CHAPTER 2

976K 26.9K 13.7K
                                    

CHAPTER 2

WALANG IMIK na umupo si Blaze sa pahabang upuan ng simbahan at inilabas ang cellphone sa bulsa saka binuksan ang group chat nilang lahat na magkakaibigan, ang Jumbo Hotdog Club. Pero may group chat ding iba ang mga single nilang magkakaibigan. Hindi niya alam kung sinong nakaisip nang pangalan na 'yon pero nasisiguro niyang wala sa tamang pag-iisip kung sino man 'yon.

Who was it anyway? Was it me?

Nailing na natawa siya saka binasa niya ang huling usapan ng magkakaibigan.

Train Wolkzbin: @Iuhence Yong babayaran mo saking fifty pesos, akala mo nakalimutan ko na? Magbayad ka nga! Hindi porke't hinalikan ng anak ko ang anak mo ay hindi ka na magbabayad. Hindi pa tayo magbalae ginugulangan mo na ako.

Iuhence Vergara: 🤣

Train Wolkzbin: 😡🤬 ibabayad ko pa 'yon kay Volkzki!

Calyx Vargaz: Ilang taon na ba yang utang mo ha, Iuhence? Magbayad ka na nga.

Lander Storm: Nagsalita ang walang-hiya @Calyx bayaran mo ako sa kinain natin doon sa Resto ni Calderon. Gago ka! Tinae mo na't lahat-lahat, hindi ka pa rin nagbabayad. Hindi 'yon libre oi!

Train Wolkzbin: 2 Years na niyang utang 'yon @Calyx. Walang hiya... katulad mo 😡

Valerian Volkzki: Manlilibre daw 'yong sintu-sinto.

'Yong kaninang mga 'seen' lang ay nagsilabasan.

Lash Colemen: Saan?

Evren Yilmaz: The who? @Valerian Maraming sintu-sinto sa kaibigan natin.

Valerian Volkzki: huwag mo akong i-tag Evren, hindi tayo close.

Iuhence Vergara: 🤪🤪🤪

Lysander Callahan: Fuck! I miss being there! Kung nandiyan ako, ako ang manglilibre.

Andrius Salazar: Hindi pala ikaw ang tinutukoy ni Valerian @Lysander? Lol. Sintu-sinto ka rin e.

Phoenix Martinez: Bakit ba nag-iingay na naman ang group chat na 'to? Sinong manlilibre? Sinong naniningil?

Titus Morgan: Mga hayop! Nagising ang anak ko sa ingay ng cellphone ko. Sino ba ang nagsabing bawal i-mute itong group chat na 'to, mga 'tangina kayo!

Blake Vitale: I'm in the Hospital. Can't come.

Kaagad na nagsalubong ang kilay ni Blaze sa nabasa.

Blaze Vitale: @Blake what did I tell you about your phone? No phone while recovering!

Blake Vitale: @Blaze make me 😛 i'm older than you.

Knight Velasquez: @Valerian i'm hungry! Buy me some cake! Sino ba yang sintu-sinto na manglilibre?

Blaze Vitale: @Blake I hate you 🤬 see this emoticon? I'm cursing you right now. Rest you motherfucker!

Blake Vitale: 😛 make me.

Hinilot niya ang sentido. Kailangan talaga niyang bantayan ang kakambal. Sasakalin niya mamaya ang nagbigay dito sa cellphone nito.

Is it Lucky? Of course its Lucky. She's a softy!

Wala sa sariling tumuon ang tingin niya sa rason kung bakit nasa simbahan siya. She's busy sketching and talking to his mother.

THE BROKEN MAN'S AFFLICTIONWhere stories live. Discover now