Chapter Five

50.3K 547 34
                                    

Sorry sa mga typos.. Especially yung "naming" supposed to be "namin" yun o "naman.. I'll edit it later..

Saka ito na medyo mahaba to hahaha XD

Next update Point of view naman ni Elazul ahhaha

______________________________________________________________________________

A week later medyo humuhupa na yung chismis tungkol sa akin at sa pagnanasa ko kay Elazul. Ewww maka-term mga tao sa amin, “pagnanasa” talaga eh. Ngayon wala kaming pasok, nagpunta kasi sa isang arts convention mga prof naming eh. So nandito ako sa kama ko nakahiga habang nagmumuni muni. Di ko na alam ang gagawin ko sa buhay ko eh, magtutulog nalang siguro ako, nakakatamad naman kasi lumabas, ang init kaya.

Hanggang ngayon pinipilit ko pa din si Elaz na burahin yung mga picture saka video. Pero ayaw niya talaga eh. Pinakita niya sa akin yung mga yun one time, muntik ko ng masira laptop niya sa sobrang inis ko. Sa sobrang hiya na din. Minsan tuloy napapaisip nalang ako kung paano ko nakakayang ihandle yung mga katulad niyang tao.

And then, nawalan bigla ng power. “SHEMAY NAMAN!! ANG INIT INIT NA EH!” Lumabas ako ng apartment ko dahil ang init. Kaya doon ako tumambay sa may hagdan, naka-upo ako doon. Tapos may hawak akong pamaypay, haggard looking na ako. Sakto lumabas si Elaz, na nakashorts lang at walang suot na T-shirt. “Minsan nalang ako mawalan ng pasok wala pang power,” reklamo niya, sabay napatingin siya sa akin, “Oh hi Abby.” Hindi ko na siya pinansin. Tapos tinabihan niya ako, umupo din siya sa hagdanan. “What are you up to?” tanong niya sa akin. “Wala naman, nagpapalamig lang,” actually malamig kasi dito sa hallway. Sabay hinablot nia sa akin yung pamaypay, “Ako na magpapaypay sa’yo.” Sabay pinaypayan niya ako, habang pinapaypayan niya sarili niya.

“Useful ka din pala paminsan minsan, Elaz,” I look at him lazily.

“Try mo kasi ako kahit isang gabi lang, malaman mo kung gaano ako ka useful. Baka umulit ulit ka pa mga sampung beses.” Puro sex lang ba talaga ang nasa utak nito?

“Wag na lang..”

“Okay, you don’t know what you’re missing.” Ilang babae na kaya ang naka-sex nitong lalaki na ‘to? Ahh ayoko ng malaman baka mashock lang ako sa numbers.

Maya maya nakita ko nalang yung may ari nitong apartment, paakyat papunta sa amin. “Oy Abby yung bayad mo sa renta? Tatlong buwan na yung utang mo sa akin ahh. Paghindi ka pa nakabayad this week I’m sorry pero kakailanganin mo ng humanap ng ibang matitirhan.” Enebenemenyen, ang init na nga ng panahon binigyan pa ako ng bagong problema. Lumapit ako doon sa landlord namin. “Kuya baka pwedeng iextend niyo naman yung palugit niyo.. Wala pa kasing pinapadala si Tatay ko eh.”

Yung huling padala niya kasi which is pambayad nung rent eh nagamit kong pambayad sa Fieldtrip naming na super compulsory, lilibutin niyo ang mga museum sa iba’t ibang lugar. Tapos hindi ko masabi kay father ko yun, kasi ang dami nilang gastusing pinoproblema, lalo na at na-ospital pa yung mama ko. Gusto ko mang umuwi sa probinsya nung time na yun kaso hindi ako pinayagan ni father ko.

“Sorry Abby.. Pero hindi na kita mapapagbigyan sa gusto mo.” Umalis na yung landlord naming. Sinubukan ko pa siyang kausapin kaso ayaw na niya talaga. Then bumalik na ako sa tabi ni Elazul. “Boy, what a bummer. So how would you get the money now?”

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon