Chapter Ten

38.1K 388 22
                                    

Papunta na ako ngayon sa party ni Serena. Sinuot ko yung black dress parang mas bagay kasi sa akin. Nandito ako sa tapat ng apartment namin nag-aabang ng taxi, malayo layo din kasi yung bahay niya eh. Then biglang may humintong kotse sa tapat ko, then bumukas yung isang bintana ng kotse at sumilip si Elazul, “Abby sakay ka na!” Anong trip ng mokong na ito? Siyempre sumakay na ako sa kotse, libre pamasahe din yun. May kotse din pala si Elaz, akala ko si France lang ang meron.


“May kotse ka pala?” sabi ko sa kanya. “Yeah, makasalanan tong kotse na to, dito ko unang nakipagsex.” Oh God, kailangan sinasabi pa yun?! Napaka vulgar ng tao na to.  “Okay nevermind. So akala ko ba hindi ka invited sa party?” tanong ko sa kanya. “Hindi nga, ihahatid lang kita doon, tapos pupunta na ako kila Miggy malapit kasi sila doon. Gusto mo text mo ako para sabay na tayong umuwi.” Pumayag na ako, basta libre hindi ko tinatanggihan. “Wag kang masyadong maglalasing ahh! Kilala kita Abby!” hindi ako nagreact, being a party girl is in my blood, sorry.


Nakarating na kami doon sa sa tapat ng bahay nila Serena. At papasok na yung mga party people, may mga nakashort shorts na babae with matching super slutty shirt or blouse, mga super hot na hot na guys, at meron yung mga naka pa-sexy na party dress, isa na ako doon. “Sige tetext nalang kita mamaya.” Sabi ko kay Elaz, “Wala man lang ba akong goodbye kiss?” sabi niya sa akin. “Bye Elaz..” tinalikuran ko na siya.


Pagpasok ko sa front door, typical house party in a mansion. Loud music, disco lights,dancing weirdos, smell of alcohol all over the air pati sigarilyo, and then the boys. “Hi miss..” okay tatlong lalake ang sabay sabay na lumapit sa akin, nginitian ko lang sila at umalis na ako. Kahit gaano pa sila kagwapo ayoko sa mga rich guy na manyak, with exception of Elaz kasi mabait siya sa akin kahit papaano. Saang lupalop ko naman hahanapin si Serena dito? Ang laki kaya ng mansion na ito. Kahit si Princess (kapatid ni Serena na ka-close ko din) man lang makita ko para may kasama ako. Niligid ko ang mata ko sa crowd, nakita ko si Tyler boyfriend ni Princess, na nakasuot ng polo na nakaunbutton, sightsung sa ABS! Gusto ko siya lapitan kaso di naman kami ganun ka-close.


Ikot pa ako sa paligid, then I heard a familiar voice. “Abby is that you?” lumingon pa ako sa left at right, tapos nasa tapat ko paa yung nagsalita, si Aldrich van Louis. Ex ko kaso nung high school pa yun mga fourth year! “Uyy Aldrich!” lumapit na ako sa kanya kesa naman walang kasama diba? Nilapitan ko siya, “Thank God akala ko wala na akong makikitang kakilala. Nakita mo ba si Serena?” Umiling siya “Hindi pa eh, tara sama ka muna sa amin ng mga kaibigan ko.” Inakbayan ako ni Aldrich. Umupo kami doon sa sofa, so nasa living room pala kami ngayon. Di ko na napansin, ang gulo kasi, ang daming tao, ang sikip. Naglalaro sila ng dama/checkers, kaso ang gamit nila eh mga shot glass, kung ilan ang makain sayo ng kalaban mo eh ganun karami iinumin mo, typical party games. “Guys this is Abby. Abby ito si Mike, si Jane at si Danica. Kilala mo naman na siguro si Riggy at Jigo diba Abby?” Classmate ko dati si Jigo at si Riggy, parehong gago yan. Nag-“hi” ako sa kanila at nag “hi” din sila sa akin. Umupo ako sa tabi ni Danica.


“Do you drink?” tanong sa akin ni Danica. “Yeah..” sabi ko. “Well we have our next player guys!” sigaw niya. Napangiti nalang ako. Hindi naman ako KJ noh, “Ang kalaban mo si Aldrich.” Sabi ni Jigo, “Malay mo may mabalik na spark sa relasyon niyo.” “Manahimik ka nga Jigo.” Sabi ni Aldrich. “Ex mo si Abby, Al?” tanong ni Jane. Tumango lang siya.


Umupo na kami sa tapat nung center table nasa left side ako siya nasa right. “So what’s your condition pag nanalo ka?” tanong sa akin ni Riggy. “Anong condition?” tanong ko. “Yung consequence mo pag natalo mo si Aldrich.” “Well that’s a tough one, dadating tayo diyan, baka mamaya may maisip na ako.” Tumango lang siya then si Aldrich naman ang tinanong niya. “She’ll kiss me..” sagot ni Aldrich, “Payag ka ba Abby?” “Exciting,” sabi ko, “Para namang mananalo ka sa akin Aldrich.” Sabay tumawa ako.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon