CHAPTER 44

738K 25.8K 21K
                                    

Hello to Nyca Laine Tamayo and to Rica Mae Cariño of PHR Manila. ❤️

CHAPTER 44

HINDI TINANTANAN NI HAPPY ang panggigisa sa ama habang nagpi-FaceTime silang dalawa. Hanggang sa naisip din nito kung kailan daw nito ginawa ang anak nito at ni Henreitta. It was after her mother, Helena, left.

And she was two years old that time.

That meant she was still the eldest. Pero pareho ang edad ng anak ni Henreitta at ni Lucky.

"What the hell, Daddy?!" Happy couldn't contain her shock as she thought of the timeline. "Pinagsabay mo si Henreitta at ang mommy ni Lucky?! How dare you! Talagang ipapahuli na kita! You are a womanizer!"

Napangiwi ang ama niya. "No, hindi ako nagsasabay ng babae, princess. Nagsunod lang sila."

Pinandilatan niya ito ng mga mata. "Nagsunod, 'tapos pareho mong nabuntis?!"

Her dad shrugged. "I'm a sharpshooter?"

"Barilin kaya kita? I'm a sharpshooter too!"

Her father was still grimacing. "Princess, hindi ko naman alam na nagkaanak ako kay Reitta."

Happy tsked. "Alam mo 'yong feeling na gustong-gusto ko ng kapatid, 'tapos malalaman kong may dalawa pala akong kapatid na puro panganay sa iba't ibang babae?! Daddy, please tell me na wala ka nang ibang anak."

Nag-iwas ng tingin ang ama niya. "I don't know. I was a sharpshooter."

"Don't you use condom?!"

"Princess!" He glared at her. "Change topic! This is uncomfortable—"

"Oh? Uncomfortable? 'Buti nga sa iyo! And no, we're not changing the topic here."

Her father sighed. "Bakit binu-bully mo na naman ako, ha, princess? Hindi ka na naaawa sa akin. Sinisigawan mo na lang ako palagi." Nagdadrama na naman ang ama niya. "Hindi mo na ako mahal. Palagi kang nakasinghal sa akin. I'm so sad, princess."

Hindi niya pinansin ang pagdadrama nito. "Nagkita na ba kayo ni Henreitta? It's been a week since she visited me in the hospital."

Tumango ito. "Nakabalik na siya. Hindi pa nga lang kami nagkikita. I was busy with your sister."

"Good." Tumango-tango rin siya. "Talk to her and to my brother. Or else I will really put you in jail. Next to the fourth Arkhon."

Napangiwi ang ama niya. "Princess, naman." Nangungusap ang mga mata nito. "Ayokong makita si Reita. Princess, marupok ang daddy mo. Baka ano ang magawa ko sa kanya."

Tiningnan niya ito nang masama. "Dad, ang sabi ko kausapin mo hindi ko sinabing landiin mo."

Her dad sighed. "Princess, hindi mo pa rin ba nahahalata hanggang ngayon? Tatlo ang anak ko, lahat panganay sa iba't ibang babae. Isa lang ang ibig sahihin n'on, malandi talaga ang daddy mo."

"Finally! He admits it," sabad ni Daddy Von na nakikita niyang nakahiga sa sofa na nasa likuran ng ama niya. "Klaus! Dominick finally admits that he is horny as fuck!"

"That's good news, Master!" Boses iyon ng ama ni King.

Napailing siya. "Talk to my brother, Daddy. You owe him an explanation." She tsked again. "And as for Henreitta, kausapin mo lang huwag mong landiin. She's too pretty for you. Baka ano na namang gawin mo sa kanya."

Her dad gaped at her. "Princess, your daddy is very handsome—"

Pinatayan niya ito ng tawag, saka napailing at napabuntong-hininga. Si Blaze naman ay tatawa-tawa lang habang nakahiga sa sofa at nakaunan sa mga hita niya.

THE BROKEN MAN'S AFFLICTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon