Chapter Thirteen

33.6K 384 26
                                    

============================Picture ni France=============>>

[Abby’s POV]


“Wag mo nalang alamin,” sabi sa akin ni Elaz. Nakakacurious naman kasi na ayaw niya kay Xander. Eh nag-uusap naman silang dalawa. Saka alam ko nag-iinuman pa silang dalawa dati sa roof top eh. Anyare kaya? “May mga bagay kasi hindi mo na dapat malaman Abby,” asarin ko nga. “Siguro may relasyon kayo dati no? Nagbreak lang kayo kaya bitter ka!! CHOS!!” nanlaki mata niya sa sinabi ko. “Anong relasyon ang pinagsasasabi mo diyan? Ano ako bakla? Baka siya,” sabi niya. “Oyy hindi bakla si Xander ko ah!” tapos nginitian ko sya ng nakakaloko, “Ayieee bitter..” Nag-iba bigla ang aura niya at nakakaramdam ako ng di kanais nais na pangyayari.


“Baka gusto mong subukan kung gaano kasarap makipaglaro sa tunay na lalake,” sabi niya. Then hinawakan niya ako sa parehong wrist ko. Hahalikan nya sana ako kaso ginawa ko ipinatong ko ang chin ko sa shoulder niya. “That won’t work sweetie..” sabi niya. Binitawan niya ang wrist ko sabay niyakap niya ako at napahiga ako sa kama with him leaning on me. Tinitigan niya ako with his blue eyes, sabay ngumiti siya. “You’re blushing sweetie,” sabi niya. Ngayon ko lang uli natitigan ng malapitan. “You want my lips?” tanong niya. “OYYY ANONG PINAGSASASABI MO DIYAN?! UMALIS KA NGA SA AKIN!!” tumawa lang siya. “Kunwari ka pa.” sabi niya. “OYY AYOKO NGA! EEEEEEE UMALIS KA NA KASI!!” nagpupumiglas na ako kaso ang higpit ng yakap niya sa akin. “Ayoko matutulog ako ng nakaganito ang pwesto natin.” Sabi niya.


Bigla nalang nagtulugtulugan si Elaz. “OYYY ELAZ!!” sigaw ko. “I can’t hear you, I’m sleeping,” sabi niya. “Oh it’s no use. Kahit naman anong gawin ko hindi ka bibitaw! BWISET!!” sigaw ko. “Shhh wag kang maingay natutulog ako.” Maya maya nakatulog nga ang baliw. Unti unti ng lumuwag ang kapit niya sa akin kaya nakakawala na ako. Umayos na ako ng higa, inaantok na din ako kaya nakatulog na ako. Kaso naalala ko di papala ako nagtootoothbrush, kaya ayun bumangon ako. Then after ko magtoothbrush natulog na ako.


Kinabukasan nagising ako na nadatnan kong naka-uniform na si Elaz. “Kala ko may lakad tayo?” tanong ko sa kanya. “May super quiz pala kami ngayon sa major ko kaya kailangan kong pumasok,” sabi niya. “Wow huwarang mag-aaral oh! Parang tunay!” sabi ko. “Ganun talaga kailangang mag-aral kahit papano. Balita ko kay Violet mag-shshift ka daw?” tanong niya. “Oo ehh parang di ko linya ang fine arts.” Lumapit siya sa side table nakapatong kasi doon ang bag niya, “Gusto mo pag-aralan mo nalang akong mahalin. Mas mainam yun hehehe..”  sabi niya. “Ayoko nga baka, bouncing baby boy or girl ang ibigay mo sa aking diploma.” Sabay nagbehlat ako. “Bahala ka, sabi mo yan, mamaya nalang natin tuloy date natin pag-uwi ko,” sabi niya. Then umalis na siya.


Nagluto na ako ng almusal ko, then after ko kumain eh may biglang kumatok sa pinto. Sino naman ang bibisita ng ganitong kaaga. Binuksan ko yung pinto. Tumambad sa akin ang isang gwapong nilalang. “Nandiyan ba si Elaz,” si FRANCE VALIENTE! Oyy tae ka Abby wag mo pagnasahan yan! Boyfriend ng bestfriend mo yan! Napansin ko na parang malungkot ang aura niya. Napansin ko rin na may dala siyang dalawang bote ng vodka. “Wala ehh, kakapasok lang. Umaano ka ba rito?” tanong ko sa kanya. “Pwede ba pumasok?” Since kapatid naman to ni Elaz eh pinapasok ko na. Kaso medyo awkward nga lang kasi hindi naman kami close. Kahit ba long time boyfriend siya ni Violet. Ipinatong niya yung dalawang bote ng vodka sa center table. Then umupo siya sa sofa at binuksan ang TV.


“Uhm France, maiwan muna kita diyan maliligo lang ako,” sabi ko sa kanya. Naligo na ako, then after that eh lumabas akong naka towel lang. Napalingon sa akin si France, kaso inilayo niya agad tingin niya. Tapos feeling ko nagblush siya. Ibang iba siya kay Elazul na manyak. Diretso na ako sa kwarto then nagready na ako pumasok. Nag-uniform na ako, tapos sinilip ko phone ko para tignan kung may message. May isang message ako nareceive, galing kay Violet: “Bessie break na kami ni FRANCE!! *sad face* uuwi muna ako sa mga mom ko sa Bataan. Pakisabi nalang sa mga prof ko na may emergency at kinailangan kong umuwi sa amin.”

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon