Chapter Thirty [Ending]

27K 366 23
                                    

NATAPOS KO NA RIN SA WAKAS!! IT TOOK A WHILE PERO ETO NA SIYA!! :D SALAMAT SA LAHAT NG SUMUPORTA SA AKIN AT SA STORY NA ITO MAHAL NA MAHAL KO KAYONG LAHAT SOBRA!! :D

[Abby's POV]

Nagising nalang ako sa kalampag ng pinto, as in malakas talaga. Oh my God it's Six AM! Who would visit, no... who would annoy me this early?! Para akong zombie na naglakad papalabas ng kwarto papunta sa front door. Echosera talaga mga tao dito. Nung naniningin palang ako ng kwarto dito eh sabi nung landlord eh peaceful daw dito. Deja vu ba ito?

It's been six years since I last saw him. He deactivated his facebook account, twitter, instagram pati email niya hindi ma-contact. Kahit ang kapatid niyang si Franz ay walang balita sa kanya. Mukhang ayaw na talagang magpakita ni Elazul sa amin. Bueno move on!

Naka-graduate na ako, nasa bagong apartment na rin ako na mas malapit sa trabaho ko. Mga fifteen minutes na biyahe lang mula dito hanggang sa work ko. Ayun nalang ang ginawa kong way para maka move-on sa kanya. Dati ang subsubin ang sarili ko sa pag-aaral ngayon naman sa pagta-trabaho. Pero hindi ko naman kayang lokohin ang sarili ko dahil mahal na mahal ko pa siya. As in sobrang mahal na mahal ko siya.

Nawala na sa akin ngayon ang pag-asa na sa bawat pagbukas ko ng pinto ay si Elazul ang madadtnan ko, with or without clothes. Kahit ano pang eksena ay yayakapin ko siya nng mahigpit at di ko na siya papakawalan.

Binuksan ko na ang pinto at naguluhan ako dahil nasa harap ko ngayon ay ang boyfriend ng bestfriend ko. "Franz? Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya. "I was nearby kaya pinasundo ka na sa akin ni Violet. May event daw kayo sa trabaho ngayon and it seems dawn a tulog ka pa kaya pinadaanan ka na niya sa akin." Biglang na-alarma ang diwa ko. Oo nga pala dadating ngayon yung mga stockholders kaya kailangan namin magpunta ng maaga sa office. "Naku oo nga pala," sabi ko, "pasok ka muna Franz maliligo lang ako at magbibihis."

So dali dali akong naligo mga ten minutes lang ay tapos na ako maligo, magtooth brush at magbihis. Sabay tumakbo na ako sa living room kung nasaan si Franz. "Tara na," sabi ko at lumabas na kami ng apartment building at sumakay sa car niya.

Tahimik lang kami sa car then he broke the silence. "Nasa Pilipinas na si Elazul ah." That statement made my heart pound. "Huh? Kailan pa? Nasaan siya?" tanong ko sa kanya. Kung dumating na si Elaz, bakit hindi siya nagpapakita sa akin? "I really have no idea. Pero I'm pretty sure last month pa siya dumating. Nagtext kasi siya kay mama ko ng 'I am home so you better prepare the wedding woman' ayun ang sabi niya sa text. Isang buwan na rin nagpe-prepare si mama pero hindi naman na uli nagparamdam si Elaz sa amin," ayun ang sabi niya. "Wedding? Ikakasal si Elaz?" tanong ko. "Ewan ko sa kanila ni mama," sabi niya, "parehas may sira ulo nung dalawa na iyon. Baka nga may girlfriend si Elaz hindi lang sinasabi." Nalungkot ako sa nalaman kong balita. Kaya nga siguro hindi na siya nagpaparamdam may girlfriend na nga siguro siyang bago. Gusto kong maluha kaso pinigilan ko. "I'm really sorry Abby," ayun nalang ang sabi ni Franz.

Hininto niya na ang sasakyan dahil nakarating na kami sa pinagta-trabahuhan ko. "Mag-ingat ka ah Abby mauna na ako sa'yo, magpapagawa pa ako ng suit" sabi niya. "Para saan? Sa kasal ni Elaz?" tanong ko. "Hindi ah, tanong mo nalang sa bestfriend mo ng malaman mo," sabi niya. "Sige," ano kaya iyon?

Bumaba na ako ng sasakyan at napabuntong hininga. Pinagmasdan ko lang ang papalayong kotse ni Franz. Tapos pumasok na ako sa building ng pinagta-trabahuhan ko.

Pagdating ko sa office ay sinalubong agad ako ni Violet. "Best late na ba ako?" tanong k okay Violet. "Hindi cancelled na ang meeting, gumising pa naman ako ng maaga," sabi niya. "Maiba tayo sinundo ka ba ni Franz?" tanong niya. "Oo salamat ah. Bakit nga pala magpapagawa ng suit iyon?" tanong ko sa kanya. Then she smiled and showed me her right hand. "Oh ano meron diyan?" tanong ko. "Gaga nagpropose na siya sa akin nung isang araw," sabi niya. Napatili ako, "talaga?! Oh mygaaaad bakit ngayon ko lang nalaman?" "Eh gaga ka di mo sinasagot phone mo kahapon porke day off mo naka off din ang phone?!" sabi niya uli. "Sorry naman,eh kasi kinukulit ako nung nagtatahi ng office uniform natin na magdown pa uli ng panibago sa kanila eh hindi pa naman niya napapakita yung damit," sabi ko. Kakilala ko kasi yung nagtatahi kaya ako nag-aasikaso nng office uniform namin. "Ganun ba, hindi pa ako nakakapagpasukat doon ah. Ay yamo na nga, basta mamaya samahan mo ako magpagawa ng bridal gown ko," sabi niya.

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon