Author's note & Thoughts

14.5K 306 32
                                    

PAALALA:

Hindi po ako isang propesyonal na manunulat. Ang kwentong inyong mababasa ay base lang po sa aking imahinasyon, tinatakbo ng isipan at nilalaman ng puso.

Hindi lang po iisa ang manunulat sa mundong ito kaya hindi niyo po masisisi ang sinuman sa amin na may pagkakahawig ang kwento, foreign man o lokal.

Take note: Ang kwentong ito ay hindi po para sa lahat. Para lang po ito sa mga taong may malaking pang-unawa. Ang mga salita at damdaming nakapaloob sa kwentong ito ay base lang po sa sarili kong opinyon at wala pong balak na makasakit ng damdamin ng iba dahil ginawa ko lang po ito para ipahayag ang nararamdaman ko sa malayang pagsusulat.

And lastly: Kung feeling niyo po ay hindi niyo kayang magbasa ng ganitong kwento o hindi niyo nagustuhan ay malaya po kayong lisanin ang kwentong ito. Uulitin ko po. Hindi po ito para sa lahat at hindi po ako ang ideal na otor niyo. Salamat.

Practice Safesex guys. Always use Condom be a responsible Top. Be a Cleaner bottom. Be educated. Wala pong masamang pag-usapan ito "Awareness" sa mga kalahi natin. Love ourself and our partner.

Free to read.. Free to vote.. Free to comment. Salamat.

Ang Pagkopya Ay Mahigpit Na Ipinagbabawal!

Enjoy reading :)

___________________________________________

Before i start this story. Gusto munang ishare sa inyo ang nasa isip ko ngayon.. Hope basahin niyo muna siya at share din kayo ng thoughts niyo about dito.

Ang kwento pong ito is about Gay Family, about sexuality, about two fathers or two mothers having a child/children. Maraming matatalakay, maraming katanungan tulad ng mga iba kong kwento.

Nasa ikatlong lahi tayo kaya dapat wag tayong maging makitid ang utak pagdating sa kasarian natin o sa kasarian ng iba. Dapat as an LGBTQ+ member dapat malawak o lawakan na natin ang ating pag-iisip at kaalaman, tanggapin ng buo ang sarili at please wag nating hilahin pababa ang kapwa natin.

Paano nila tayo matatanggap o tatanggapin ng buo kung tayo mismo sa sarili natin hindi natin alam kung paano ipagtatanggol ang kasarian natin o ang sarili natin dahil limitado lang ang kaalaman natin.

Ang pinaniniwalaan lang natin ay yung mga bagay na nakasanayan o kinamulatan natin. Yung kinamulatang tingin ng iba sa atin.

As an LGBTQ+ member napagtanto ko rin pala na wag nating piliting magladlad yung iba. Hindi natin alam ang pinagdadaanan nila o ang pamilyang meron sila. Bigyan natin sila ng payo pero wag natin silang pilitin. Hayaan natin ang panahon nila ang magbigay ng lakas ng loob na magsabi kung ano o sino sila sa pamilya nila o sa mundong kahaharapin nila.

Pero wag naman nating ideny sa sarili natin kung sino o ano tayo. Yeah.. I'm Gay. A Discreet Gay. Oo tago akong bakla. Dati ang alam ko lang sa sarili ko Bisexual ako. Im attracted to both gender. Kapag tinatanong ko sarili ko sinasabi ko Bi ako. Dahil ayokong maloko akong bakla. Ayokong magdamit pambabae o magmake-up. Dahil yun ang kinamulatan natin, yun ang tingin ng marami kapag sinabing bakla ka.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now