SLL 2

6.6K 361 50
                                    

Dedicated to JohnWallyTocmo

Salamat po sa help johnwally alam mo na yun hehehe... Happy weekend po sa inyo readers, enjoy reading.

______________________________________

Joren's POV

Maaga akong gumising dahil excited na akong makita ulit si Ivan ko. Nagbaon din ako ng damit at shorts para sa praktis namin ng sayaw mamaya.

Naligo, nagtoothbrush, nagbihis at naligo ulit pero this time, naligo na ako sa pabango. Gusto kong mabangong mabango ako kapag nagkatabi ulit kami ni Ivan ko. Para maakit ko siya. Para maging kami na. Kyaaaahhh!! Kyaaaahh!! Pengeng barya! Hahaha.. Baliw na naman ako. Baliw sa kanya.

Bumaba na ako sa kusina na gandang ganda sa sarili ko. Syempre dapat tiwala ka sa sarili mong ganda. Awra lang.. Hindi na uso ngayon ang pabebe at mag maria clara. Hindi ka magkaka-love life teh!

Kapag may oppurtunity grab na agad pero kung wala talagang dumadating aba.. Kilos kilos din. Hahaha..

"Ma! Ok na po ba yung Tapsilog?"

"Ok na anak. Teka! Naligo ka ba sa pabango? Jusko anak. Malayo ka pa lang amoy na amoy ko na. Mahal yang pabangong yan wag mong ubusin sayang tipid tipid din pag may time" ani ni mama.

"Mama may kaya naman po tayo sa buhay. Sisiw lang sa inyo ni papa yun" ang nakangusong sabi ko.

"Hay naku anak. Hindi ka namin tinuruan ng papa mo na magwaldas ng pera ha. Ano bang naisipan mo at pinangpaligo mo yang pabango?"

"Syempre po para sa Ivan ko"

"Ivan mo? Kayo na ba?" umiling lang ako. "Hay naku! Ewan ko sayong bata ka. O siya, eto na yung tapsilog mo" ang sabi ni mama sa akin sabay bigay ng tupperware.

"Thanks Ma. Asan po si papa?"

"Pababa na rin yun"

"Sige ma, ahmmm.. Ma, penge baon hihihi.." inirapan lang ako ni mama.

"Ikaw ha. Pag nanghingi ka sa akin ng baon wag ka ng manghingi sa papa mo"

"Binibigyan naman po ako ni papa eh" pacute kong sabi kay mama "Saka yung sobra naman po ay binibili ko ng pagkain para kay Ivan ko diba?" sinimangutan lang ako ni mama.

"Bakit ba baliw na baliw ka sa lalaking yun ha?"

"Ma, hindi mo ko maiintindihan dahil hindi naman po ikaw ang nagmamahal" hugot ko.

"Ah ganun? Eh kung bawiin ko yang baon mo" ngumiti lang ako kay mama at niyakap ito.

"Anong meron dito at mukhang nagkakadramahan na naman kayong mag-ina ha?" ang sabi ni papa ng dumating ito. Agad naman akong kumalas sa yakap ni mama at sinalubong ng yakap si papa.

"Good morning pa. Ang gwapo gwapo talaga ng papa ko" paglalambing ko.

"Asus! Anong meron ha?" tanong ni papa saka ginulo buhok ko.

"Wala po hehehe.."

"Hoy Erik. Akala mo hindi ko malalaman na nanghihingi pa sayo ng pera yang anak mo ha" ang sabi ni mama kay papa.

"Ma! Minsan naman po talaga hindi niyo ko binibigyan ng baon kaya nanghihingi ako kay papa" ang nakasimangot na sabi ko.

"Kelan kita hindi binigyan ng baon aber?"

"Kahapon po" nakangusong sabi ko. Napaisip naman si mama.

"Ganun ba? Oo nga noh hahaha.. Edi sorry naman nakalimutan ko lang" Ani ni mama.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now