SLL 10

7.5K 402 64
                                    

Salamat po talaga sa mga nag-abang at sa mahabang pasensya at sa pag-intindi kay otor. Sobrang naging busy ko lang po talaga. Sana magustuhan niyo itong update ko kahit medyo sabaw. Enjoy reading :)

______________________________________

Joren's POV

Nagising na lang ako na may nakayakap na sa akin. Ang bigat naman ng kamay ng lalaking ito. Tiningnan ko siya at hinawakan sa balikat para sana gisingin pero bago ko gawin yun ay pinagmasdan ko muna ang maamo at gwapo niyang mukha. Hindi talaga malabong marami ang magkagusto sa kanya. Kahit anong gawin ng lalaking ito gwapo pa rin. Hay! Hanggang titig na lang ba ako?

Umiling na lang ako at ginising na siya.

"Ivan" gising ko dito.

"Uy Ivan" gising kong muli.

"Psstt.. Ivan"

Gumalaw siya ng konti.

Hay.

Sa wakas naman at nagising na siya. Mumukat mukat itong tumingin sa paligid. Matapos nitong suriin kung nasaan siya ay tumingin naman ito sa akin. I mean sa pwesto namin.

Nanlaki bigla ang mata nito at dali daling humiwalay sa pagkakaakap sa akin.

"F*ck!" ang gulat na sabi niya. Naupo ito sa gilid ng kama sabay hawak sa ulo niya.

"A-anong ginagawa ko dito?" ang naguguluhang tanong niya.

"Baka ikaw ang tinatanong ko niyan kung anong ginagawa mo dito?"

Nakahawak pa rin siya sa ulo niya habang iniinda ang sakit nito.

"Anong bang nangyari?"

"Anong nangyari? Ganyan ka ba Ivan sa mga babae mo matapos mo silang malasing at ikama? Anong nangyari ganun ba Ivan?" dissapointed na sabi ko.

Sabi ko na nga ba eh. Lasing lang siya noong sinabi niyang mahal niya ako. Ano pa bang aasahan ko?

"Iinom inom kase tapos hindi naman pala kaya" ang sabi ko dito.

Nakatalikod siya sa akin at nakasabunot sa ulo niya. Parang may kinakausap siya na hindi ko nakikita.

"Joren?" Tawag niya sa akin.

"Bakit?"

"Naabala ba kita sa pagtulog mo? H-hindi mo ba nagustuhan yung yakap ko?"

Ha? Napatanga lang ako sa tinanong niya. Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito? Papaasahin na naman ba niya ako sa pag-aalala niya? Ayoko na. Enough na.

"Maliligo na ako. Maligo ka na rin" walang ganang sabi ko. Ayoko ng kumapit sa katiting na pag-asang yun. Nagmumukha na akong tanga.

"Joren" tawag niyang muli.

"Ano?" inis na sabi ko.

"Hindi kayo bagay ni Ish"

Napakunot naman ako ng noo. Ha? Ano daw?

"So? Sinong bagay. Tayo?" tanong ko sa kanya.

Bigla namang nanlaki ang mata nito. Mukhang hindi niya alam ang mga sinasabi niya.

"H-hindi noh" tanggi niya agad.

"Yun naman pala eh"

Tumayo ito bigla at tumingin sa akin ng masama. Anong problema ng lalaking ito? Bipolar ba siya?

"Ah Basta hindi kayo bagay! Tukmol siya tapos... Tapos ano.. Tapos.... Cute ka" sabay takbo nito palabas ng kwarto.

A-ano daw? Cute daw ako? Pakiramdam ko namula bigla ang buong mukha ko.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now