SLL 31

5.5K 252 47
                                    

Joren's POV

B-buntis ako?

Buntis daw ako sabi ni mommy.

Pero teka!

Kelan?

"P-paano po nangyari yun?" ang naguguluhang tanong ko kay mommy.

"Aba malay ko anak. Ikaw lang ang makakasagot niyan. Hindi naman namin alam kung kelan kayo nag... Ahmm.....Ok. I think it's awkward na pag-usapan ito between you and my son. It so private, so ikaw lang ang makakasagot niyan"

Tama nga naman si mommy. Pero kase everytime na may nangyayari sa amin ni Ivan.. I mean tatlong beses pa lang naman may nangyari sa amin ni Ivan saka may protection kami o condom na ginagamit.

First noong nasa cr kami dahil sa kalandian ko at second.. Kelan ba.. Noong nag beach ba kami? Hindi eh, may suot siya noon. Hindi kaya..

Alam ko na. Before foundation day.. Noong umuwi siya ng lasing habang nagtatampo ako sa kanya at nagkakalabuan na kami. Ang pinagtataka ko lang eh dalawang beses lang siyang hindi gumamit ng condom pero bakit ang bilis niya akong mabuntis at yun pa yung panahon na hindi kami ok.

Is this the sign na ang mga anak namin ang daan para sa forever na tinutukoy namin? Kung ito nga.. Paano na kung wala na akong kakayahan magbuntis? Paano na kung yung Joren na minahal niya ay isang normal na lalaki na lang? Paano? Hindi ko na siya ulit mabibigyan ng anak. Iiwan na kaya niya ako? Hay!

"Dalawang beses lang po may nangyari sa amin ni Ivan na hindi kami gumagamit ng proteksyon" ang pagtatapat ko kay mommy.

I know its awkward to say this in front of them especially to my parents. Pero kase gusto ko talaga malaman kung bakit.

"Mostly sa mga tulad mong may case na ganyan anak, hirap talaga kayong magbuntis o bumuo ng bata because of your male body. Pero kabaliktaran sayo, madali kang mabuntis o tinatawag nating Ovulation (Releasing an egg from the ovary). Which is anytime handa siyang makipag meet. Pero kahit anong active ng egg cell mo kung ang sperm cell ng lalaki ay mahina mahihirapan ka parin magbuntis. Ibig sabihin lang nun na malakas ang sperm cell ng anak ko" ang nakangiting pagkukwento ni mommy.

Hindi ko tuloy maiwasang mamula sa harapan nila at mahiya at the same time.

"Mommy naman eh" simangot ko dito.

"What? Dapat na ba akong ma proud sa anak ko?" panunukso pa ni mommy sa akin.

Yung pamumula ko kanina mas lalong nadagdagan. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya kana mama at papa.

"So ibig sabihin, hindi kana naman makakapasok anak" ang sabi ni mama.

"Ganun na nga mare. Wag kang mag-alala. Ipupush ko si Ivan na makapagtapos para kay joren. Sususportahan din namin ang mga apo namin" ang nakangiting sabi ni mommy kay mama.

Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ako sa kamay.

"Anak, kung ano man ang nagawa ng anak ko..." tumingin ito kana mama at papa. "Buong puso akong humihingi ng tawad sa inyo. Nagkulang ako bilang ina sa kanya. Binuhos namin ng asawa ko ang pagmamahal kay Ish dahil ayaw namin itong lumaki na hindi siya kumpleto. Na hindi kami ang kilalanin niyang magulang. Mahal na mahal ko kase ang kapatid ko at ayokong pabayaan ang anak niya. Siya na lang kase ang natitirang alaala sa akin. Yun lang, nakalimutan kong may isa pa pala kaming anak at si Ivan yun. Akala ko kase mas maiintindihan ni Ivan yun kase siya ang tunay naming anak at mas kelangan ng bunso kong si Ish ang atensyon. Naging unfair ako sa panganay ko" ang medyo naluluhang sabi ni mommy.

Nilapitan ito ni mama at hinagod sa likod.

"Wala kang kasalanan mare. Hindi tayo perpektong magulang. Ang mahalaga ay bumabawi tayo"

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon