SLL 8

6.7K 390 70
                                    

Ivan's POV

2 months. 2 months ang nakalipas magmula ng magkasundo kami ni Joren. 2 months rin magmula ng bumukod siya ng kwarto sa akin. Sa buong 2 months na yun na pagsasama namin sa iisang bubong ay hinayaan ko siyang ipaghanda niya ako ng pagkain sa umaga at hinayaan naman niya akong gawin ang gusto ko sa buhay. Give and take lang.

Yun lang naman ang tanging hiling niya sa akin. Ang iparanas ko sa kanya kung paano magkaroon ng boyfriend kahit saglit lang, kahit sandali lang, kahit sa loob ng siyam na buwan lang. Bago daw kami tuluyang maghiwalay ay maranasan niya kung paano siya maappreciate ng taong mahal niya.

Alam kong naging rude ako sa kanya noong una pero dahil sa 2 months na yun nakita ko na mabait pala siyang tao. Mapagmahal at higit sa lahat malambing.

Dahil sa ginawa niyang kasulatan. Namulat ako. Natuto akong tingnan ang other side niya. Other side na bigyan siya ng pagkakataong makilala. Kaya sinubukan ko siyang maging kaibigan.

Ngayon nasa ikadalawang linggo na kami ng pangatlong buwan niya. Masasabi kong naging consistent siya sa mga sinabi niya. Pinatunayan niya sa akin na kaya niyang tumupad sa mga pangako niya. And time goes by, naging magkaibigan naman kami.

"Ivan kain kana. Maaga pa ang pasok natin" ang nakangiting sabi nito.

"Sige. Pagtitimpla lang kita ng gatas mo" ang sabi ko dito.

"Naku wag na" pagtanggi nito.

"Ano ka ba. Bilin sa akin ni mommy yun.. Sige ka, isusumbong kita dun" pananakot ko dito. Napanguso lang siya. Hahaha..

Don't get me wrong ha. Walang namamagitan sa amin. Saka ayoko naman siyang pabayaan ngayon at buntis pa siya. Siguro naging malapit lang kami sa isa't-isa. Kayo ba naman manatili sa iisang bahay at sa iisang bubong syempre nakakaboring naman kung hahayaan niyo lang ng isat-isa at walang pansinan diba. Saka masaya ako kase may taong kaya akong papiliin sa desisyong gusto ko. At siya yung kauna-unahang taong nagbigay nito sa akin.. No need to hate each other. Instead, build a good start up and relationship sa pagiging magkaibigan namin at doon namin yun makikita.

Sa totoo lang lumaki akong galit sa mga bakla. Hindi dahil may nakaraan ako sa kanila ha. Namulat lang ako na pera pera lang ang tingin nila sa mga lalaki para mahalin sila at pera din ang ginagamit nila para isatisfied ang needs nila.

Ayoko sa lahat yung binabayaran ka para mahalin mo siya. Yung involve ang pera sa relasyon niyo. Nabago lang ang paniniwala ko dahil kay Joren. Siguro baliw nga siyang magmahal pero kahit kelan hindi niya ako inalok ng pera para mahalin ko siya. At doon napahanga niya ako. Wag kayong mag-isip ng kung ano diyan ha. Hindi ito love. Humahanga lang ako sa ugali niya.

Hindi talaga ako pumapatol sa mga bakla. Ni hindi nga pumasok sa isip ko na magmahal ng mga bakla eh. Siguro nagawa ko lang yung mga bagay na yun kay joren dahil sa inis ko, sa galit ko sa kakulitan niya. Ayoko kase na ipinagsisiksikan ang sarili nila sa akin. Hindi ko rin nakikita ang sarili ko na tatanda akong kasama ang isang lalaki, o bakla sa buhay ko.

Pangarap kong magkaroon ng pamilya, anak at tunay na asawang babae.

Ang meron lang sa amin ni Joren ay isang pagkakaibigan. Hindi naman pala masamang makipagkaibigan sa tulad niya. Atleast may progress diba.

"I'm done" ang nakangiting sabi nito matapos niyang ubusin ang gatas na tinimpla ko.

"Hep! Hep! Hep! Yung gamot at vitamins mo?" napasimangot lang ito. Hahaha..

"Ano ba yan. Lulungadin na ako sa dami ng iniinom ko hays.." reklamo niya na mas lalong nagpangiti sa akin.

"Sige na. Para naman yan sa baby mo eh" ngiti ko sa kanya.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now