SLL 5

5.7K 309 42
                                    

Sabaw itong update ko ngayon sana pagtiyagaan niyo na muna babawi ako next chapter at sana suportahan niyo pa rin itong kwento... Enjoy reading :)

______________________________________

Joren's POV

Tahimik lang sila habang hindi pa nagsisink-in sa kanila ang mga sinabi ko.

"Ah, eh.. Anak seryoso ka ba diyan sa mga sinasabi mo? Baka naman pinapaako mo lang kay Ivan yang dinadala mo dahil patay na patay ka sa kanya diba? Tama ba ako anak?" ang malumanay na may halong pagtatakang tanong ni mama.

Umiling lang ako.

"S-si Ivan po talaga ang ama ng anak ko" ang nakayukong sabi ko.

Mababakas mo talaga sa mukha ni mama na hindi siya makapaniwala. Mukhang nalilito. Mukhang naguguluhan.

"Bakit anak? I mean paano nangyari yun diba hindi ka niya gusto? Saka paano ka niya mabubuntis eh halos ipagtabuyan ka nga ng lalaking yun. Alam ko lahat ng yun anak pero sinuportahan ka pa rin namin ng papa mo dahil mahal ka namin anak. Tapos buntis ka? So ibig sabihin nagsex na kayo. Diba ang bata mo pa para makipagsex ka tapos hindi mo naman alam na may ganyan kang kondisyon kaya ok lang kase wala namang mawawala sayo dahil lalaki ka pa rin noong ipinanganak ka namin. Hindi ko na alam anak. Naguguluhan pa rin ako" ang sabi ni mama. Ramdam ko sa kanya ang lungkot at disappointment.

Nanatili lang akong nakayuko. Tama ba yung mga ginawa ko noon? Ngayon nasasaktan si mama ng dahil sa pagmamahal ko. Nasasaktan siya ng dahil sa akin. Nahihiya ako sa kanya. Iyak ako ng iyak.

"Ma. Sorry... Sorry po.. Hindi ko naman po alam na magkakaganito ako" ang umiiyak ko pa ring sabi. Halos hindi na ako makahinga dahil nahihiya talaga ako sa kanila. Dahil nadissapoint ko sila.

"Pasensya na po Misis Castillo ha kung makikialam na ako sa inyo. Pero hindi po makakabuti para kay Joren at sa baby niya ang umiyak ng umiyak lalo na ang matinding stress. Alam niyo po yan dahil kahit kayo ay naging isang ina rin" ang sabi ni Dok kay mama. Mukha namang natauhan si mama at bigla na lang itong lumapit sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry din anak. Sorry.. Patawarin mo si mama ha"

"Opo Ma, opo" ang sabi ko. Hinalikan niya ako sa pisnge.

Pagtingin ko sa gawi ni papa ay napailing lang ito.

"Kelangan kong makausap yang lalaking yan ngayon din!" ang matigas na utos ni papa.

"Pa! Wag na po"

"Anong wag na! Responsibilidad ka niya. Anak din niya yang dinadala mo. Hindi ako papayag. Tawagin mo siya ngayon din. Ayoko sa lahat yung mga lalaking hindi marunong manindigan matapos gumawa ng kalokohan! Mahal kita anak pero hindi pwedeng mag-isa mo yang palalakihin" ang matigas na sabi ni papa.

"Pero Pa.."

"Wala ng pero pero. Tawagan mo siya ngayon din sa ayaw at sa gusto mo! Papuntahin mo siya. Tapos!" at lumabas ito ng kwarto. Ngayon ko lang nakita si papa na magalit ng ganito. Ngayon lang.

"Anak tawagan mo na si Ivan please.. Nakikiusap ako. Mahal ka ng papa mo, alam mo yan. Ayaw niya lang makita kang tinatakbuhan dahil lang sa isang pagkakamali. Ganun ka kamahal ng papa mo anak.. Please tawagan mo na si Ivan. Papuntahin mo na siya dito sa Hospital please anak para hindi na magalit pa sayo ang papa mo" ang pakiusap ni mama.

Napabuntong hininga lang ako. Tinext ko agad sina Aseya at Coco para sabihin kay Ivan na puntahan niya ako dito sa Hospital. Alam kong malabo at hindi madali pero susubukan ko. Pipilitin ko. Ina-update naman nila ako agad. Sino daw ako para puntahan niya ang sabi ni Ivan. Sabi ko gawan nila ng paraan. Sila na bahala gumawa ng rason para puntahan niya ako dito sa Hospital.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now