Chapter Twenty Six

23.4K 272 21
                                    

Hi pasensya kung natagalan ang update.. NAsira po kasi laptop ko sumunod yung internet namin na epic fail.. Tapos busy busyhan pa sa Engineering School.. pero promise I'll update regularly na..

_______________________

[Elazul's POV]

“I missed you,” hinalikan ko na lang siya bigla. God, na miss ko ang malambot niyang labi na may cherry flavored na chapstick. Our lips’ movement were becoming one ng bigla niya akong tinulak. Napasandal ako sa pinto ng kotse, “Anong trip mo?” tanong ko sa kanya. Then napatitig ako umiiyak siya, hala may nagawa ba ako. “Bakit ka umiiyak Abby?” Hindi niya ako sinasagot. “Bakit kasi?!” Umiling lang siya, “Uyy, Abby, tahan na. Bakit ka ba umiiyak?”

“Para ka kasing tanga eh! Naiinis ako sa’yo!” humihikbi pa siya habang nagsasalita. “Oh bakit ano nanaman ang ginawa ko?”  pilit niyang pinupunasan ang luha niya. “Iniwanan mo ako!” sigaw niya. “Nandito na nga ako eh! Sa’yong sayo na ako pati buong pagkalalake ko! Katawan, puso, kaluluwa, saka si junior ko! Ano pa bang gusto mo?”

“Bakit nasali si Junior?!”

“Kasama sa package yun!”

“Bakit mo ako sinisigawan?!” umiyak siya sa lalo.

Niyakap ko siya, “Sorry na Abby. Ano ba ang gusto mong gawin ko para tumahan ka na?” “Promise mo sa akin na hindi ka na aalis.” I was taken aback, by what she just asked for. “Gusto ko lagi ka nalang sa tabi ko.” My mind suddenly went to a flashback.

Three days ago, nagdecide akong kausapin si mama . Nagmakaawa ako na lubayan na niya kami ni Abby. Maluha luha pa akong nakipag-usap sa kanya.

“Papayagan kitang makasama si Abby, sa isang kundisyon?” nandito ako ngayon sa office ni mama. Desperado. Hinndi ko na kayang lokohin si Thea. Hindi ko na kayang mawala sa piling ko si Abby. “Kahit ano mama, gagawin ko,” galit ako sa nanay ko, pero alam ko siya lang rin ang susi para matapos lahat ito. “Mag-aral ka sa Amerika, get a degree and come back here, then hahayaan na kita sa kahit anong gusto mong gawin. Gusto mo magpakasal pa kayo eh. Hindi ko kayo pipigilan.” “Bakit ba ang sama sama mo sa akin?!” dati ayaw niya kay Thea. Ngayon ayaw niya kay Abby! Ang rason lang naman kung bakit pumayag siya na maging girlfriend ko si Thea eh dahil alam niyang di ko mahal yun. Alam niyang si Abby ang mahal ko.

“Gusto ko magtapos ka na magaling at respetado,at maipagmalaki ka ng pamilya natin,” palibhasa lahat ng kabiguan niya kay kuya, ako ang sumasalo. “Ayaw ko ng magloko ka at mambabae,” sabi niya. “Paano ka naman nakakasigurong hindi ako mambababae at magloloko doon?” tanong mo sa kanya. “Kung mahal mo talaga yung Abby na yun. Magseseryoso ka sa pag-aaral mo para makabalik ka agad dito.” Wala na akong magagawa. Kung hindi ako papayag, hindi rin siya titigil. “Papayag ako, pero sa isang kundisyon,” napabuntong hininga ako. “Ano yun?” “Hahayaan mo kaming dala ni Abby na magkasama, hanggang sa pag-alis ko.” Tumango siya, “DEAL.”

Galit ako sa nanay ko, pero sinusunod ko siya, dahil alam ko ang mga kaya niyang gawin para maging miserable ang buhay ko, naming ni Abby.

“ELAZ?” tanong sa akin ni Abby. “Oo Abby, hindi ako mawawala sa tabi mo, mahal na mahal kita.” “Salamat Elaz,” sabi niya, “mahal na mahal rin kita.” Bumilis ang tibok ng puso ko sa mga salitang narinig ko. Mga salitang matagal kong hinintay marinig. Ang sarap pakinggan na mahal niya rin ako. “Mahal na mahal din kita Abby..”

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon