CHAPTER 21

836K 25.8K 14.1K
                                    

CHAPTER 21

DAHIL ILANG araw ring nanatili si Happy sa bahay nila habang nagpapagaling at hindi nakapasok sa jewelry store, kinailangan niyang doblehin ang bilis ng pagtatrabaho niya sa star-shaped na engagement ring na ipinagawa sa kanya nang makabalik siya.

Kailangan niyang matapos iyon bago matapos ang linggong ito dahil 'yon ang napag-usapan nila ng kliyente niya.

Nangako siya sa ama na uuwi siya nang maaga pero heto at alas-nuwebe na ng gabi ay nasa shop pa rin siya at nagtatrabaho.

But it was okay to be late, right? Her bodyguard was coming tonight and he would wait outside, at the back of the building. That was what her dad said. Whoever this bodyguard was, she was sure he could protect her. Hopefully. If not, she would protect herself. Hindi niya sasayangin ang mga itinuro sa kanya ni Midnight.

She had to finish this order. She didn't like disappointing her customers. And this was her last one job before she would stop working for the meantime.

She had to stay in a safe place, wherever that was. 'Yon ang gusto ng ama niya kaya susundin niya. Para din naman 'yon sa kaligtasan niya hanggang sa mahuli ng mga pulis kung sino man ang boss na 'yon na tinutukoy ng lalaking muntik na siyang kidnapin.

Happy took a deep breath before she started polishing the fourth stone. Habang nagtatrabaho, patingin-tingin siya sa orasang nasa dingding. At nang makitang alas-onse na, mabilis niyang inayos ang mga gamit, ini-lock ang pribadong work room, saka ini-activate ang security system alarm.

As usual, she exited on the back of the building because that was where she parked her new car and the store was already close at front.

Kinakabahan siyang lumabas ng gusali habang mabilis na naglalakad patungo sa kotse niya.

No bodyguard. Shit!

Bago pa siya makarating, may lalaking lumabas mula sa pagtatago sa dilim at itinutok ang baril na hawak sa kanya.

"Throw your car keys," sabi ng lalaki, saka may ihinagis na posas sa kanya. "And cuff yourself."

Sa halip na makinig, humigpit ang hawak niya sa susi ng kotse. Her dad bought her a bulletproof car and she was driving it now. She had to take the risk. Once she was inside the car, no bullet could penetrate it.

"I said now!" sigaw ng lalaki sa kanya. "Step away from your car!"

Happy wasn't planning to do what the man wanted, she was planning to fight. In her head, she was already formulating a plan... until the body of the man who was holding a gun at her was dropped on the floor.

There was no gunshot.

A suppressor!

Nagmamadali niyang binuksan ang pinto ng kotse at sumakay, pero nabitin ang pagbuhay niya sa makina nang makita ang bulto ng lalaki na naglalakad palapit habang may hawak na baril na may nakakabit na silencer.

Sa takot na baka siya ang isunod, mabilis niyang binuhay ang makina ng kotse pero ang plano niyang pagpapaharurot paalis at sagasaan ang lalaki ay nag-iba nang mailawan niya ang mukha ng lalaking may hawak na baril.

Mabilis siyang lumabas ng sasakyan at hindi makapaniwalang napatitig sa lalaki.

"Blake?" She frowned. "W-what are you doing here? Kasama mo ba si Lucky? Is she okay?"

Sa halip na sagutin, naglakad ito palapit sa kanya, saka hinawakan siya sa pupulsuhan. Hinila siya paikot sa kotse niya at pinasakay sa passenger seat.

Happy was riding shotgun on her new car and Blake was driving.

"Where's Lucky?" she asked.

"Home," sagot ni Blake.

THE BROKEN MAN'S AFFLICTIONWhere stories live. Discover now