SLL 23

4.7K 275 51
                                    

Ivan's POV

Alam ko namang nagkamali ako. Nagalit ako ng walang dahilan. Masisisi niyo ba ako kung mahal ko yung tao? Oo alam seloso ako, oo matapang ako, oo alam ko gago ako pero putek. Pag nagmahal ako, sinisiguro ko sa inyo na totoo lahat ng 'to.

Kahit naman kayo diba magseselos kayo kapag may umaaligid sa jowa niyo. T*ng *na! Masasabi kong si joren lang ang nagpaselos sakin ng ganito. Paano na kaya kung hiwalayan niya ako putek. Magugunaw ang mundo ko kung ganun. But don't worry hinding hindi yun mangyayari. Akin lang siya. Selfish man sa pandinig niyo. Pero pag sinabi kong akin siya, akin siya. Nagkakaintindihan ba tayo?

Nakaupo pa rin kami dito sa buhanginan. Malapit ng mag-alas singko. Sakto na ito para sa mga taong ayaw mangitim.

Naramdaman kong umalis si Joren sa pagkakayakap ko.

Nakatingin pa rin kami sa dagat.

"Ang ganda dito noh" ang nakangiting sabi niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Oonga ang ganda dito. Yung nakaupo lang kayo sa buhangin at sabay niyong pinagmamasdan ang paglubog ng araw.

"Gusto mo na bang maligo?" tanong ko sa kanya. Tumango lang ito.

"Tara" ang nakangiting sabi niya.

"Tara"

Pagtayo namin ay agad ko siyang binuhat pa bridal style at dinala siya sa dagat. Kitang kita ko ang takot at gulat niya. Ako naman ay tuwang tuwa sa mga nakikita ko. Sobrang saya ko.. Sobra.

"Ivan ibaba mo ko. Waaahh" sigaw niya. Para siyang batang ngayon lang nakapag laro sa buong buhay niya.

Pagkarating namin sa dagat ay pareho kong nilubog ang katawan namin. Pag-ahon namin ay pinagpapalo niya ako.

"Kainis ka. Ang lamig" simangot niya. Hahaha..

"Edi yakapin mo ko"

"Ayoko nga. Galit pa rin ako sayo" pagtatampo niya.

"Asus.. Yung mahal ko sobrang cute pag nagtatampo" pang-aasar ko.

"Cute naman ako ah"

"Cute ka nga. Sa sobrang ka cute-an mo parang gusto na lang kitang itago sa loob ng bahay natin"

"Ano ako preso?"

"Hindi naman. Pinagdadamot lang kita"

"Anyare sayo Ivan bakit parang nabaliktad ang mundo natin?" ang natatawang sabi niya.

"Minsan daw talaga hindi mo makikita ang worth ng isang tao kapag wala kang nararamdaman dito pero alam mo noong iparealize mo sa akin ang halaga mo. Naramdaman kong matagal na pala akong tanga. At ngayon, hindi ko na makita ang bukas na wala ka"

"Asus. Nasasabi mo ba yan kase may anak na tayo o nasasabi mo yan kase nalaman mong na mahal mo pala ako"

Napaisip ako sa sinabi niya.

"Hindi naman siguro. Minahal kita kase mahal na kita noon pa. Minahal kita hindi dahil may anak na tayo. Minahal kita kase sa simula pa lang akin kana"

"Wag mo nga akong pakiligin" simangot niya.

"Ayaw mo bang pinapakilig kita?" umiling siya.

"Gusto ko. Kase sa sobrang kilig ko hindi ko na alam kung anong gagawin ko"

"Edi yakapin mo ko. Ikiss mo ko. Lahat pwede mong gawin sakin. Sayo na naman ako eh, kaya wag ka ng mahiyang angkinin ako" ang sabi ko sa kanya.

Naramdaman ko na lang na nakayakap na ito sa akin. Sa totoo lang ang bilis ng tibok ng puso ko. Kinikilig din ako ng sobra. Natotorpe ako pero dinadaan ko na lang sa biro biro ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGDonde viven las historias. Descúbrelo ahora