Elusive Chanteuse - The Adventure part 1

2.3K 432 25
                                    

Mga alas dose na ng hating-gabi dyan sa tabi-tabi nang mapaltos ang paa ng ating bidang chanteusera. Tumatakbo sya hindi dahil nagpapaka-Eva Fonda kundi dahil sya ay tinutugis sa pagtatangkang tangayin ang bato ni Darna. Pinagbabato tuloy sya at hinabol ng nagliliyab na kahoy. Mabuti na lang may nakita syang karuwahe. Si Cinderella ang sakay. Pinara nya ito at sya'y hinintuan.

"Cinderella, pwedeng pasakay? Hinahabol kasi ako e!" tingin nya sa mga paparating.

"Pasensya ka na girl, nagmamadali ako e!" ang parang naiiyak nyang sambit. "Malapit na akong bumalik sa pagiging muchacha!"

"Ay ganun ba?" na-sad kuno ang chanteusera. Bilang pampalubag loob, ibinigay ni Cinderella ang glass slipper nyang suot.

"Kunin mo na." sabi nya.

"Pero -" Pinatakbo nya na ang karuwahe. Subalit, di pa man tuluyang nakakalayo, nasaksihan ng chanteusera ang pagiging kalabasa ng sasakyan hindi pa man nakakalabas si Cinderella. Napa-sign of the cross na lang sya at maya-maya'y nag-shoe fitting.

"Ehrmeghed! Fit sya saken!" Ang landi nya.

"Freeze!" sigaw sa kanya ng isa sa hukbo ng taga-Konoha. Hinarap nya ang mga ito at ngumisi na parang si Joker. Tinapak nya ang kanang paa sa lupa habang kumakanta ng 'let it go, let it go'. Ilang segundo lang, sila'y naging yelo. Sa pag-aakalang naging yelo na ang lahat, nag-victory dance ang chanteusera. Sa kaligaligan, dumiretso tuloy sya pababa kung saan may bangin.

Ang o.a lang ng bangin dahil may nakikita syang iba pang bagay na kasabay nyang nahulog gaya ng aparador, kobrekama at kamiseta. Limang minuto after nyang bumagsak, narating nya na ang Wonderland kung saan may bagong hukbo. Hukbo ng Queen of Hearts. Sya ay dadalhin sa reyna at parurusahan sa salang trespassing at jaywalking. Naglalakad sila nun nang mapansin ni Chanteuse na parang may pusang lumulutang. Nang naaninag, tinawag nya ito.

"Uy Doraemon! Tulungan mo nga ako!"

"At bakit?"

"Gigilitan ko si Nobita pag di mo ko tinulungan! Sige!" pananakot ng Chanteuse.

"Ano ba kasing kailangan mo?" tanong ni Doraemon, huminto rin sa wakas. Tanging ang chanteusera lang ang nakakakita sa kanya kung kaya pinag-iisipan nilang may saltik ang bida.

"Kailangan ko ng espada ni Panday!" ang sabi nito, nangangati ng hiwain ang mga hukbo ng baraha.

"Ay pasensya na, inarkela ng negrang lakwatsera!"

"Kainis talagang Dorang yan!" maktol ng chanteusera. "O sige, yung palakol na lang ni Zenki."

"Okay." At pinagpapalakol ni Chanteuse ang mga baraha.

Since kanina pa pinaghahabol ang kagandahan ng Elusibong Chanteusera, O.A naman kung di sya makaramdam ng pagod at gutom, diba? Mabuti na lang kamo e, may nakita syang kulay green na kotseng kuba, sakay ang isang lalaking parang sinto-sinto at may kasamang teddy bear. Hinintuan sya ng kotse nang pumara si Chanteuse gamit ang nakasisilaw nyang leg.

"Halo!?" bati nito sa Chanteuse ngunit ang tingin ay nasa leg.

"Hello! Can I ride with you? I'm so tired and lost e!" pag-i-ingles ng gaga.

"Okay!" aniya. " By the way, my name is Beyn. Mistuh Beyn!"

"Elusive. Elusive Chanteuse."

"This is Teddy!" hawak nya sa leeg ng stuff toy sabay yugyog para masabing nag-hello. "Teddy says you're cute!"

"Ahaha!" tawag ng chanteuse. "I so know that!"

Lingid sa kaalaman ng Chanteusera na si Mr. Bean ay may masamang balak sa kanya. Gusto syang pagsamantalahan. Naramdaman na lang ng Chanteuse na tila bumabagsak na ang kanyang mga mata mula sa pampatulog na sinet-up ni Mr. Bean. Subalit dahil mas malapit si Mr. Bean sa pinanggagalingan ng pampa-antok, sya ang unang nakatulog. Sunod si Teddy. Sinamantala ni Chanteuse ang pagkakataon at tumalon sa kotse bago pa ito bumangga sa isang puno ng balete kung saan may nagpapakitang white lady na nakaitim.

Ibinuhos ni Chanteuse ang natitirang lakas at naglakad papunta sa munting bahay na parang gawa sa pagkain. Nawalan na sya ng malay bago nya pa makilalang sina Hansel at Gretel ang bumuhat sa kanya. Nahimasmasan na lang sya nang maamoy nya ang aroma ng sinigang. Pagmulat nya ng mata, nakababad pala sya sa sinigang, sa loob ng malaking palayok, kasama ang dalawang bata.

"Mabuti gising na po kayo!" bungad ni Hansel.

"Nawalan po kayo ng malay e. Kaya nilagay ka dito ni manang."

"Pwede namang pasinghutin na lang ng white flower diba? Bakit dito pa?" Nung aktong tatayo na ang chanteusera, pinigilan sya ni Gretel.

"Dito lang po kayo. Kumukuha pa po ng kangkong si manang sa bakuran." Nanlaki ang mata ni Chanteuse.

"Mga shunga! Lulutuin tayo ng mangkukulam na yun! Di nyo ba alam!?" Bago pa man din makumbinsi ng chanteusera ang dalawa na umalis sa palayok, nadatnan na sila ng mangku. Gumamit sya ng salamangka upang makulong ang chanteuse sabay wika ng,

"Makunat ka na naman e kung kaya etong mga bata na lang ang gagawin kong agahan! Hihihihi!" Nainsulto ang bida.

"Huwaw. Ako, makunat? Ano ka pa kaya, nigga? Tender and juicy?" Gumamit uli ng salamangka ang mangku, pinalutang ang kulungan palabas ng bahay. Naalibadbaran ata.

Hindi kayang manatili ng chanteusera sa selda nang walang ginagawa. Kailangan nyang makawala. Subalit wala syang susi. Mawawalan na sana sya ng pag-asa nang marinig nya ang pagsipol ni Pinocchio.

"Pinocchio!" Napalingon ang batang kahoy.

"Bakit po?" tanong nito nang makalapit.

"Favor naman o. Pabukas ako neto!" hawak nya sa kandado.

"'Pano po? Wala po akong susi!"

"Madali lang yan. Basta ihulma mo yang ilong mo sa sasabihin ko." At sinimulan na ni Chanteusera.

"Pangit ba ako?"

"Syempre po!"

"Sinungaling! Maganda ako!" Dahil dun, humaba ang ilong ni Pinocchio. Hindi pa masyadong sakto ang hulma kaya di pa mabuksan. Nagtanong uli ang gaga.

"Maganda ba ako?"

"Hindi po."

"Ah. Hindi ka nagsasabi ng totoo Pinocchio." Humaba uli ang ilong ni Pinocchio at dahil dun, tuluyan ng nabuksan ang kulungan.

Bumalik ang chanteusera sa loob at nasaksihan nya ang paglagay ng mangkukulam sa apoy from low to high heat. Para ng 'stoned' ang dalawang bata kung kaya wala ng ibang choice ang chanteuse kundi ibato ang glass slipper sa palayok. Nang mabasag ang palayok, pinatakas na ni Chanteuse ang mga bata.

"Lapastangan!!!" ang galit ng mangkukulam.

"Orangutan!" sagot naman ng chanteusera. Habang bumabanggit ng matinding orasyon ang mangku, nagbanggit na rin sya ng kanya.

"Let it go. Let it go. Can't hold it back any....MOOORRREEEE!!!!" Parang haduken na naglabas si Chanteuse ng ice. Subalit hindi simpleng ice. Dry ice. Dead na ang mangkukulam. Pinulot nya ang glass slipper, tumingin sa kawalan at kinausap ang sarili,

"Hindi kita bibiguin Cinderella. Hindi na ako magpapakipot pa kay Prince Charming para agad-agad na ang Happy Ending."

Ipinasok nya na sa bulsa ng pantalon ang glass slipper after nyang mag-self talk at lumabas upang ipagpatuloy ang paglalakbay pabalik kay Prince Charming.

Itutuloy...

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon