Ikaw - 2

9.4K 650 87
                                    

Ang sabi nila pag nakumpleto mo raw ang simbang gabi, mangyayari daw ang hiniling mo - hindi naman agaran; wala itong katiyakan pero darating daw dahil ang pinaka-gyst o ang lesson daw sa syam na madaling araw sa paghihintay sa kapakanakan ni Hesus ay upang patunayan na sa Dyos, walang imposible. Yan ang narinig ko sa misa sa huling araw ng simbang gabi duon sa cathedral.

Kung ganon... sabi ko sa sarili ko. ...pwede pa rin akong humiling at magkakatotoo ito? Kasi, nothing is impossible with God e? Napangiti ako sa naiisip ko and at the same time, naaawa. Pakiramdam ko napakadesperado kong tao upang humiling ng mga ganoong bagay - mga bagay katulad ng "sana may lalaking nakalaan para sakin" o di kaya "sana matagpuan ko na sya." Kontrapelo ako e. Dinedebate ko sarili ko na malabong mangyari ang mga hinihiling ko, na kahibangan lang ang mga pinagsasabi ko at epekto lang ng nasaksihan ko pag-uwi galing christmas party subalit sa isang banda, tinatanong ko sarili ko, "Bakit? Wala namang imposible sa Dyos a? Pari na rin mismo ang nagsabi!" Nakakaawa hindi ba? Alam ko sa sarili ko na imposible ngunit umaasa pa rin sa salita, pinanghahawakan ang katagang iyan, nagba-baka sakali.

Maging dito sa cathedral walang gustong  tumabi sa akin. Pangdalawahan lang kasi dito sa pwesto ko at ang karugtong ay nasa kabila, sa likod ng higanteng haligi na pumapagitan dito para maging buo at isang mahabang upuan.

Sean hindi ka na nasanay. sabi ng boses sa aking isip. Ganya't ganyan din naman ang senaryo kahit noon pa, diba? Buong buhay ko pakiramdam ko'y lagi akong mag-isa. Hindi naman ako ulila sapagkat buhay pa ang aking mama - kasalukuyang nasa Japan; kumakayod - kung ano man talaga ang tunay na ibig sabihin ng salitang yun. Si papa nama'y buhay din, namumuhay kasama ang ibang pamilya. Buwan-buwan sinusustentuhan ako ni mama sa mga pangangailangan ko - sa pag-aaral, pagkain, at damit to name a few, si papa, sa tuwing gusto nya lang which in fact, once in a blue moon lang mangyari.

Hindi ako ulila. Pero may isang bahagi ng katawan ko ang parang nakakaramdam ng ganon. Ito yung parteng pag wala nito'y hindi ako mabubuhay. Ito yung puso ko na pinatibok mo nung una tayong nagkita. Ito yun Andrean.

Na-caught up na naman ako sa pag-iisip ko sayo. Ipinangako ko na nga sa sarili ko nun na kalimutan ka na e, papasok sa susunod na buwan na para bang hindi tayo nagkakilala at ang tanging dahilan lang kung bakit tayo nagkikita ay upang pumasok sa iisang subject kung saan pareho tayong naka-enroll. Ito lang talaga yun. Walang labis-walang kulang.

Ngunit heto, ikaw pa rin laman ng isip ko. Minsan nga hindi ko maiwasang ikumpara ang pag-iisip ko sa pagkain e. Kahit paulit-ulit ng nakahanda sa hapag, di ako nauumay, di ako nagsasawa, kahit na mabulunan, iinom lang ng tubig at itutuloy uli. Bakit? Dahil gusto ko. Dahil gusto kita. Kahit na nabulunan ako nung may katapatan kang babae sa madilim na waiting shed, ininuman ko lang ng tubig yun; may mga natapong tubig na galing sa mata ko but after that okay na 'ko. 

Kailangan e.

Nagmistulang de susi na lang ako pagkatapos ng homily, uupo, tatayo, luluhod, sunod-sunuran lang sa iba. Medyo naantok pa rin kasi ako ng mga oras na yun, namumungay pa mga mata't pahikab-hikab pa. May mga pagkakataong gusto ko ng tulugan ang pari. At ang oras na iyo'y mangyayari sana sa parteng "Ama Namin" nang maangat ko ang tingin ko't ikaw na pala ang humahawak ng kamay ko, katabi ko.

Gusto kong mag-sorry sayo kung nalakihan kita ng mata at para akong nakakita ng multo sapagkat  hindi kita ini-expect dito, sa totoo lang. Ngunit hindi ba dapat ikaw rin magsorry? Tinawanan mo ko sa naging reaksyon ko, yung tawang nagpapaalam sa isang tao na, "nakakahiya sa kanya!" Hindi ko maipaliwanag ang nangyayari sa aking katawan, para akong inaapoy ng lagnat, mainit na mainit. Hindi ko sigurado kung dahil ba napahiya ako o dahil nadyan ka o pareho? Ewan! Sinabayan ko na lang ang choir sa pagkanta ng Ama Namin ng mabaling ang aking atensyon.

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon