Vixen and Blitzen

380 16 4
                                    

'Di ko talaga lubos mawari sa magulang ko kung ba't ako ipinangalan sa pinakamalanding reindeer ni Santa - si Vixen. Una, hindi ako malandi. Slight lang. Ikalawa, hindi ako babae. Para lang.
Pero at least, kahit papa'no napanatag ang kaluluwa ko nang malaman kong 'di lang pamilya ko ang may hataw. Pati sayo rin... sa pagpapangalan sayo ng, Blitzen.
And I think, it suits you. Sa tansya ko, ikaw 'yong tipong sakit sa ulo ng magulang. Maangas. Sanggano. Luklukan ng yabang.
Samantala, ako naman 'yong lalaking napakaperpekto; taga-puna't taga-insulto. Matalas kung manalita, malamig kung maglathala.
Vixen is a b!tch.
Blitzen is a d!ck.
'Til James and Nadine sang the phrase, 'Till I Met you...'
Unlike you, hindi ako sumali sa school's Gazette dahil ang tingin ko'y pipityugin lang naman ang publication na 'to. Tuwing maglalabas ng bagong issue, ito lang lumalabas sa bibig ko: "Pangit ng article.", "Walang kwenta.", "Save the trees."
Pero gano'n pa man, may isa akong nagustuhan sa section ng Gazette ninyo. 'Yong kung saan ipa-publish ang feedback ng readers niyo. At papatulan naman ng nagsulat sa next issue.
Napa-feedback ako noong may magsulat sa inyo tungkol sa mga "bakla".
Hindi. Hindi naman laban sa mga bakla ang nilalaman; pabor pa nga sa kanila. Sa akin, actually.
Siguro kaya lang ako napa-feedback ay dahil nararamdaman kong mapagpaimbabaw ang article at napaka-imposibleng ang lalaking katulad mo, Mr. Blitzen Romero ay nakapagsusulat ng ganito.
Ano nga ba 'yong isinulat mo? Ah, tama. 'Yong tungkol sa pamamakla. Na dapat tinuturuan din ng mga namamakla ang mga bakla na respetuhin ang sarili nila.
"Ah, so binayaran ka para magturo kung ano ang karespe-respeto at hindi!?" Iyan ang bungad-panimula ng feedback ko. "Kaya ka nga nagpabayad 'di ba? Kasi wala kang respeto sa sarili mo. Tapos tuturuan mo sila ng Good Manners and Right Conduct!? Anong ka-perfec(t)an 'yan? Matuto ka munang humanap ng matinong trabaho tulad ng mga bading na pinatulan mo para ikaw naman ang bumili sa kanila. Oh, right. Ba't ka bibili ng Made in Thailand e kung makakabili ka naman ng Original?"
At dahil doon sa ginawa ko'y naging usap-usapan na ngayon kung sino itong "sender" na "Anonymous".
Sa totoo lang, nagka-engkwentro na tayo dati e. Hindi mo siguro naalala dahil hindi naman sayo mahalaga. Ni hindi ka nga humingi ng tawad e nang pina-landing mo ang bola sa mala-NAIA kong noo. Inutusan mo pa nga akong ihagis pabalik. Nag-sorry ka? Hindi.
Gano'n ka ka-antipatiko.
Kaya ngayon alam mo na kung bakit napaka-impokrito ng dating mo sa'kin sa sinulat mo. May pinaghugutan ako.
Lumabas ang bagong issue. Feedback mo ka'gad ang inusisa ko. Alam kong 'di lang ako. Buong mambabasa ninyo.
"Negative ang dating ng sinulat ko sa isa nating reader. Akala niya ata e namamakla ako kaya naisulat ko 'to. Hindi ba pwedeng may kakilala lang ako at iyon ang pinagbasehan ko? Kung makapuna ka naman sa akin, akala mo kilalang-kilala mo na ako. Baka naman kasi natamaan ka?"
Dumating ang sunod na issue. Ni-reply-an kita. Ang mali mo lang, hindi ka gumamit ng screen name kaya pinagpipiyestahan ka ng madla. Mukha namang gusto mo ng atensyon e.
"Oo, natamaan mo 'ko. Literal. Di ko lang kasi maatim na ang antipatikong tulad mo e magsusulat ng "Words of Wisdom". I mean, galing sayo Mr. Blitzen Romero!? Ha! Kilala kita!"
Tulad ng iba, naiinip rin akong hintayin ang sagot mo sa susunod na issue. Magandang promotion ito sa Gazette ninyo pero di ninyo alintana ang nai-ambag ko.
Nang-inis ka pa nga e.
"Maraming nagke-claim na kilala ako para mapalapit sa akin. Ito ba ang taktika mo? Magaling! Napansin na kita. Pero sinasabi ko sayo, hindi mo pa ako lubusang kilala."
Kinausap ko ang namamalakad ng Gazette. Sinigurado niyang hindi mo malalaman kung sino ako. Kaya nga malakas ang loob kong sagutin,
"Mawalang-galang na sayo, ano!? Hindi ko taktikang mapalapit sa isang Mr. Romero. 'Kala mo siguro porke't gwapo ka e mahuhumaling na ako sayo!? Hindi ako nahuhumaling sa mukha; hindi ako mababaw; hindi kita type." 'Yan ang sagot ko sa bagong issue.
Totoo ang mga sinabi ko lalo na sa bandang huli. Hindi kita type. Hindi ko type ang mga tulad mo.
Hindi rin naman siguro ako ang tipo mo.
"Hindi patas 'to. Alam mong gwapo ako. Inamin mo. Pero ako, wala man lang kaalam-alam tungkol sayo liban lang sa masungit ka, prangka't ubod ng maldito. Papatunayan ko sayo na hindi ako 'yong Blitzen na ikinahon mo lang sa iyong persepsyon."
Katabi ko no'n ang aking kaklase, hawak-hawak 'yong latest copy. At siniko niya ako.
"Xen, pustahan tayo o!? Magkakatuluyan 'tong aso't pusang 'to." ang prediksyon niya sa'tin.
"Hannah, pareho silang aso. 'Asshole' kung gusto mo." ang sabi ko.
At ang sabi niya,
"E ano ngayon!?"
"E ano ngayon!?" ang sagot ko sa next issue. "Ano ngayon kung mataray ako, pranka't maldito!? Ako 'to e. Hindi ako mapagkunwari. At hindi ako magkukunwaring 'di ko tinawanan iyang pinaglalaban mong mababago mo ang persepsyon ko sayo. I mean, paano!?"
At alam mo kung anong ginawa mo kay Hannah at marahil sa iba pang mambabasa? Tinuruan mo silang maging brutal. Manghampas. Para sa dalawang salitang iyong binitiwan:
"Mag-date tayo."
Tila bagang nagka-amnesia ako't na-mangmang na kailangan kong ulit-ulitin ang katagang iyan para ako'y maliwanagan.
Hindi pa ako nakikipagdate, Blitzen. Kahit kanino. Kahit kailan. At mababago iyon kung ako'y pumayag.
"Hindi ako pumapayag."
"Aargh! Sasambunutan ko talaga ng ganito si Anonymous 'pag nagkita kami!" ani Hannah nang mabasa ang response ko. Regardless kung alam ba niyang ako si Anonymous o hindi, ginalingan niya ang pagsasadula.
"Aray! Namoka Hannah ha, ang sakit!?" reklamo ko.
"Sorry, nadala lang." aniya, aktong binabalik ang pagka-ayos ng buhok ko. "Eto kasing si Anonymous ayaw pumayag na makipagdate e!? Papatunayan na nga ni Papa Blitz na hindi lang siya pampamilya, pang-isports pa tsaka naman aarte kemeru!"
"Malay mo naman takot lang." ang depensa ko kay Anonymous. "Once na malaman ni Blitz kung sino siya baka resbakan ako, I mean, siya."
Kinilatis niya akong maigi. "Ikaw para kang si Anonymous kung magsalita!? Parati na lang 'di magaganda ang nakikita kay Blitz!"
Kung alam niya lang.
"Ano ba, sa lahat naman ganito ako magsalita e!? Ano, espesyal 'yang gagong yan na mag-aaksaya ako ng oras makipagsagutan sa Gazette!? 'Di uy."
Sa sumunod na issue, pumayag na lang ako. Hindi dahil sa gusto ko kundi dahil kinukulit na ng mga mambabasa ang Editor-in-Chief na papayagin ako; na siya naman ding nangungulit sa'kin.
"Sige Mr. Romero pumapayag na ako. Pero hindi dahil gusto ko/kita."
"Wala akong paki ke magustuhan mo 'ko o hindi. Mahalaga, maipakita ko sayo kung ano ba talaga ako... maliban sa gwapo." ang sagot mo.
Ang tingin ng iba, nakakakilig ka. Ang tingin ko nama'y nakaka-insulto ka.
Marahil ang sa isip mo'y nakakahon lang din sa pagkamataray, prangka't kamalditohan ang pagkatao ko. Hindi. Mali ka do'n, dudong.
Tuwing Sabado'y pinagluluto ko ang mga bata ng iba't-ibang pampainit ng sikmura. Lugaw, lomi, champorado.
Volunteer ako. Katulong ko si mama sa pagdadala ng mga 'yon sa San Martin De Porres Center.
Malayo sa hitsura ko, oo. Pero kung sa tingin mo wala sa'king nagpapangiti, nagkakamali ka. Kaligayahan kong makita ang ngiti ng mga batang kumakain at nagku-kwentuhan.
Ikaw lang ang pansamantalang nagtanggal ng ngiti ko sa mga labi nang sabihin mo sa text,
"Ngayong Sabado date natin, ha?"
Nagpalitan tayo ng numero dahil sa tingin mo e "kailangan".
"Hindi pwede. May ginagawa ako tuwing Sabado."
"Ano pa bang mas mahalaga kesa sa date natin?"
'Yan ang tanong ng taong akala ata'y siya na ang mundo ko. Ginalingan mo rin do'n e, no?
Pero bueno, sinagot ko.
"'Yong date na pinili mo para sa date natin, Christmas party 'yon ng mga bata na aaten(d)an ko. At oo, mas importante 'yon kesa sayo."
"Ang sakit mo talaga magsalita, 'no?" pagdadrama mo. "Sa totoo lang, may pupuntahan din ako. Christmas party rin kaya sa gabi na lang natin ituloy."
Pumayag ako.
Dumating ang Christmas party. Tinulungan ako ni mama'ng magdala ng niluto kong lasagna para sa mga bata.
Idinaan namin 'yon mula sa exit gate ng San Martin nang walang batang makakita. Naroon na rin sa kusina ang iba pang mga volunteer, naglalagay ng mga pagkain sa styro plates.
"Pagkatapos ng pa-program ni Sir Blitz, pamimigay na natin 'tong mga foods." wika ng isa sa mga volunteeer.
Dagli akong nakiusyuso.
"Blitz? As in Blitzen Romero?"
"Vixen, ba't 'di ka nagsi- Sir?" puna ni mama. Di siguro alam ni mama na magkaedaran lang tayo.
"Oo, tama. Blitzen Romero nga. Pamangkin siya ng nagpatayo nitong Center na 'to. Pag Christmas season pumapasyal siya rito para magpasaya."
Siyempre, hindi ako basta-basta naniniwala kaya naman, sumilip ako mula sa bintana.
Ikaw nga.
Nakaupo ka noon sa harapan, may puppet na unggoy (kamukha mo); samantalang nakabilog naman sayo ang mga bata- nakatingala, namamangha.
Ventrilloquist ka rin pala.
Ang lakas ng hagalpakan ng mga bata kahit sa Yes! FM mo lang naman kinuha ang skit. Pinasaya mo sila. Samantalang ako, pinakaba mo nang pagkatapos noo'y dire-diretso kang kusina.
Dagli akong tumabi sa mga kapwa ko volunteers, kungwari may ginagawa; nakatalikod para 'di mo makilala.
Hanggang ngayon pa rin naman hindi mo ako kilala e. At wala akong balak magpakilala. Ngayon man o mamaya.
Pero,
"Mga manang ready na po ba pagkain ng mga bata!?" tanong mo sa lupon ng mga may edad.
"Ready na, iho!"
"Tara, dalhin na natin sa-- Sino 'yon!?"
Kinabahan ako. Ako marahil ang tinutukoy mo.
"Ah, Sir Blitz bago nating volunteer."
Narinig ko ang paglapit mo. Napayuko ako.
"Hi.Blitz Romero. And you are?" Iniaabot mo ang kamay sa'kin. Nang hindi ko kinuha, ipinasok mo ito sa bulsa ng pantalon.
Pinahiya kita. Haha!
"Uhm, sige po, i-distribute niyo na po sa mga bata." mando mo sa iba. Akala ko'y kasali ako doon ngunit bigla mong inanunsyo,
"Sila lang. Hindi ikaw. " 
Inis na inis ako.
"Uhm, iho, pagpasensyahan mo na si Vixen, ha?" ani mama nang masaksihan kasupladuhan ko. "Medyo mailap 'yan sa mga tao."
"Sa mga tao po ba talaga o sa mga gwapo?"
Just like that, napangiti mo mama ko.
Banidoso.
Humarap ka sa'kin. Nagpapansin.
"So... Vixen pala name mo!?"
"Karirinig mo lang 'di ba?" ani ko sabay ikot ng mata.
"Alam mo, may kilala akong kaugali mo!?" ang sabi mo pa.
Hindi kita sinusundan ng tingin no'n. Basta ako, disidido akong hiwa-hiwain ang kinchay nang pinong-pino sa pag-asang ika-iinip mo 'to.
Hanggang sa mag-ring ang aking Lenovo. Salamat sa Diyos. May dahilan ako para pagmukhain ka diyang tanga.
Hindi ko na inusisa pa kung sino ang caller. Sinagot ko na lang nang diretso.
"Hi, babe, napatawag ka!? Na-miss mo 'ko no!?"
"Oo babe. Na-miss kita. Pa-kiss naman o!?"
Naka-speaker kasi 'yon so nilingon kita para alamin kung narinig mo ang lahat. Pero sh!t. Ikaw pala ang tumawag.
Binalik ko sa bulsa ang cellphone at tinadtad pa nang mas pino ang kinchay. Oo. Sa kinchay ko binaling ang sama ng loob at kahihiyang natunghayan mo.
Bumalik ka ng pwesto sa harapan ko in such a way na mababanas ako. Hindi ka man lang nasindak sa bread knife na hawak ko at tahasan mo talaga akong tinanong,
"Ba't ba laki ng galit mo sa'kin?"
"Tinamaan mo 'ko ng bola e!"
Gusto ko pa sanang salain ang pahayag kong iyon kaso huli na. Tinawanan mo na.
Natawa ka pa gayong pawang katotohanan lang naman ang aking nilathala. Tinamaan mo ako ng bola  noong binabagtas ko ang kahabaan ng quadrangle papunta sa may stage habang nakikinig sa 'Here comes Santa Claus' ni Mariah.
Si Elvis Presley ang original no'n at kinumpisal na sa'kin ni mama na do'n niya hinango, nililok, hinulma ang pangalan ko. And possibly, sayo rin. Sayang nga at ngayon lang lumabas 'yong kantang may lyrics na, 'Balitik-balitik-balitik'. Balitik sana pangalan mo.
Opinyonado ako; malakas ka namang mangatwiran. Ba't di kaya tayo magsulong ng Debate Club? Pero ang ending, dapat ako parati ang panalo. Tulad ngayon.
"Okay, humihingi ako ng dispensa. I'm sorry." ang sabi mo. Mukha namang sincere no'ng una pero nang na-preoccupied ako sa kinchay,
"O!? Wala man lang bang reply tulad ng, 'Sige, gwapo ka naman e, pinapatawad na kita!'"
"Hindi mo kailangan idagdag na gwapo ka!"
"O bakit, hindi ba?"
Hindi ako nakapalag.
Bumukas noon ang pinto. Hinahanap ka.
"Nice bumping into you, Vixen. Mamaya, ha?" kindat mo na may kasama pang tapik sa balikat ko. 'Close tayo?' sa isip-isip ko.
"Hindi na natin kailangan magkita mamaya." sabi ko bago ka pa tuluyang makalabas.
Nainis ka sa mungkahi ko. Apparently.
"Bakit?"
"N-nagkita na tayo e!?" ang sabi ko sabay simpleng dugtong ng, "Duh."
"Nagkita lang tayo. Hindi nagkakilanlan." ang sabi mong pagkaseryoso."Pupunta ka mamaya. Papatunayan mong mali ang persepsyon ko sayo na 'Wala kang isang salita'."
Di ko alam kung paano, pero may paraan ka para ako'y mapapayag mo... kahit labag sa loob ko.
Dumating ako sa usapan. Tulad ng gusto mo. Sabi mo sa Jollibee lang. Nasa loob na pala tayo ng Cabalen.
Marami kang in-order.
"Masiba, este, mayaman ka pala." ika ko habang pinagmamasdan kang ngumuya. Pun intended.
"Kaya imposible 'yang paratang mo na namamakla ako." kaagad mong isinagot kahit puno pa ang bibig. Walang table etiquette.
Mabilis talaga lumundag ang isip ko kung kaya dinugtong ko,
"So parang ang dating e binili mo ako!? Na ikaw na ngayon ang taga-pondo!? Excuse me, magbabayad ako."
Nagsimula ka na namang matuwa.
At nagkwento.
Nalaman kong tito mo pala ang inspirasyon mo sa pagsulat ng article sa Gazette.
"Tulad ng ibang mga bakla, nagtatawag rin si tito ng mga lalaki. Booking raw ang tawag do'n. Nakwento niya sa'kin kung ga'no ka-thrilling 'yong ginagawa niyang 'yon. Masaya naman raw siya. Pero pagkatapos ng gabi, wala na ang ligaya. Hindi pa rin siya masaya. May kulang pa rin sa kanya. Hanggang sa dumating si papa."
"Naging sila!?" Napalaki talaga ako ng mata.
Akala ko'y magkadugo kayo, 'yon pala, sanay ka lang tawaging tito 'yong Emil.
"Mag- schoolmate 'yan sila dati. Nagpanggap na customer ni tito si papa kasi at that time, gabi lang ang free time ni tito. Busy sa trabaho, gano'n. Same rin kay papa. Pero wala namang nangyari sa kanila."
"Maniwala!?" reak ko. "Hindi mo ba alam, kung saan may motibo at perceived opportunity, naroon ang salapi!?"
"Iba si papa, Vix."
"Luto!" sabi ko. " Siyempre bias ka, papa mo 'yon e. Sino ba namang lalaking hindi natutukso sa pera!?"
"Ako!?"
"Ay baka 'di ka lalaki!? Hahaha!" Intended 'yon as a joke pero sineryoso mo.
"Baka nga."
For a second, I thought tititigan mo lang ako tulad ng pagtitig mo sa'kin nang mga oras na 'yon. But it's like something hits you and pulled you from that state.
"A, uhm, b-bakit 'di mo na lang pakinggan mula mismo kay tito? Straight from the horse's mouth!"
Akala ko noong una, nagbibiro ka lang. Hanggang sa may lumabas ngang "horse" doon sa Authorized Personnel Only na room at tinawag ang pangalan mo.
"O Blitzen!? Kamusta pa-Christmas party sa mga bata!? Nag-enjoy ba sila sa handa!?"
"Opo, 'to! Ang sarap 'pag lutong Cabalen! Hehe!" nag-endorso ka pa. "Kasama ko na siya, 'to."
"Vixen, tama ba?" humarap siya sa'kin tsaka pumalakpak. "Ang galing para lang kayong mga reindeer ni Santa!"
Kara-karaka y nagsumbong ka sa kanya.
"Tito, ayaw maniwala ni Vix na walang nangyari sa inyo ni papa."
"Vix, maniwala ka kay Blitz." pangbra-brainwash pa ng tito. "Walang nangyari sa'min ng papa niya though kung pa'no kami nagkakilala ay dahil din do'n sa pagbo-booking."
Naramdaman niyang 'di natitinag ang aking professional skepticism kung kaya naupo na siya para i-justify ang sinabi.
"Na-meet ko papa niya after so many years thinking 'yon ang sadya niya. Siya ang ultimate crush ko no'ng highschool. And by ultimate, siya at siya lang ang pinagnanasaan ko."
Tinitignan kita kung anong next reaction mo. Ini-expect ko ang galit, ang muhi, ang pandidiri. But looking at you, para ka lang nakikinig ng bedtime story.
"Nasa bulsa ko lang ang checkbook no'n, mind you. Until all of a sudden, he said to me:
'Emil, mag po-propose ako sayo...' I thought dinulog na ng Diyos ang pagno-novena ko, na magpropropose na papa nito sa'kin. Project proposal pala. Inangyan. Pero dahil crush ko, I let him explain. Di ba kapag kay crush, alive na alive ka!?  'Yong atensyon mo, sa kanya lang. Tapos kung anong sabihin niya, dinadama mo. Sineseryoso mo. Vina-value mo. Siya ang bias mo. Actually kahit 'di na siya magpaliwanag kung sa'n niya gagamitin ang pera, magbibigay ako e. But I'm glad pinaliwanag niya; kasi actually,  naliwanagan ako to the maximun level. Tulad na lang kung bakit ilang lalaki na natikman ko, 'di pa rin ako masaya."
"Bakit nga po ba?" ang walang habas kong pagtatanong.
"Dahil makasarili ako."
"Huwaw ha!? Sa kapal ng checkbook niyo, 'makasarili' pa tawag sa inyo!?"
Tinawanan niyo 'ko.
"Marahil sa pera, galante ako. Pero sa pagmamahal, 'yong makatulong ba sa kapwa, 'yong maging masaya ang iba... do'n ako maramot. Ginagamit ko lang sila para ma-meet ang short-term plan ko - mapunan ang panandaliang ligaya!? Really, ano bang naitulong ko sa kanila? Napabuti ba sila noong binibigyan ko sila'ng pera? Have I caused a great turnaround on their lives or kept them imprisoned by the checks I write?"
Hindi naman talaga siya nag-eexpect na sagutin ko 'yon e kaya binigyan ko na lang siya ng impression na interesado ako.
Sumunod, ayon na, kailangan niya na ng sagot ko.
"Anong kanta ng Black Eyed Peas ang tumatak sayo?"
Sumingit ka bigla. "Boom Boom Pow!"
"Blitz, si Vixen tinatanong ko."
"Sabi ko nga." ani mo sabay balik sa pagsubo.
"Uhm, 'Where is the Love?'" ang sagot ko.
"Definitely wala doon sa previous lifestyle ko." pagtatawid ng tito mo. "There was no love there!? If there was, both parties must have had feel it. Ang ganap noon ay Parasitism - isa lang ultimately ang nagbebenefit. On the surface, it seems like the parasites are men. But deep down, ako talaga. Kaya pala feeling ko kahit ang yaman-yaman ko na e para pa rin akong dukha, dahil pala napabayaan ko ang pakikipagkapwa. Hindi ako aware na habang nagpapasarap ako sa Tender Juicy at Bibbo hotdog ng mga lalaki, may mga batang halos wala ng makain."
Sinubukan kong maging propesyonal sa gamit niya ng 'hotdog'. Pero ikaw, bumungisngis. Napaka-unprofessional.
"To cut the story short, in-engganyo ako ng papa nito na magtayo ng Charity Center para sa mga batang iniwan ng magulang, batang napapariwara. And by helping them, I feel that sense of fulfillment which I thought I could only find at Adonis, F Club and the streets of Cubao. Hindi ko kine-claim na malinis akong tao, banal o ka-berks ni St. Theresa of Calcutta. Pero kasi, sa huli, hindi ka naman huhusgahan sa dami ng nagawa mong kasalanan e kundi sa dami ng iyong natulungan, na-bahagian ng pagmamahal, kahit na isa ka lang naman ding hamak na makasalanan."
At habang naglilitanya itong si Sir Emil, sinubukan kong i-evaluate ang kanyang sinabi. Lahat naman sinner. Inherent na 'yon e. In-born kumbaga. Pero kahit na by default, makasalanan tayo, it's not a hindrance nor a discouragement to not try kindness.
"And I commend Blitzen for following the footstep of his father." puri niya sayo.
Masyado lang siguro akong skeptic kung kaya sinabi ko,
"Nagskit lang naman ho siya kanina sa Center. Sapat na ba 'yon?"
Hindi na siguro natutuwa si Santa sa pang-dedegrade ko sayo. And I'm pretty sure nagsisisi ka na na dinate mo 'ko.
"Vixen dear, alam ko may pagkapasaway 'tong gunggong na 'to, but it's not right to contain him in a box." ani tito mo. Bigla kang nahiya.
"Hindi kasi 'to 'yong pala-kwento ng mga milestones niya e. But if you take time to know him, matatawag mo siyang totoong 'Cabalen'. Kaibigan. Or even more than that." Salitan niya muna tayong tinignan bago kumindat.
Bumalik siya sa room kalaunan samantalang iniwan niya akong namumula't nahihiya kaharap mo.
Sinunod ko 'yong suggestion ng tito mo. I did take time to know you. Sinubukan kong makinig. Sincerely. For the first time. No value judgment. No checking of cellphone.
And I can't believe how mesmerizing your eyes were. As mesmerizing as your confessions.
Akala ko talaga no'ng una BS Basketball ang course mo. Ikaw na kasi ang mukha ng gym at ng quadrangle e. 'Yon pala Athletic Scholar ka, hindi mo hinihingan ang mama mo ng pera, nagsusumikap ka.
'Yong araw pala na tinamaan mo 'ko ng bola sa mukha, nagpre-prepare na kayo sa sunod na kompetisyon para makuha 'yong cash prize. Kayo rin pala nakakuha noong nakaraan. Siyempre, wala akong kaalam-alam na ang porsyento mo roon ay dinonate mo sa Center. At balak mong ipanalo ang susunod para mag-donate na naman.
Hindi ko alam na personal kayong nagro-roaming noon ng papa mo sa kakalsadahan at naghahanap ng mga batang kulang sa pag-aaruga. Wala kasi sa hitsura mo.
Ni hindi ko nga alam na iyong mga bitbit ng mga batang regalo at mga pagkain matapos ang Christmas party ay galing sa bulsa mo.
"Proud siguro ang papa mo sayo." sabi ko. Hindi na ako nagdamot at nginitian na rin kita. What else can I give?
"Salamat, Vix Vapo-Rub." Ang cute mo ring tumanggap ng compliment, no? May kasamang lait.
"Ano nga pala Blitz, sorry kung minaliit kita, ha? Pilit kitang kinakahon kahit 'di ka naman kasya. I mean, sa laki mong 'yan!?"
"Uhm, ano ba, matutuwa ba ako do'n o mapipikon?"
"I have the right to remain silent." ang sabi ko. "Pero Blitz, tama si lolo mong Shakespeare, I may have known what you are, but not what you may be.'"
"Aray. Dinugo ilong ko." inarte mo. "Ano bang ibig sabihin do'n ni lolo Shakespeare?"
"'Big sabihin, kung anong pagkakakilala ko sayo ay hindi talaga absolute, na 'yon ka na, or 'yon ka lang talaga. You may become one of the most influential people in Times, who knows?  Baka makatanggap ka pa nga ng Humanitarian Award e, ng Grammy, ng Oscar, ng People's Choice! Or maybe -"
"You could simply just be mine. Award na  yon para sa'kin." tugon mo na sa sobrang bilis parang ayaw mong ipaintindi.
"A-ano?"
"W-wala! Kumurap ka naman 'ka ko! Titig na titig ka sa'kin e. Hehe!"
"Pinanindigan mo talaga 'yan e, no!?" ani ko. "Well..."
"Well, ano?"
"Totoo naman." amin ko. And there goes that killer smile. Killing me. Yet again.
"Sa next date natin, 'kaw naman magkwento, okay?"
Nasamid ako sa iniinom kong iced tea na walang ice.
"N-next date?"
"Oo, next date!?" ang sabi mo. "And the following date! And the dates following that date!"
And how you say such things in a single breath, left me clueless af.
"Akala ko last na 'to?" ani ko.
"'Kala ko rin e. Hehe! I guess one date's not enough for me."
So we had our second, our third, our fourth...
At akalain mo 'yon, pagkatapos ng marami nating pagda-date, nagkatotoo ang prediksyon ng impaktang Hannah...
Naging tayo nga.

____________
Not asking for votes or comments. Just this one:

Please, listen to Mariah Carey's new album CAUTION on Friday, Nov.16.

I'd appreciate it very much.
-elusive_conteuse

The RaritiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon