SLL 17

4.6K 319 66
                                    

Guys I heard na may bago daw pakulo si wattpad. Na pwede na daw magkaroon ng bayad bawat chapter para lang mabasa niyo.

Well, uulitin ko. Hindi ako propesyonal na manunulat. Nagsusulat ako kase gusto ko. Minahal niyo ako at kinainisan dahil sa kwento ko. Kahit hindi ako magaling magsulat ay minahal niyo pa rin ako at ang kwento ko. kaya mananatili pa rin po siyang libre.

Basta support niyo lang po ako at i-VOTE ang mga kwento ko. Masaya na po ako doon. Kahit pag vote na lang po. Ok po ba yun? Hehehe...

Medyo sabaw lang itong update ko ngayon pagtyagaan niyo na ha... Enjoy reading.

______________________________________

Ivan's POV

Gigil na gigil ako habang bumabyahe pauwi ng bahay. Hindi ako makapaniwala na pati ako ay idadamay niya sa kamiserablehan ng kanyang buhay. Anong pake ko sa kanya kung hindi na siya pumapasok, kung mas gugustuhin pa niyang makipagbugbugan kesa ang mag-aral.

Tsk!

Hindi niya ako tularan. Matino, seryoso at loyal. Tsk! Tsk! Tsk talaga!

Para nga pala sa inyong kaalaman. Kapatid ko si Ish. Oo magkapatid kami sa batas at sa mata ng mga magulang namin pero sa totoong kwento pinsan ko lang siya. Anak siya ng kapatid ni mama at wala namang problema doon.

Sabay kaming ipinagbubuntis nila mama at tita noon. Siguro ay matanda lang ako ng ilang buwan sa kanya pero sa kasamaang palad ay namatay si tita dahil sa pagle-labor nito. Kinupkop namin siya at itinuring na tunay na pamilya. Itinuring ko siyang kapatid. Hindi bilang pinsan kundi totoong kapatid talaga. Lahat ng meron ako meron din siya.

Walang nagbago sa amin noong tumuntong kami ng elementarya. Ako ang tagapagtanggol niya. Ako ang kuya niya pero simula ng malaman niyang ampon siya. Doon nagsimula ang pagbabago ng ugali niya. Doon lumayo ang loob nito sa amin. Hindi sa ayaw naming malaman niya ang katotohanan ha, hindi pa lang kami handang sabihin noong mga panahong yun.

Wala namang nagkulang. Lahat ng pwedeng ibigay ng isang magulang sa kanilang mga anak ay naibibigay nila mommy at daddy. Oo masakit malaman ang katotohanan at wala ako sa sitwasyon niya para sabihing ok lang yan, lilipas din yan pero minsan kelangan mo din itong itago hindi dahil nagsinungalin ka, kundi dahil wala ka pang lakas ng loob para sa sitwasyong hindi ka pa handa.

Hindi lahat ng tao ay mayroong lakas ng loob at hindi lahat ng may kakayahang umintindi ay talagang maiintindihan. Magkakaiba ang mga tao at hindi lahat ay pare-pareho ang pagtanggap nito. Hindi sa minamaliit namin ang kakayahan ni Ish pero sabi nga nila. Dadating ang panahon na malalaman niya ang katotohanan at yun ay ang panahong hindi pa handa ang lahat.

Naging mabuting magulang naman sina mommy at daddy sa kanya. Naging totoo akong kapatid sa kanya pero dahil nga sa nalaman niya, nagbago ang lahat. Hindi lang sa kanya kundi para sa aming lahat.

Hindi na niya ako pinapansin, madalas na kaming mag-away. Lagi na rin kaming pinapagalitan nila mommy especially ni daddy.

Doon nabuo ang takot ko kay daddy. Hindi lang palo ang natatanggap namin, kundi higit pa. Habang tumatagal yung pagiging magkapatid namin ay nawawala na. Lagi na siyang tama sa mata ng mga magulang ko. Lagi siya ang kinakampihan nila mommy at daddy tuwing mag-aaway kami dahil mag-isa na lang daw ito kaya dapat bilang kuya ay ako na ang umintindi. Di ko alam kung sumisipsip siya o ano. Simula noon, ako naman ang lumayo ang loob sa mga magulang ko, na naging dahilan ng pagrerebelde ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now