CHAPTER 20

816K 24K 7.6K
                                    

CHAPTER 20

"HOW MANY times in the past few months since Happy left have you visited Cassie?" tanong ni Blake kay Blaze nang makapasok siya sa sala. Kagagaling lang niya sa sementeryo. Doon siya dumeretso pagkatapos ng duty niya ngayong umaga. He was on the night shift.

Blaze threw his doctor's robe on the couch. "Maraming beses."

"Bakit ba pabalik-balik ka sa puntod ni Cassie?" puno ng kuryosidad na tanong ng kakambal sa kanya.

"I like talking to her," sagot niya.

"Why? Because she doesn't talk back?" Blake joked.

Blaze just sighed and continued walking towards the kitchen. Kumuha siya ng beer sa ref, saka binuksan iyon at akmang iinom nang marinig ang boses ng kakambal sa loob ng kusina.

"I'm curious..." sabi ni Blake. "Ano ba'ng sinasabi mo kay Cassie na hindi mo kayang sabihin sa akin?"

Bumuntong-hininga, siya saka humarap sa kakambal. "Everything."

"I'm hurt and insulted by your answer."

Blaze blew a loud breath before explaining himself. "Sabi ni Happy ako lang ang makakapagpalaya sa sarili ko na ikinulong ko sa nakaraan, kaya 'yon ang ginagawa ko. Walang makakatulong sa akin kundi ang sarili ko. And when I chose happiness, I promised myself I'm not gonna use someone anymore to make me feel okay. And seriously, I'm fine."

"Are you really?" Tumiim ang titig sa kanya si Blake. "Look at me and tell me you're fine."

Blaze looked at Blake, deep into his eyes before saying, "I'm fine, Blakey."

Ilang segundo pa siyang tinitigan ng kakambal bago ito nagbawi ng tingin. "I can't see lies in your eyes. Good."

Kumunot ang noo niya. "And you can see lies in my eyes before?" nagtataka niyang tanong.

"Blaze..." Lumapit sa kanya ang kakambal at tinapik ang balikat niya. "Kakambal mo ako, kilala kita. I would know and I would feel it. Kahit nga utot mo, kilala ko."

Natatawang uminom siya ng beer, saka tinitigan si Blake. "Eh, Ikaw? Kilala rin kita. Something is bothering you. Noong isang linggo pa. Akala mo hindi ko napansin?"

Blake sighed before getting a beer for himself. "It's Lucky." Uminom ito ng beer, saka bumuga ng marahas na hininga. "I'm worried. Ayaw niyang uminom ng gamot niya. Nag-away kami kanina."

Kumunot ang noo niya. "Bakit naman hindi siya iinom ng gamot niya? It's for her own good. Ano ba'ng nangyari?"

Blake let out a loud breath before staring up at the ceiling. "Lucky... she's pregnant."

That put a smile on his face. "Hell, yeah!" Sumuntok pa siya sa hangin. "That's a good news! We should tell Mom—" Natigilan siya sa pagsasaya nang makita ang mukha ni Blake na parang pinagsakluban ng langit at lupa. "You're not happy."

Umiling ang kakambal. "Paano ako sasaya kung isinasakripisyo ng asawa ko ang sarili niya? Ngayon pa lang ayaw na niyang uminom ng gamot baka raw mapaano ang bata. Hindi ako makakapayag na mawala siya sa akin, Blaze."

"Oh." Hindi agad pumasok sa isip niya ang sitwasyon ni Lucky. "Big deal nga 'tong pagbubuntis ni Lucky. Why don't you talk to her? Talk her out of it?"

Blake looked at him helplessly. "She told me that if I said something about hurting the baby, she'll hurt me."

"Mom's instinct."

"Yeah. And I'm afraid. Kaya kong harapin kahit isandaang bala pa 'yan, kahit ilang beses pa akong mabaril, kaya ko, pero ito ngayon? Hindi ko kaya. Matapang ako pero natatakot ako sa puwedeng mangyari. Paano kung may mangyaring masama kay Lucky habang nagbubuntis siya? Paano ako? I should have been more careful! This is my fault!"

THE BROKEN MAN'S AFFLICTIONWhere stories live. Discover now