Chapter Twenty Five

23.3K 337 39
                                    

Pasensya Kung natagalan.. Just two more chapters siguro.. patapos na to.. I love you all!

[Abby’s POV]

Nasa rooftop ako ngayon nakatulala sa kawalan. “Nandito ka lang pala,” that voice is Dan’s. “Oh bakit mo ako hinahanap?” tanong ko sa kanya. “I just wanted to know if you’re okay.” I notice the slight bruise on his face, sa pagkakasuntok siguro ni Elaz. “Bakit naman ako hindi magiging okay? I have every reason to be okay.” “Well you have no reason to lie at all.” Natahimik nalang ako at napatingala sa stars. “Bakit ang unfair ng buhay Dan?” “Go, on,” sabi niya sa akin. “I finally realized that I love him, pero huli na. Yung brain cells ko may problema eh!” “Ikaw may problema, nasa harap mo na, pinalayas mo pa.”

Napasandal nalang ako sa edge ng rooftop at napatitig ako kay Dan. “Alam kong gusto mong mabawi si Thea. Pero sa tingin mob a pag innagaw ko sakanya si Elaz, magiging kayo uli?” He was taken aback at napayuko nalang. “I thought so. Naisip mo ba na pwede na magalit lang siya sa akin at manatili pa rin sa puso niya si Elaz. Even if you will become the prince to rescue her, sa tingin mo ba eh magpaparescue siya sa’yo?”

The truth is, nasa magkaibang fairytale kaming apat. Ang sa fairytale mamin ni Elaz, eh para kay Thea, ako yung witch na aagaw kay Elaz, si Elaz pa rin ang  prinsipe. Sa fairytale naman ni Dan, ako yung fairygodmother na tutulong sa kanya para matalo niya yung evil monster na kumuha kay Thea. It won’t work.

“Pero sa tingin mo ba sa sitwasyon natin ngayon ilan ang agrabyado?” tanong sa akin ni Dan. “Ikaw saka ako,” sabi ko. “Mali ka, si Elaz gusto ka, ikaw gusto mo si Elaz, ako gusto ko si Thea, si Thea gusto si Elaz. Mahal niyo ang isa’t isa pero di kayo pwede. Mahal ko si Thea pero di kami pwede. Mahal ni Thea si Elaz, pero ikaw ang mahal niya. Lahat tayo agrabyado sa sitwasyon. Think about it.” Natahimik nalang ako.

[Elaz’s POV]

Inaabangan ko si Thea dito sa parking lot, sheesh, gabing gabi na. Alas nueve kasi labasan nila Thea ngayon kaya hinihintay ko siya dito.

Natatanaw ko na siya na papalapit.

“Babe,” niyakap niya ako ng mahigpit sa gitna ng parking lot sa university namin, “how was your day?” “Ayos lang naman, medyo nakakpagod, dami kong ginawa eh.” Nakakapagod isipin kung paano ko mababawi si Abby, ng hindi ko sinasaktan si Thea. “Mukha ngang pagod ka babe, i-cancel na natin date natin ngayon. Magpahinga ka muna.” “No, I really wanna go somewhere.” “Oh okay.” So sumakay na kami sa kotse ko.

“Saan mo ba gusto pumunta?” tanong ko sa kanya.

“I have a place in mind.”

[Abby’s POV]

“Ano ba ang ginagawa natin dito?” pagkatapos kasi nang pagda-drama naming ni Dan sa rooftop ng apartment building naming ay bigla niya akong hinatak pababa ng hagdan papunta sa labas sa kotse niya. At napadpad kami sa sea side.

Nilakad naming yung pathway, gabi na pero ang dami pa ring tao dito saka maliwannag pa rin. Pinagmamasdan ko yung other side ng dagat, may matatanaw ka kasing naglalakihang building na nagliliwanag. Ang ganda lang sa paningin. Tapos nagrereflect pa yung ilaw nun, sa dagat mismo kaya astig, the same as the moon.

Umupo kami sa sea wall, yung parang pader sa baybaying dagat. Dinama naming ang maalat na hangin. Maygaaad sabi ni Violet nakakaitim daw yung hangin ng dagat alam ko, saying whitening soap. “Oh ano ang peg natin ngayon bakit nandito tayo?” tanong ko sa kanya. “Dito kami madalas magdate ni Thea.” “Ahh Okay,” sabi ko, wala na ako masabi eh.

Bigla niya hinawakan ang kamay ko at isinandal niya ang ulo niya sa balikat ko. “Abby pwede ba na ikaw muna si Thea ngayon? Kahit saglit lang?” Napatingin ako sa kanya sabay tinitigan niya ako. He slowly neared his lips towards mine ako naman napapikit na  lang. Dahan dahan niyang dinampi ang malalambot niyang labi sa mga labi ko.

“DANIEL MALLARI GAGO KA!!”

Naudlot nga lang ang moment naming sa lalake na sumigaw. At paglingon naming, si Elaz nakatitig sa amin galit na galit. Naroon din si Thea, na gulat na gulat ang itsura. Hindi ko alam kung nagulat siya sa reaction ni Elaz o sa kiss na ginawa namin ni Dan. I’m totally confused right now.

Sa isang iglap lang nasa harap na namin si Elaz. Hinablot niya sa collar si Dan. “Talagang sasapakin mo ako sa harap ng girlfriend mo? Bakit ano naman diba sa’yo kung hinalikan ko si Abby? Huh? WALA NAMANG NAMAMAGITAN SA INYO DIBA?!” Para akong tanga na nakatitig sa kanila. Parang anytime eh sasabog sila. Elaz was clenching his teeth, sabay napasigaw nalang siya, “AHHHHHHHHHHHHHHHH! DI KO NA KAYA!!” Binitawan niya si Dan, na muntik muntikan ng mahulog sa dagat, buti nalang nahawakan ko siya.

“Alam naman natin lahat dito na si Abby ang mahal ko diba?!” sigaw ni Elaz sa dalawa. “Ikaw pinagseselos mo lang ako gago ka! Hindi mo naman talaga gusto si Abby!” sigaw niya kay Dan. Napalingon si Elaz kay Thea, “let’s face it Thea, si Dan talaga ang mahal mo diba? Two days ago noong natulog ka sa condo ko, pangalan mo binibigkas niya. Sabi mo ayaw mong mawala siya. And we both know na maling mali na nagkabalikan tayo.” Napayuko nalang si Thea. And then yung tingin ni Elaz eh nabaling sa akin.

“Ikaw naman,” lumapit siya sa akin. “Alam mo namang mahal na mahal kita, bakit pinapahirapan mo pa ako?” naluha nalang ako sa sinabi niya. Napalingon siya kay Thea at Dan. “Ayusin niyo relasyon niyo.” Hinatak ako ni Elaz papunta sa kotse niya.

Nakasakay na kami, para akong tanga na nakatitig lang sa kanya.

“I missed you,” sabi niya. Hinalikan niya ako bigla.

[End Chapter]

Sana nagustuhan niyo :)

LOVE LOVE LOVE

--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon