Green Ballpen

392 24 0
                                    

I hate boys.
I hate them. Hindi ko nilalahat pero karamihan sa kanila ay worth despising.
Ever since bata ako, palaisipan na sa'kin kung sadya bang may sa demonyo ang mga lalaki. Gawain ba kasi ng normal na tao ang mang-asar, kahit di naman kayo close? Kahit di niyo naman personally kilala ang isa't-isa? Kahit na mas matanda ka or vice versa? Parang ang bobo lang. O sadyang killjoy lang ako, malambot ang puso't sensitibo?
Kahit 'yong mga kamag-anakan namin di rin pinalagpas pang-aasar sa'kin e. Kung sino pang naturingan mong pamilya, di ba? Do'n ko napatunayang not all blood is thicker than water. Yong iba, mukha ang makapal.
Gumasgas na rin sa isip ko 'yong ideyang 'kung magpakalalaki kaya ako?', and I mean thru gestures ha? Baka sakaling tantanan na ako. Ang kaso hindi e. Ayon sa mga eksperto, nagpapanggap daw ako di umano. Di ko alam sa'n ako lulugar, sis. Na-try ko ng maging longherada, maging paminta but deep inside I find no peace.
Hanggang sa naging b!tch na lang ang lola niyo. Hindi literal ha? Like for example, I would wear what I want or not, I would shave or not shave whenever I want, and I wouldn't give a flying fvck.
Sa dami ng lumipas na taon na puro pangungutya, I grew desensitized but without losing my ground - the child in me who still believes the world is beautiful and kindness is better.
But sometimes, without due warning, that slipped off of me. Working na ako. At narealize ko lang, 'yong ibang mga nangungutya sa'kin either may mga anak na or palamunin pa rin ng mama. I had the last laugh, I thought. Karma nila 'yon, if you may call it.
Ang thinking ko, if I have a good career then I am entitled to be superior than many of these guys. It gives me power. But if I have to be honest, it's my ego that I 'm feeding it with.
Does this make me fearless of guys? Of course, not.  Nandon pa rin takot ko sa mga lalaki because they are also powerful. In physical aspect. Natatakot pa rin ako na baka pag na-hit ko ang nerve nila'y ako naman ang i-hit nila.
I especially feared tattooed guys coz the ink is subconsciously telling me their bad ass.
And as much as possible, iiiwas ko ang sarili ko sa kanila. But life is unpredictable. Meron at meron kang mae-encounter na lalaking may tattoo. And in my case, nagbubuhat siya nang mga in-order kong A4s and other school supplies.
Ako kasi pinagpurchase ng department namin bagamat ako lang ang tao. Umiigib ako ng tubig no'n sa dispenser nang ginulat ako ng lalaking may buhat na mga bagay. Siyempre nagulat nga diba, e di napabitaw ako sa hawak kong mason drinking jar. Natapunan ako malamang.
Ay anong galit ko, sis. Sinisi ko agad ang lalaki.
"Ba't di ka man lang nagsalita diyan!?" pagmamaldita ko.
"Nagsalita po ako, ser. Di niyo lang siguro narinig dahil naka-earphone kayo." Nangangatwiran siya, sis. Nangigigil ako.
"So ako sinisisi mo? Ganern? E alam mo naman palang naka-earphone ako in-assume mo na rin sanang nagpapatugtog ako at hindi ka maririnig."
Binuntunghiningahan lang ako ng kumag na 'to as if he had enough.
"Sa'n po audit department?" aniya. "Yan po ang tanong ko sayo kanina, ser."
Siyempre taga head office ako, specifically, taga-Audit department, so alam kong narito siya sa tamang palapag. Kaya naman,
"Andun sa 4th floor ang Audit department." Ani ko. Swerte ko at ako lang ang nasa area namin, walang pupuna sa pagka-itim ng budhi ko.
"Salamat po, ser." aniya na parang napilitan, sabay talikod. Ako nama'y pumasok sa office at pinagpatuloy ang pagpiprint ng working papers.
Month end namin at na-assign ako sa warehouse. Pordyos por santo, besh, 'big sabihin no'n magbibilang ako ng grocery items. Aabutin ako kinabukasan nito, kutob ko. Well, di naman sana ako mag-iinarte kung dalawa kami mamaya. But since nasamahan na naman ako noon, kaya ko na raw mag-isa.
Hanggang sa maya-maya nagulat (na naman) ako sa tunog nang animo'y pagdadabog.
It was the guy na nangbasa sa'kin kanina, pawis, hingal, mukhang 'di maganda timpla.
"Ba't hindi mo sinabi sa'kin na dito na pala 'yong audit...ser? Pinapunta mo pa talaga akong Legal Dept., no?"
"You deserve it." sabi ko with matching shudder. Asar na asar ang damuho.
"Eto na po pala 'yong mga request ng department niyo, ser." about niya sa'kin no'ng O.R.
Kinuha ko ito at in-inspect kung kompleto.
"Limang bundle ng a4s?" roll call ko.
"Isa, tatlo, lima. Limang bundle." bilang niya.
"Dalawang box ng fastener?" Ini-strike through ko ang mga item na correctly delivered.
"Eto po." taas niya.
"Limang ballpeng black, red at green?"
"Limang black, limang red..." Natigil siya saglit. "Ballpeng green ba nakalagay?"
"Oo."
"Blue andito."
"O pa'no ba 'yan, pending muna ang bayad." Sabi ko. "Deliver niyo 'yong green."
"Diba pwedeng blue na lang?" hirit pa niya.
"Senior namin ang gumagamit ng green, kami black, ang head, red." Sabi ko habang pino-photocopy ang resibo. "Di kami mag-aadjust dahil lang nagkamali ka ng dala diyan."
Napakamot siyang batok.
"Sige ser. Papalitan namin."
"Kelan?"
"Isasabay na lang pag may ibang department na nagrequest."
"So depends upon a condition ang peg. Galing."
"Sige sir, una na po ako." Ang dismiss niya sa'kin. Hindi man lang ako tinulungang maglagay ng mga supplies sa aming drawer!
"Ay nga pala ser!" dungaw niya sa pintuan.
"Nakonsensya rin sa wakas." balang ko. "Dito sa baba 'yong -"
"Nakalimutan ko face towel ko." dampot niya nito sa couch sabay, "Uhm, kung ako sayo, magpapalit na ako ng damit."
"Kung alam ko lang babasain mo 'ko 'di sana nagdala akong pampalit." ikot ko ng mata.
"Di ko naman sinasadya a!? Atsaka ser concern lang ako. Naka-aircon ka, o? Papasukan ka ng lamig." dahilan niya. "Isa pa, kanina pa bakat utong mo!"
Bago pa ako makahampas kumaripas na siya ng baba, paalis ng office.
"Bastos kang animal ka!" agad kong bukas ng bintana. Nandon pa sasakyan nila. "Patokhang kita!"
Ano'ng ginawa? Amputa kumaway-kaway pa! Ang lakas mang-imbyerna, diyos ko. Ako tuloy napuryada nang bumalik mga senior ko' no'ng naghahanap ng green pen.
To say the least, it's not my proudest encounter with a stranger. Gumanti lang naman ako dahil nabasa ang damit ko, kinarma pa tuloy si ate niyong gurl.

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon