SLL 18

5.1K 258 37
                                    

Ivan's POV

Nakatitig lang ako kay joren habang natutulog ito

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


Nakatitig lang ako kay joren habang natutulog ito. Hindi ko maiwasang mapangiti habang tinititigan siya. Sobrang cute at ang amo ng mukha niya. I can't believe na ang isang taong tulad niya ang mamahalin ko ng ganito. Hindi lang basta mahal ko... Sobra.... Sobra ko siyang mahal.

Tinitigan ko ang makinis nitong mukha, ang mahaba nitong pilik mata, ang katamtaman nitong ilong at ang mapupula niyang labi. Hay! Ano kayang lasa nun? Hahaha.. Putek. Nahalikan ko na yan eh sobrang sarap.

Matikman nga ulit.

Dahan dahan kong nilapit ang mukha ko sa kanya at dinampi ang labi ko.

Sh*t! F*ck sh*t! Guys, ang sarap pa rin. Walang nagbago. Nilapit ko ulit ang labi ko at hinalikan siya. Taste like heaven. Ang lambot, para siyang marshmallow.

Nilapit ko ulit ang labi ko at hinalikan siya. Kainis. Nabibitin ako. Ilalapit ko na sana ulit ang labi ko ng bigla niya itong takpan. Napasimangot lang ako.

"Ivan naman eh.. Natutulog pa ako oh.." hahaha.. Ang cute niya.

"Kiss lang naman yun eh. Bawal na ba?" ang parang batang sabi ko.

"Kiss ka diyan. Halos kainin mo nanga ang labi ko eh" ang nakangusong sabi nito. Hinawakan ko lang ang pisnge niya at pinisil ito.

"Sorry na" ang malambing na sabi ko. Saka ako nagpacute sa kanya hahaha.. Korni ko putek.

Ang weird ko na talaga simula ng maging kami. Hindi ko ugali magpacute, brusko ako pero dahil talaga sa kanya. Nabago ko ang personalidad ko. Hindi ako kundi ang buong sarili ko mismo.

Ganun pa rin naman ako sa iba pero kay joren lang talaga ako naiiba. Ang sarap magpapogi sa kanya. Gusto ko ako lang ang gwapo sa mga mata niya at kung hindi man, gusto ko ako lang ang titibukin ng puso niya. F*ck! Oo na. Ang korni ko na pero ganito pala ang kinikilig hahaha..

"Ivan para kang sira diyan. Bakit ka nginingiti ngiti ha?" habang binibigyan ako ng weird na tingin.

"Hindi ba obvious kung gaano ka kaganda sa umaga?" napakunot lang siya ng noo.

Syempre pakikiligin ko na naman siya.

"Ganda ka diyan. Hindi po ako babae noh" simangot nito.

"Bakit? Kelangan ba sa babae lang yung word na maganda? Ang ganda kaya.. Ang ganda ng nangyari sa buhay ko ng dahil sayo.... Joren ko" umiwas lang ito ng tingin at umirap sa akin.

"Che! Ang korni mo"

"Eh, bakit ka namumula diyan? Yiieee.. Kinikilig ka noh?"

"Hala? Hindi kaya" ang nakaiwas na tingin nito. Sarap sa feelings.

"Eh, kung hindi ka kinikilig eh bakit hindi mo ko titigan at halikan sa labi?" ayun! Binatukan lang naman ako.

"Puro ka kalokohan. Maligo ka na nga at pumasok" inis na sabi nito hahaha.. Sayang akala ko makakapoints ako.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now