SLL 6

6.1K 324 97
                                    

Joren's POV

"Anak isama mo na si Ivan sa kwarto mo. Alam kong pagod siya buong araw" ang utos sa akin ni mama ng makarating kami sa bahay.

"Opo Ma" ang nakangiting sabi ko. Yung ngiting hanggang langit.

"Wala po ba kayong guest room dito o kahit anong bakanteng kwarto? Baka rape-in lang ako ng anak niyo" ang singit ni Ivan.

Tinaasan siya ng kilay ni mama habang si papa naman ay masama ang tingin dito.

"Ah, eh.. Nagbibiro lang po hahaha.." sabay tawa nito ng payak.

Alam kong labag sa kalooban niya ang mga nangyayari ngayon pero bakit hindi siya tumanggi sa Daddy niya? Halos sagot sagutin na nga niya ang mommy niya kanina pero pagdating sa daddy niya para siyang isang takot na bata.

Hay.. Ayoko munang isipin yan. Hindi naman yan sasama sakin kung hindi niya ako mahal diba?

Grabe lang talaga itong si Ivan. Sobrang pretending.

"Tara sa kwarto ko" ang nakangiting alok ko dito.

"Ay sandali. Dalahin mo muna yung gamot at vitamins ko" utos ko sa kanya. Yiieehh.. Kinikilig ako. Para na talaga kaming mag-asawa.

Nakabusangot itong kinuha ang Vitamins at gamot ko at sumunod sa akin paaakyat ng kwarto.

Pagpasok namin sa kwarto ay nagulat na lang ako ng bigla niyang ibalibag sa kama yung vitamins at gamot ko sabay lock ng pinto. Tiningnan niya ako ng masama. Yung tingin na gustong manakit.

"Anong kalokohan ito ha! Sobra kana! Sobrang desperado mong bakla ka! Ganyan ka ba ka-patay sa akin para makuha ako ha?! Putek na buhay to!" ang gigil na gigil na sabi niya.

Grabe yung takot ko. Yung bilis ng tibok ng puso ko.

"H-hindi naman kita pinilit sumama dito diba?" napangisi lang siya.

"Kung alam mo lang kung gaano kita gustong sapakin ngayon. Kanina pa ako nangingiming bugbugin ka"

"Hindi mo magagawa yan Ivan. May anak tayo"

"Anak? Sa tingin mo sinong Ama ang matutuwa na magkaroon ng anak sa isang baklang tulad mo? Grabe. Hinding hindi ko matatanggap na anak ko yan. Hinding hindi!"

"Ivan wag mo naman sabihin yan. Anak natin siya"

"Anak mo siya pero hindi ko siya anak! Hinding hindi ako magkakaroon ng anak sa isang desperadong tulad mo. Isipin mo na lang na ginagawa ko ito para sa magulang ko. Tapos!"

Kumuha ito ng damit at dali daling pumasok sa cr.

Nanatili lang akong nakatayo. Yumuko ako at ngumiti. Hay! Bawal ka mastress joren para sa baby niyo.

Kumuha na rin ako ng pamalit at hinintay si Ivan na lumabas ng Cr. Paglabas niya ay halos maglaway ako dahil sa sarap ng nakikita ko. Naka boxer shorts nga lang siya at naka white sando. Grabe ang titig ko. Ayoko na siyang mawala sa paningin ko.

"Wag mo kong titigan sasapakin kita"

"Grabe ka naman. Asawa na kita kaya ok lang" ang nakangiting sabi ko.

"Asawa? Nagpapatawa ka ba? Malabong mangyari yun. Sobrang labo"

"Wala ba talaga akong chance sayo?"

"Wala!" mabilis niyang sagot.

Ano ba yan.

Nakanguso akong naglakad papunta sa tapat ng pinto ng Cr ng may maisip akong itanong sa kanya.

"Ahmm.. Ivan kung naging babae ba ako sa simula pa lang. Mamahalin mo rin ba ako?"

Tiningnan niya lang ako mula ulo hanggang paa.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon