CHAPTER 4

846K 26.6K 9.3K
                                    

CHAPTER 4

"YES, THE CHURCH is okay na. The reception is maganda na and lahat ay ready na. I already checked everything at kayo na lang ang kulang," nakangiting balita ni Happy na pilit nagsasalita ng Tagalog sa abot ng kanyang makakaya kay Lucky habang nasa loob sila ng hospital room ng fiancé nitong si Blake.

"Thank you," nakangiting sabi ni Blake habang nakatingin sa kanya. "For helping my baby."

Her smile widened. "My pleasure."

Umalis si Lucky mula sa pagkakaupo sa tabi ni Blake at lumipat ng upo sa tabi niya sa mahabang sofa. Masuyo siya nitong niyakap at ihinilig ang ulo sa balikat niya.

"Salamat, Ate."

Nakagat niya ang pang-ibabang labi nang maramdamang nanubig ang mga mata niya sa simpleng katagang binitiwan ng kapatid. "It's my pleasure."

Puno ng pagmamahal na nginitian siya ni Lucky. "You're a godsend, Ate. Maraming salamat talaga."

Happy felt like something caress her heart. It was a simple thank you from Lucky but it meant so much to her.

Niyakap niya rin ang kapatid, saka hinagod ang likod nito. "Nandito lang ako for you, Lucky."

Tumango si Lucky, saka kumawala sa yakap niya at nginitian siya.

Doon bumukas ang pinto ng kuwarto ni Blake at pumasok ang kakambal nito.

"Blakey, your medicine," sabi ni Blaze nang makapasok sa kuwarto.

"Pasa ba 'yan?" tanong ni Blake nang makalapit ang kakambal.

Agad na nag-iwas siya ng tingin sa tanong ni Blake. Alam na alam kasi niya kung saan nakuha ni Blaze ang pasa nito. She gave it to him last night.

Blaze sighed. "It's nothing—"

"Who punched you?" Blake asked, bewildered. "Answer me, Blaze."

Mula sa gilid ng mga mata, nakita niyang napatingin sa kanya si Blaze bago umiling. "Blakey, drop it."

"Make me." Blake tsked as he looked at Blaze's swollen jaw. "Sino ba ang may gawa niyan sa iyo?"

Blaze stayed silent as he administered Blake's medicine.

Itinutok naman ni Lucky ang tingin sa panga ni Blaze. "That looks painful, Blaze."

Blaze glanced at her again before answering. "Not really."

Blake tsked again. "Walang nakakalampas sa iyo, 'tapos may pasa ka? It's either you're becoming a pussy, or you let that someone punch you."

Bumuntong-hininga si Blaze. "I'm fine."

Blake frowned. "Where's my drama king brother?"

Blaze showed his middle finger to Blake before leaving the room, while Blake looked at her questioningly.

"What?" painosenteng tanong niya.

"Did you punch my brother?" balik-tanong ni Blake.

"Blakey!" Tiningnan ito nang masama ni Lucky. "My sister is a nice woman."

Agad na lumambot ang mukha ni Blake nang bumaling kay Lucky, "I know, baby, but humor me, okay?" Kapagkuwan ay bumaling uli ito sa kanya at wala na ang lambot sa mukha. "Well, did you?"

Nakangiwing tumango siya.

"Ate!" Hindi maipinta ang mukha ni Lucky. "Sabi mo magiging mabait ka kay Blaze? You promised me."

She gave Lucky an apologetic look. "I didn't mean it."

"Paanong hindi mo sinasadya?" Hindi pa rin maipinta ang mukha ni Lucky at parang bata na nakasimangot.

THE BROKEN MAN'S AFFLICTIONWhere stories live. Discover now