Chapter Seventeen

28.8K 306 41
                                    

[Abby’s POV]


 “Good morning baby,” sabi niya ng marahan, while stroking my hair. Magkaharap kami ngayon sa kama. “Goodmorning,” hindi ko pa rin dinidilat ang mata ko. Then naramdaman ko nalang ang labi niya na dumampi sa forehead ko. “You’re so beautiful..” Then hinalikan niya nanaman ako this time sa labi. Teka nananaginip pa ba ako? Pagdilat ko nakita ako ang eyelashes ni Elaz. Sabay naitulak ko siya. “ANO BA?!” “Makareact ka parang hindi mo nagustuhan ah.” Nakasmirk pa siya habang sinasabi niya yun. “Hindi naman talaga! Wag mo na ngang gagawin yun!” nagfrown siya. “Okay sabi mo yan ahh.. Baka magsisi ka sa request mo.” Feelingero talaga tong lalake na to ehh.


Wala din akong nagawa, dito ko rin siya pinatuloy, since pinatuloy niya ako sa bahay niya eh ayun. Give and take lang kumbaga.


Bumaba na ako ng kama at lumabas na ako ng kwarto. Diretso ako sa banyo at sumunod sa akin si Elaz. Kailangan ko na talagang gawin yung lock ng banyo, delikado buhay ko. “Ano ba ang ginagawa mo dito? Lumabas ka nga maliligo ako!” “Sabay na tayo,” inirapan ko siya. “Labas!!” tinulak ko siya papalabas ng pinto. Bakit ba ang kulit kulit niya?! Nakakaloka ahh!


After ko maligo eh nakaamoy ako ng pagkain. Nagluto si Elaz, “hope you don’t mind na nagluto ako,” nakangiti niyang sabi. “Hindi naman,” after ko magbihis eh sabay kaming kumain. Nakatitig lang siya sa akin habang kumakain kami, nakakailang tuloy. After nun eh nagtoothbrush na ako, sabay kami nagtoothbrush. Nakatitig pa din siya sa akin, may ngiti sa mga mata niya. Then after nun nagpaalam na ako sa kanya na aalis na ako, malelate na kasi ako. Papalabas na ako ng pinto ng bigla siyang nagsalita. “Uhm Abby,” lumingon ako sa kanya, naging parang pokerface na ang mukha niya. “Ano yun Elaz?” kalmado kong sabi hindi katulad kanina na irritable ang boses ko. “Uhm pwede ka bang umuwi ng maaga mamaya?” Alam niya kasing gabi ako madalas umuwi ngayon. “I’ll try.” Napayuko siya sabay then he flashed a different smile, yung parang may tinatago siyang disappointment. “Aasahan ko yan ah..” sabi niya.


Sa school, sa may school grounds, “BESSIE!” sinalubong ako ni Violet ng isang mahigpit na hug. Akala mo naman hindi kami nagkita ng matagal na panahon. Buti nga nagpapasok na uli tong gaga na to eh. “Bessie I met this handsome guy yesterday sa KFC.” Kinikilig niyang sinabi. Patuloy kami sa paglalakad. “Sino?” “Aldrich pangalan niya eh." “ALDRICH?!” Mukhang nagulat siya sa reaction ko. “Bakit Bessie ano ang problema?” tanong niya sa akin. “Ah eh, wala naman, kapangalan kasi ng ex ko eh.” “Yung ex mo nung high school, hindi naman siguro siya yun. Diba sabi mo hindi pa kayo nagkikita?” tumango nalang ako. Hindi ko pa pala nakukwento sa kanya yung sa party saka na kapitbahay ko yung panget na lalake na yun. Di niya pa rin nakikita yun kahit sa picture. “Teka paano mo nga pala siya nakilala?”


Kumain kasi sa KFC si Violet tapos wala daw upuan nakishare tuloy siya ng upuan doon sa Aldrich. Feeling ko siya yung Aldrich na ex ko! Kasi diba nandoon din kami sa KFC tapos nagtext siya sa akin? “Bessie kinuha niya number ko tapos gusto niya daw ako makita uli.” “Eh? Baka naman masamang loob yan?” tanong ko sa kanya. “Kaya nga gusto ko samahan mo ako eh. Mamaya after class ah. Please bessie.” Nagpouty lips and puppy eyes pa siya. Pumayag din naman ako gusto ko din kasi makilala eh. Nacucurious ako eh, baka mamaya si Aldrich lang yun na baliw.


Afterclass eh dumeretso agad kami sa mall kung saan sila magkikita. Mga 7:30 ng gabi na din yun. Habang naglalakad kami eh nag-usap kami ni Violet. “Paano na si France, bessie?” tanong ko sa kanya. She frowned. “Ewan bessie, ayaw ko na sa kanya, kaya nga pinalabas kong nag two time ako kahit hindi naman totoo. Wala na talaga akong nararamdaman sa taong yun. Gusto mo sa’yo na si France.” Sabay napatawa siya. Lately niya lang kinwento sa akin yung dahilan ng break-up nila. Naalala ko tuloy bigla yung nangyari sa amin ni France, I fake laughed, di ko alam kung paano ko sasabihin kay Violet. Alam kong kahit sinasabi niyang akin nalang si France eh magagalit siya. Huminto kami sa tapat ng isang coffee shop.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon