Chapter Twenty Nine

21.9K 259 10
                                    

AFTER PO NG CHAPTER NA ITO AY ENDING NA.. :) Sana nagustuhan niyo ang story na ito. Mahal na mahal ko kayo. Salamat sa walang sawang pagsuporta kahit sobrang delayed ako mag-update ang dami kasing activities eh. ILOVEYOU!!

__________________________________________________________________________

[Elaz’s POV]

“Okay.. Kung ayun ang mas makabubuti para sa ating dalawa, maghiwalay nalang tayo. Paalam Elaz salamat sa lahat,” tumalikod na siya. “Mahal na mahal kita,” sabi niya habang ang tono niya ay umiiyak, “pero ito ang gusto mo kaya wala akong magagawa. Sabagay mas mabuti na itong ganito, wala akong mga pangako na aasahan mula sa’yo. Just do me a favor please wag ka ng magpapakita sa akin. Iisipin ko nalang na namatay ka na.” “Abby wait,” sabi ko, hindi ganito ang nasa plano ko. Hindi ganito, ayoko ng ganito ayaw kong mawala sa akin si Abby. Ayaw kong mawala siya sa akin. “Wag kang susunod sa akin Elaz!” natigilan ako at pinagmasdan siyang maglakad papalayo.

At ayun na ang naging huling pagkikita namin ni Abby. As in huli dahil nasa airport na ako ngayon, paalis na papuntang America. Simula kasi ng nag-away kami ay hindi na siya umuwi pang muli sa apartment. Tapos one time nakita ko doon si Violet kinukuha ang mga gamit niya.

 

“Violet nasan si Abby? Bakit dala dala mo ang mga gamit niya?” tanong ko kay Violet. “Naku Elaz hindi ko rin alam kung nasaan si Abby. Tumawag lang siya sa akin, kunin ko raw mga gamit niya sa apartment niya dadaanan niya nalang daw sa bahay namin,” sabi sa akin ni Violet. “Ganun ba?” sabi ko. “Ano ba kasi nangyari sa inyong dalawa? Anong katangahan nanaman ang ginawa mo Elaz?” tanong niya sa akin. “Mahirap ipaliwanag,” sabi ko, “baka naman pwedeng sumama ako sa iyo baka sakaling makita ko si Abby.” “Sige Elaz ng magkausap na kayong dalawa,” sabi niya sa akin.

Pumunta kami sa bahay ni Violet at naghintay sa pagdating niya. Nandoon kami sa sala, papaupo pa lang ako sa sofa ng biglang tumunog ang phone ni Violet. “Si Abby, nagtext,” sabi niya. “Ano daw sabi?” Binasa niya ang text ni Abby, “Best pasensya na sa abala pero saka ko na kukunin gamit ko sa’yo pag wala na diyan si Elaz sa bahay niyo.” Napabuntong hininga ako. “Mukhang medyo matindi pinag-awayan niyo ah Elaz, ano ang plano mo?” tanong niya sa akin. “Hindi ko na alam.”

Umalis na ako ng bahay ni Violet.

Patuloy kong hinahanap si Abby, lagi ko siyang tinatawagan nagtetext at patuloy akong humihingi ng tawag. Hanggang ngayon sa araw ng flight ko. Bago ako umalis.

 

“Passengers of flight P-007 to Providence, Rhode Island you may now proceed to the boarding area now.

Ilang minuto nalang ay aalis na ako ng Pilipinas.

Tulad sa mga movies, umaasa ako na bago ako umalis ay makikita ko siya. Yayakapin niya ako at pipigilang umalis. Kaso sa movies iyon, asa naman ako diba? Sa tindi ba naman ang ginawa ko eh asa ako na mapatawad niya ako. Tulad sa movies after ng ilang taon na nagkalayo ang dalawang tao ay magkikita sila. Kami kaya magkita pa?

“Abby flight ko na. Sasakay na ako ng eroplano, sana mapatawad mo ako sa lahat ng kasalanan na ginawa ko. Sana magkita tayo uli. Mahal na mahal kita Abby,” huling text ko sa kanya.

Sumakay na ako sa eroplano.

Ako Si Elazul Valiente mahal ko si Abigail Fernandez.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon