Bethlehem

2.9K 445 13
                                    

Alam mo ba kung anong paborito kong christmas song? O little town of Bethlehem. Siguro tatanungin mo kung bakit yun. Well, kung nandito ka, sasabihin ko sayo. Pero kahit wala ka (pa), sasagutin ko para sayo.

Taong hindi pa tayo gaano magkakilala, kindergarten to be exact, magkasunod ang ating apelido sa attendance record ni Ma'am Isorena. Alam ko na ang bagay na yun gawa ng kapag nag "present!" ako, sisigaw ka rin ng "Present!" pagkatapos. At paglumingon ako sa kaliwa, ikaw ang katabi ko. Seatmate tayo e. And I thought that would be all.

I remember, umaga nun. Pinalabas na naman ni ma'am ang klase para sa rehearsal ng gagawin nating christmas presentation. Sayang nga at di ako napili na sumayaw dun sa stage e. Di kasi ako ganun kagaling. Okay na sakin yung naluklok ako sa pinakaunahang row. Wala rin naman akong choice kasi by height. But perhaps, aside sa pagiging parehong kaliwa ng paa ko, ang kamangmangan ko sa pagsisintas ay isa ring salik upang di ako mapili. Dahil oras na magkalat ako, damay-damay. And I really have that effect.

At magkakalat nga siguro ako kahit dun lang sa lugar ko kung di mo napuna ang sintas ko. Okay na yung ni-remind mo 'ko tungkol dun. Pero hindi. Hindi pa sapat sayo yun at pinahiya mo talaga ako. Saksi ang ating magulong klase, isinigaw mo,

"Ah di marunong magsintas si Mako!" Sa isip-isip ko nun, gumanti ka dahil di kita pinahiram ng crayola. E papahiramin ko pa ba, yung kulay violet, tasang-tasa na! Inakala mo kasing lapis yun, ungas ka!

And I thought dahil sa pagpapahiya mo, sasayaw ako ng Feliz Navidad ng nakapang byernes santo. Pero di natuloy. At dahil na naman yun sayo Federico Chua. Pa side comment: ang baho ng pangalan. Bumalik ka lang naman. At lumuhod. Akala ko kaya ganun ay gusto mong magpasipa, coz you know me, I'm willing to comply. But without a word, sinimulan mong pagbuhol-buholin ang sintas ng sapatos ko. Nang hindi tumitingin. E pano ang tingin mo na sakin. Sinabayan mo pa ng ngiting di ko mawari.

"Sakin ka lang magpatali ha?" ang katagang di ko maaaring malimutan. Though at that time, hindi ko pa alam ang ibang meaning para dun. Inosente daw kasi ako. Dinilaan lang kita nung sinabi mo yun. Hindi ko kasi sineseryoso mga sinasabi mo. Matapos mo kong pahaiyain, okay na tayo? Kamusta naman yun diba?

So for that day, naging maayos ang last rehearsal. Ang mga magulang natin ang kinausap ni ma'am Isorena para sa susuoting costume. Kaya nga ako, maiyak-iyak nung araw na ng christmas program kasi odd-man-out ang peg ko. Kakaiba.

Una, yung christmas hat nyo nun gawang tela; yung sa akin, gawang bulak na Happy na in-Elmer's glue lang ni mama. Ikalawa, plain red ang damit nyo; akin rin kulay red. Kaso may drawing. Voltes V pa. Ikatlo, yung pompoms nyo ang gaganda - ang hahaba tas mukhang bago; sakin, hiram lang. Pambugaw pa sa langaw. At ang ikahuli, plain white ang suot nyong medyas samantalang ako may halong red. May black pa ngang kasama e. Most probably kung hindi, "I-m doom!" na mantra ang nasa isip ko nun, it would have been, "Ako lang ba ang may praktikal na ina?" Tas sasagot ang aking diwa ng, "Oo...sa mga oras na to." Nakakakaba kasi tayo ang una nun, sa pagkakatanda ko. Pero naibsan naman sya nung kinalabit mo ko sa likuran at tanungin na,

"Maayos ba sintas mo?" Hindi naman ako pipi nor bad breath. There are really things that are better to show than tell. So, iminodelo ko ang sapatos ko nang makita mo. Mukhang di ka naman nakahalatang ito rin yung pagkakasintas mo nun. Kumbaga hinugot ko lang ng dahan-dahan paa ko paghubad nang di masira. At para naman akalain na ni mama na marunong na akong magsintas.

Naging maayos naman (siguro?) ang sayaw. After nun, bumalik tayong classroom at dun nagchristmas party. KKD ang uso nun, remember. Kanya-kanyang dala ng pagkain mga magulang natin, pinagsalu-salo kaya walang umuwing gutuman. As usual di mawawala ang exchange gift.

Hindi ikaw ang nabunot ko (fortunately) at kahit ikaw ang nabunot ko, hindi ako mag-aatubiling gumastos para sayo. Hindi rin naman ikaw ang nakabunot sakin. At ayos lang yun. Ang di lang ayos ay yung regalo na natanggap ko sa nakabunot sakin. Isang glow in the dark na espada na kapag pinindot mo yung pula ay may maririnig ka na tunog. Mas matutuwa siguro ako kung magic wand na lang. Pero kung naging magic wand man yun ng di oras, di ko na yun napansin sa regalong binigay mo sakin. Hindi sya naka-wrap kasi di na kailangan.

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon