SLL 13

7.4K 409 68
                                    

Joren's POV

Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto ko. Hindi na ako tinanong pa nila mama at papa kung anong nangyari sa akin. Basta ipinakita ko lang sa kanila ang expression na gusto kong mapag-isa. Alam kong nag-aalala sila sa akin pero hindi ko dapat sila dinadamay sa problema namin ni Ivan.

Tama na yung mga ginawa ko kanina. Ayoko ng maistress pa. Ayoko ng madamay pa ang mga anak ko.

Pinilit ko na lang matulog at kalimutan ang lahat. Kalimutan ang mga bagay na hindi na dapat. Bumitaw na ako sa kanya kaya ano pang aasahan ko.

Siguro dahil sa pagod, stress at matinding iyak ay agad akong nakatulog.

Nagising na lang ako kinaumagahan na may nakayakap na sa akin.

Teka! Sandali!

Ang alam ko mag-isa lang ako dito sa kwartong ito. Paanong... Pagtingin ko sa katabi ko ay nagulat ako ng makita ko si... si... Si Ivan.

Tulog na tulog itong nakayakap sa akin habang puro pasa ang mukha. May mga luha ring natuyo mula sa kanyang pisnge.

Agad naman akong tumayo at agad lumayo sa kanya. Tinitigan ko lang ito. Anong ginagawa niya dito. Bakit nandito siya? Naglakad lakad ako at di alam ang gagawin. Mahimbing pa rin ang tulog niya.

Bumaba ako at hinanap si mama at papa para kausapin.

Nakita ko si papa na nakaupo sa sala habang nagluluto naman si mama ng umagahan sa kusina.

"Ma. Anong ginagawa ni Ivan dito?" may inis na sabi ko.

Pinahinaan niya ang kanyang niluluto at humarap sa akin.

Hayyss..

"Nagpunta yan dito kagabi. Iyak ng iyak. Dala lahat ng gamit niya. Dito na daw siya titira. Sinabi niyang mahal na mahal ka daw niya at sobrang sakit daw na iniwan mo siya pero siya raw itong tanga at niloko ka. Sinabi niya rin sa amin lahat ng mga kalokohan niya. Ayun! Sinapak ng papa mo. Tinanggap naman niya lahat. Hindi daw siya aalis dito hangga't hindi ka niya kasamang bumalik sa bahay niyo. Hinihingi na nga rin niya ang kamay mo bilang asawa niya. Gusto ka na daw niyang pakasalan pagdating mo ng disi otso"

Argh! Akala ko ba malinaw na sa kanya na ayaw ko na. Ang tigas din ng ulo ng lalaking yun.

"Nababaliw na ba siya! Saka ano daw? Kasal? Ngayon pa nga lang hindi na siya marunong magtino tapos nakuha pa niyang magsabi ng kasal? Tsk!"

Nakakainis talaga yung lalaking yun. Ano ba talagang gusto niya? Argh!

"Saka bakit niyo po siya pinapasok dito?"

"Hindi namin siya pinapasok ng papa mo siya mismo ang nagkusang pumasok dito" ang sabi ni mama.

"Eh bakit hindi niyo siya pinigilan?"

"Mapipigilan ba ang pusong nagmamahal?"

"Ma! Aixt! Ang tigas talaga ng ulo ng lalaking yun" inis na sabi ko.

"Sinabi mo pa anak. Himala nga eh. Mama at papa na ang tawag sa amin" ang nagtatakang sabi ni mama.

"Ano pong sabi ni papa?"

"Wala naman. Sinapak lang yung magiging asawa mo tapos nanahimik na"

"Ma! Hindi ko siya asawa!"

"Base sa nasaksihan ko magiging asawa ka niya"

"Never! Ayoko. Hinding hindi mangyayari yun"

"E diba patay na patay ka sa lalaking yun?"

"Noon yun Ma. Noong hindi pa ako nagigising sa katotohanan"

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now