Chapter Twenty Four

24.8K 319 41
                                    

“Bakit ba kayo nagbreak ni Thea?” tanong ko kay Dan habang nakaupo kami sa hagdan sa third floor at kumakain ng isang tub ng jelly beans. Isusubo niya n asana yung isang jelly bean pero natigilan siya nung narinig niya yung tanong ko. “Inagaw siya sa akin ni Elaz, for the second time,” sagot sa akin ni Dan. “Paano naman nangyari yun? Saka second time?” “Si Thea kasi may tendency na ma carried away sa mga bagay bagay. Eh nung nalaman niyang naging schoolmate namin si Elaz ayun. Medyo nagging masama kasi yung break up nila dati, kaya ang gusto ni Thea eh magkabati na siya.. Kaso hindi ko namamalayan unti unti na palang na-iinlove ang girlfriend ko sa ex niya.” Napatango nalang ako.

“I really love her..” sabi niya sa akin. “Ang hindi ko maintindihan eh kung bakit ang dali dali lang sa kanya na iwanan ako. Hindi niya ba ako minahal?” hindi ko namamalayan na umiiyak na pala yung katabi ko. “Oyy wag ka ng umiyak.. uubusin ko tong jelly beans bahala ka..” ayun nalang nasabi ko. Natawa lang siya at pilit pinupunasan ang mga luha na ayaw tumigil sa pagtulo.

“Uhm Abby..  Salamat at tinutulungan mo ako.. Kahit alam kong labag sa loob mo lahat to..” tumango nalang ako.. Lately nagiging tahimik ako, ganun ba talaga pag brokenhearted? Nagiging deep at hindi masyadong nagsasakita? “Well since you’re my fake boyfriend, eh mag fake date naman tayo,” sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya at hinawakan sa kaliwang kamay niya yung tub ng jelly beans.. Sa right hand.. yung kamay ko. “Fake holding hands,” sabi niya.

Hinigit niya ako papunta sa kotse niya..

Saan kaya ako dadalhin nito?

Nakatulog ako sa biyahe. Nagising nalag ako sa pagtapik niya sa balikat ko. “Abby nandito na tayo.” Pag silip ko sa bintana, napunta kami sa labas ng isang lugar na may mataas na mga pader. “Nasaan tayo?” tanong ko sa kanya. Bumaba na siya sa kotse at pinagbuksan ako ng pinto. “Tara,” mukhang excited siya.

 Dumiretso kami doon sa gate.. Pag pasok name eh ang daming halaman.. Puro roses..

Nasa isang rose garden kami, ang daming roses. Bakit ngayon lang ako napunta sa lugar na to? Puro pula, yellow at white ang roses sa paligid. Feeling ko tuloy si Alice ako sa Alice in wonderland. May mga rose bushes na mataas at mababa, may naka shape naman na parang hayop at mga tao. Naglalakad kami sa stone pathway na napapaligiran din ng roses. Napadpad kami sa center ng garden na may gazebo na napapaligiran ding ng roses. “Ang ganda naman dito,” sabi ko kay Dan. “Ito ang kaisa-isang secret ko kay Thea, dito ko kasi kinukuha yung lahat ng roses na binibigay ko sa kanya.” “So sayo lahat to?” tanong ko sa kanya. “Yup, pamana ng lola ko sa akin, ikaw palang ang unang babae na nakapasok dito maliban siguro sa mga gardener dito.”

Biglang may tumugtog na music, yung pang waltz, “Bakit may ganun pa? May kemeng waltz sound pa?” “Dapat daw kasi nakakarinig yung mga roses ng music para mamging masaya sila.” Wow ganun pala yun. Then dahan dahang lumapit sa akin si Dan. Nakatitig siya sa mga mata ko. “Can we dance?” “Ehehe di ako marunong sumayaw,” lakas maka Troy at Gabriella lang? “I’ll teach you..” hinawakan niya ako sa waist at sa isang kamay ko, inilagay niya naman yung isang kamay ko sa balikat niya.

“This will be our fake dance on this fake romance,” sabi niya sa akin. Biglang nag change yung music. Tumugtog yung “A thousand years,” ay kems bakit ganun? “Lakas maka Breaking Dawn ng music dito ah,” sabi ko. “Hindi ako fan ng twilight saga pero gusto ko yang kanta na yan.” Isinayaw na niya ako, kasabay ng rhythm nnung kanta, slow but sweet. Kaso nahihiya ako kasi nnatatapakan ko siya, napapangiti nalang siya pag ganun.. Ako naman napapabulong ng “Sorry.” Nung medyo nagets ko na kung paano sumayaw eh nagkatitigan na kami. “Fake I love you,” sabi niya sa akin, “Fake kiss.” Bigla niya akong hinalikan. Napapikit nalang ako. Yakap yakap na niya ako, yakap yakap ko rin siya, pero hindi naglalayo ang mga labi namin.

Then he pulls himself away, “I’m sorry I got carried away.” Napayuko ako at nagbblush, feeling ko, “ako rin, pasensya na.”

[Elazul’s POV]

“Oyy Elaz anong ginagawa mo diyan?” ayy nakatulog na pala ako dito sa tapat ng pintuan nila Abby. “Abby,” ayun lang nasabi ko sa kanya, habang naghihikab at tumatayo ako. Nakita kong may hawak siyang mga roses, at nasa likod niya si Dan. “Tsk, may syota na naghahabol pa,” sabi ni Dan. Suntok nalang ang naisagot ko kay Dan. Napatumba siya sa sahig. Nagulat naman si Abby sa reaction ko at natulala nalang sa nasa sahig na si Dan.

Kinuha ko yung susi sa tuktok ng doorway ni Abby. Doon niya kasi tinatago yun eh, spare key kumabaga. Hinatak ko papasok si Abby ng apartment at ni lock ko yung pinto. Sabay niyakap ko siya ng mahigpit.

“Bakit ba sa dinami dami ng pwede mong maging boyfriend eh siya pa?” sabi ko..

[Abby’s POV]

“Eh ano ba ang pake mo?! Hindi ko naman kayo pinapakeelaman ni Thea ah?!” sigaw ko.

“Paano kung sinabi ko sa’yo na mahal kita,” eto nanaman tayo. Guguluhin nanaman ni Elaz anng utak ko. “Hindi kita mahal,” sabi ko. “Aalis ako ngayon at hindi mo na ako makikita pa uli,” sabi niya sa akin. Naluluha na ako, at yumuko nalang para hindi niya ako makita na affected. “Edi umalis ka..” a brief pause in this heartbreaking moment filled in. Then isang salita nalang ang narinig ko sa kanya kasabay ng pag shove niya sa akin para hindi ko maharangan ang pinto, “Fine..” he says coldly. He slammed the door.

Sinabi kong umalis siya pero sa totoo lang. Siya anng gusto kong makasama. Pero iniisip ko si Thea. Oo pumayag akong tulungan si Dan. Pero si Thea, paano kung mahal na mahal niya talaga si Elaz? Ayaw ko namang masaktan siya. Mabuti nang ako nalang ang nasasaktan.

Pero Elaz.. Mahal na mahal kita..

[End Chapter]

Next Chapter would be interesting.. :) abangan niyo nalang :)


sana nagustuhan niyo


LOVE LOVE LOVE


--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon