036

98.1K 2K 196
                                    

Chapter 36 Love with Care

Jewille's POV

Nakahiga ako sa kama ngayon. Ang sakit ng puson ko! Argh. Bakit ba kailangan maranasan 'to ng mga babae? Tapos kahit buwan buwan ng nasasaktan ang mga babae, sinasaktan pa din sila ng mga lalaki! Ang unfair 'no? Psh.

Nakayakap lang ako sa unan ko. Ang sakit kasi talaga.

"Sana unan nalang ako," Napatingin ako sa nag salita. Kumunot yung noo ko tapos ngumiti sya, "Para yakapin mo din ako ng ganyan kahigpit."

Pick up line pala yun. Okay naman. Bumalik ako sa pagkakayakap ko sa unan ko. Nakakaurat yung sakit. Ayokong mag salita. Nakarinig ako ng yabag na papunta saakin. Sya yan, sure ako. Sino pa ba ang e-expect ko? Sya lang naman nandito sa bahay na kasama ko.

"Sana kanta nalang ako ni Taylor Swift," Narinig kong sabi nya. Hindi ko sya matiis kaya sumagot na ako kahit nakatalikod, "Bakit?"

"Para You belong with me." Sige, okay naman din.

"Alam mo, para akong kanta ni Shamrock," Yung totoo? Hindi pa ba sya tapos?

"Bakit?" Tanong ko. Kawawa naman.

"Kasi ako'y alipin mo kahit hindi mo batid." Pagbigyan.

Humarap ako sakaniya. Tinignan ko sya sa blankong ekspresyon.

"Okay ka na?" Tanong ko sakaniya.

"Oo, sabi ko nga okay na ako...okay na ako basta nakikita kita ngayon." Ngumiti sya. Seriously anong nakain neto?

"Baliw ka na? Nakakain ka ba ng lason o ano? Bakit ka ganyan ngayon?" Sunod sunod kong tanong sakaniya at nakakuha na naman ako ng ngiti galing sakaniya.

"Oo, baliw na ako. Baliw na baliw na ako sa'yo kaya ako nagkakaganito." Sabi nya.

"Ewan. Manahimik ka na nga lang." Sabi ko naman.

"Kahit pagtabuyan mo man ako, hindi ako aalis dito sa tabi mo habang hindi ka nagiging okay. Alam ko namang may masakit sa'yo kaya hindi kita iiwan."

Hindi ko maintindihan dyan kay William Cuizon kung bakit masyadong bipolar. Ang bait-bait at ang sweet-sweet minsan pero minsan ang sungit-sungit! Dinaig pa yung babaeng may monthly period eh.

Dahil hindi ko talaga feel mag salita, tumango nalang ako at tumalikod sakan'ya.

"Uh, Jagi, may blood s-stain ka." Narinig kong sabi nya kaya naman namula ako. Oh sht!

Napatayo kaagad ako at napaharap sakan'ya. Nakakahiya! Ugh!

"T-tumalikod ka." Sabi ko.

"Bakit?" Tanong nya sa'kin.

"Basta tumalikod ka!" Napasigaw ako. Oh man, ang sakit sa puson ng pag sigaw ko! Bakit ko ba 'to nararanasan?! Sheez.

Pagkatalikod nya ay binuksan ko yung drawer ko para kumuha ng pads. Takte, wala akong mahanap! What to do?!

Nagpa-panic na ako dahil wala talaga akong mahanap. Napahinto ako sa paghahanap ng maalala kong last na pala yung ginamit ko kanina. Damn! Paano na 'to?!

"Bilhan na kita, jagi." Nagulat ako ng nagsalita si Monster. Hindi ko napansing nakatingin na pala sya sa'kin.

"S-sure ka?" Nahihiyang tanong ko sakan'ya.

"Oo naman. Mukha bang hindi ako seryoso?" Tanong nya sa'kin.

"Sige na nga. Bilisan mo lang ah." Sabi ko sakan'ya. Lumapit sya sa'kin at hinalikan yung noo ko.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]On viuen les histories. Descobreix ara