Asa naman akong magmahal siya ng manyakis na playboy na mahilig makipag sex. In short asa naman akong magmahal siya ng isang Elazul Valiente. Ayy shet tama na nga, umagang umaga nagEEMO ako!

Wala ng magluluto ng breakfast para sa akin kaya nagdecide nalang akong magtake-out sa labas. Nagbihis muna ako ng pambahay since magtetake-out lang naman ako. Saktong sakto naman paglabas ko ng apartment eh bumukas ang pinto sa apartment ni Abby. I was expecting na si Abby ang lalabas, pero ang lumabas ehh isang lalake na nakaboxers lang. Tapos may tattoo siya sa left chest. Sino to?! Tumingin siya sa akin at bumaba na siya ng hagdan, maya maya narinig ko nalang na may nagbukas sabay sara ng pinto sa second floor. Siya ba yung bagong lipat?! Bakit parang hindi namin naramdaman na dumating siya?! Pero hindi ayun ang issue dito.

Diretso ako sa apartment ni Abby, pumasok ako ng hindi kumakatok. At nakita ko siyang nakahiga sa sofa --wearing a loose shirt and a pair of short shorts. “Abby!” nakatitig lang siya sa akin. “Ano bang ginagawa mo dito? Pwede ba wag ka munang maingay? Pagod ako!” sigaw niya. Bakit siya pagod?! Anong ginawa niya?! Anong ginawa nila nung lalake na yun?! “Sino yung lalake na yun?!” tanong ko, ng hindi ko inaalis ang titig ko sa kanya. Siya naman nakapikit lang at naka crossed arms, habang nakahiga sa sofa. “Ex ko.. Si Aldrich.” Sabi niya halatang naiirita na siya. “Ex mo?! Bakit? Umano siya dito?!” sigaw ko. “Ehh bakit ba ang dami mong tanong?!” tumayo siya at tinulak niya ako palabas ng apartment. “Mamaya nalang tayo mag-usap pag hindi ka na high volume!” sigaw niya, “Bye Elaz!” sinarado na niya yung pinto at nilock.

SHIT! Sino ba yung Aldrich na yun?!

Sabay ang klase namin ni Abby ngayon. I mean sabay ang oras kaya sabay kaming papasok. So paglabas niya ng apartment eh nakaabang agad ako doon sa tapat ng pinto niya. She rolled her eyes ng makita niya ako, “please tell me na hindi ka magtatanong about sa ex ko sa buong oras ng paglalakad natin papuntang school.” “Sino ba kasi yun?” tanong ko sa kanya. “Si Aldrich nga! Ex ko.. nakatulog sa apartment ko, umuwi kasing lasing ang shunga tapos naholdap pa daw siya kaya nakaboxers lang siya, okay, now can we go?” tanong niya sa akin.

Nakahinga ako ng malalim sa sinabi niya. Pero it doesn’t change the fact na ex niya pa din yun. Paano kung gustong makipagbalikan ng ex niya?

I spent my day thinking about her and his wretched ex boyfriend. Minsan nasasagi din sa isip ko yung isa pang asungot na si Xander dahil alam kong my date sila ngayong gabi kaya isa pang nagpabadtrip sa akin yun. Humiga nalang ako sa kama ko. No nagsex nalang kami nitong kaklase ko sa Social Science, papagawa ako ng project eh.


[Abby’s POV]

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon