SLL 21

4K 225 39
                                    

Joren's POV

Nakahanda na ang dadalhin namin ni Ivan. Siya ang nag-impake ng damit namin habang inaalagaan ko yung dalawang bata.

Susunduin kase nila mama at papa ngayon yung kambal. Hindi ko alam pero nakakatuwa lang isipin na bukod sa akin ay may bago na silang maituturing na baby.

About nga pala sa side ni Ivan. Baka nagtataka kayo kung bakit madalas sila mama at papa lang ang nag-aalaga sa mga bata. Alam niyo naman kung gaano ka busy sina mommy at daddy sa Hospital diba. Alam niyo naman ang hospital walang pinipiling oras.

Sina mama at papa naman ay nakakauwi ng maaga sa trabaho kaya ok lang at kapag weekends naman ay wala silang pasok. Pero infairness kana mommy at daddy ha ang laki na ng inimprove nila kay Ivan. Lalong lalo na sa apo nila. Kahit busy sila ay nagagawa pa din nila kaming bisitahin at kamustahin.

Noon kase akala nila kapag naibibigay mo ang lahat ng materyales na bagay sa anak mo ay maituturing kanang isang mabuting magulang. Pero hindi nila alam na mas kelangan ng mga bata ang atensyon at pagmamahal na nanggagaling sa kanila at hindi ang perang magpapasaya sa kanila.

Matapos kong iayos ang gamit ng mga bata ay agad kong binihisan sila pareho. Busy pa kase si Ivan sa pag-aayos sa sasakyan. Hindi ko alam kung buong bahay ba ay dadalhin namin.

Actually wala pa rin akong idea sa pupuntahan namin ni Ivan. Ayaw niya kasing sabihin. Surpise daw para suspense. Ano kaya yun. Diba?

Habang busy ako sa pagpupulbos sa mga bata ay narinig ko ang pagbukas ng pinto.

Paglingon ko ay si mama na pala.

"Hello 'Ma. Si papa po asan?"

"Nandun sa baba. Kausap yung asawa mo" lumapit ito sa amin at tiningnan yung mga bata.

Hindi ko alam pero para akong kinilig sa sinabi ni mama na kausap ni papa ang asawa ko. Nakakakilig din isipin na tanggap na tanggap ka both side. Hay..

"Parang ilang araw lang kaming hindi nakakabisita dito ang laki na ng mga apo ko ah"

"Ay sinabi mo pa 'Ma. Sobrang bigat na rin"

"Hindi ka naman ba nahihirapan mag-alaga sa mga bata?" tanong ni mama.

"Mahirap po pero, magkatulong naman po kami ni Ivan sa lahat ng bagay"

"Hindi naman ba pasaway yang asawa mo?"

"Ahmm.. May time lang po na sobrang kulit. Lalo na kapag naglalaro ng Games sa cellphone. Hindi ko naman po siya masisisi. Ayoko po siyang tanggalan ng kalayaan maging bata" napangiti lang si mama.

"I'm so proud of you anak. Sobrang matured mo nang mag-isip" niyakap ako ni mama at hinalikan sa ulo.

"Thanks 'Ma. Dahil po sa inyo yun ni papa"

Habang nag-uusap kami ni mama ay narinig ko ang boses ni papa.

"Bakit nasama ang pangalan ko diyan ha?" ang natatawang sabi ni papa. Agad ko naman siyang niyakap.

"Wala 'Pa. Namiss lang kita"

"Asus. Nagpapalambing lang bunso ko eh"

"Pa naman eh. Tatlo na kaming bunso mo. Ako at yung kambal niyong apo" ang sabi ko.

Kitang kita ko sa mata ni papa ang saya. Siya yung amang nandyan kapag kelangan mo ng tulong. Siya yung amang handa kang tanggapin kahit hindi ka tanggap ng marami. Siya yung amang walang pakialam kung mabawasan ang tikas niya sa iba dahil may anak itong bakla. Basta siya yung amang gugustuhin mong maging tatay. Basta para sakin lahat iintindihin ni papa. Sana lahat may amang ganito.

TMF 2: Sana Lahat Loyal (BoyxBoy) - MPREGWhere stories live. Discover now