SLL 22

4K 220 33
                                    

Happy New Year Guys Hindi ko rin alam ang mga pinaggagagawa ko dito hahahaha.. Sana magustuhan niyo pa rin. Click Vote. Enjoy reading.

______________________________________

Francis' POV

Naikuyom ko lang ng mahigpit ang kamao ko ng makita ko ang pag-akbay ng lalaking ito kay Bill. Sa totoo lang gusto ko na siyang sunggaban at sapakin. Kung wala lang dito sina tito at tita kanina pa sabog ang mukha ng lalaking ito sa totoo lang.

"Magandang gabi din naman iho. Ikaw ba yung paulo na nakausap namin sa cellphone? Ang gwapo pala nitong kaibigan mo anak" ang sabi ni tita.

Kaibigan? Sana nga kaibigan lang.

Napakamot lang ito sa ulo na akala mo totoong gwapo siya. Sus. Mas gwapo ako sayo ulol.

"Hindi naman po tita. Sakto lang po hehehe" Pa-humble pa. Tsk. "Opo tita. Ako nga po yung nakausap niyo sa cellphone noong isang araw"

"Mabuti naman at isang gwapo at mabait na kaibigan ang kasama ng anak ko. Napanatag ang loob ko" parang nakahinga ng maluwag si tita mula sa ilang araw na pag-aalala sa kanyang anak.

"Wag po kayong mag-alala sakin. Isa po akong taong mapagmahal at maalaga" kung nakamamatay lang ang tingin ko napatay ko na ang lalaking ito sa sinabi niya. Nang-iinis ba siya? Hello pre! Nandito ang boyfriend niya. Eto oh sasapakin kana.

"Hindi ka lang pala mabuting kaibigan iho. Nakakatuwa ka rin. Sige maupo kana at sumabay kana sa aming kumain" Dont tell me tita nakuha niya agad ang loob niyo. Paano naman ako? Ako pa rin naman po para kay Bill diba? Hay...

Tahimik lang si Bill na naupo sa tabi ko habang sa tabi niya naman naupo si Paulo. As in sa gitna si Bill. Putek! Kapal din pala ng mukha ng lalaking ito. Garapalan kung kumuha ng pagkain. Wala ba siyang hiya? I mean, kahihiyan man lang? Tsk.

"Pasensya na po tita. Nagutom ako sa byahe. Galing pa po kase akong ibang bayan" ang sabi nito.

Napatingin ako kay Bill. Hindi lang pala ako kundi sina tito at tita rin.

"Galing kayo sa ibang bayan? Akala ko ba nandito ka lang anak?" ang tanong ni tito dito. Kitang kita sa mukha ni Bill ang takot at kaba habang si gunggung ay parang natauhan sa sinabi niya. Na realize niya ang katangahan niya.

"Ah, eh.. Hindi po tito. N-nagkakamali po kayo" depensa agad ni Paulo. I know this kind of situation. Wag ako ulol. Kita ko ang slight na pag-iwas niya ng tingin habang sinasabi niya yun. Sign of lying "A-ako lang po yung galing ng ibang bayan. Nandito pa po ako noong tumawag kayo hehehe.." tumingin si tito kay Bill.

"Eh anak saan ka nagstay kung pumunta pala ng ibang bayan itong kaibigan mo?" tanong dito ni tito. Now si bill naman ang parang hindi alam ang sasabihin.

"S-sa mga kaibigan ko po papa. Madami naman po kaming magkakasama doon. Wag po kayong mag-alala. Ok naman po ako"

"Sigurado ka? Bakit mukhang pumayat ka?"

"Diet lang po papa hehehe. Alam niyo naman po sa Dancing kelangan fit at maliksi kang kumilos" halos mapailing ako sa pagsisinungalin ni Bill. Hindi siya ganito. Hindi niya gagawin ito sa parents niya. Gusto kong makialam pero hindi ko alam kung paano.

"Dont worry tito. Mababait po ang mga kaibigan namin" ang singit ni Paulo.

Eh hindi ko nga alam kaibigan ka ni Bill na hayop ka eh.

"Taga saan ka ba iho?" tanong ni tita kay paulo.

"Taga dito rin po sa bayan na ito. Pero ngayon po nasa manila ako ngayon. Doon po kase ako nag-aaral ng kolehiyo. Nagbabakasyon lang po kami dito ng mga kaibigan at kaklase ko"

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now