SPECIAL CHAPTER

105K 1.8K 198
                                    

Special Chapter Presentation

Alyssandra's POV

Ngayon na yung presentation namin. Kinakabahan ako. Baka makalimutan ko yung lines ko.

"Aly! Hindi mo na kakainin yang pagkain mo? Sayang naman eh. Kung ayaw mo, akin nalang!" Sabi ni Dens.

"Manahimik ka nga dyan, Dens! Takaw mo talaga eh, tsk." Sabi naman ni Hope.

"Sige na Hope, ibigay mo na kay Dens yang Spaghetti ko. Wala akong ganang kumain eh." Sabi ko kay Hope.

"Pero Aly" Pinutol ko yung sasabihin ni Hope, "Ibigay mo nalang kay Dens, wala ng pero Hope! Pagkain mo yan?" Pagsusungit ko sakan'ya.

Binigay naman ni Hope yung spaghetti ko kay Dens, "Yes! Thank you, Aly!" Sabi ni Dens at nag simula ng kumain ng spaghetti. Para talagang bata si Dens. Kung anong ikinabata ng ugali ni Dens, ayun yung ikinatanda ng ugali ni Hope.

"Bakit ba ayaw mo kumain?" Tanong ni Hope sa'kin.

"Kinakabahan ako. Baka ma-cr ako neto mamaya kaya wag nalang." Seryosong sabi ko sakan'ya.

Tumawa naman sya at hinawakan yung kamay kong nasa lamesa, "Wag ka ng kabahan, nandito naman ako eh." Sabi nya at ngumiti. Ngumiti nalang din ako. Medyo nawala yung kaba ko. Hindi ko alam pero bigla akong napatingin sa gilid ko, kung saan nakaupo sila Harley at Elixa. Nagulat ako dahil nakatingin sa'min si Harley ng masama kaya bigla akong napatingin sa kamay ni Hope na nakahaway sa kamay ko. Iniwasan ko nalang yung tingin nya at pumikit.

Sht, yung puso ko.

"Okay ka lang, Aly?" Narinig kong tanong ni Hope kaya dumilat ako at tumingin sakan'ya.

"Ah, oo naman." Sabi ko at ngumiti para maniwala syang okay lang ako pero ang totoo nyan, hindi talaga ako okay.

Ilang saglit lang at narinig na namin ang bell. At hudyat na din ito para kabahan ako ng todo. Tumayo na kaming lahat at nag lakad papunta sa classroom.

Nararamdaman ko na ang pag lamig ng kamay ko at ang pamamawis neto, hindi naman ako pasmado pero namamawis na 'to. Kumakabog na din ang puso ko na akala mo ay gusto na nyang lumabas.

Hinawakan ni Hope yung kamay ko habang nag lalakad kami papuntang classroom.

"Wag kang kabahan, nandito naman ako." Sabi nya pero hindi pa din talaga natatanggal yung kaba ko. Bakit ganito? Kinakabahan lang ba talaga ako baka mag kamali ako o sadyang kinakabahan ako dahil makakausap ko na ulit si Harley? Ugh, kahit scripted yun, hindi ko pa din maiiwasang kabahan dahil si Harley yun eh. Si Harley, si Harley na hanggang ngayon, hindi ko pa din makalimutan. Si Harley na hanggang ngayon, mahal ko pa din. Tama lang naman na kabahan ako diba?

Pagkarating namin sa classroom, nandoon na kaagad si ma'am kaya naman umupo na kami.

Pinabunot kami ni ma'am ng number para malaman kung pang ilan kami sa magpe-perform nung isang araw tapos kami nila Hope ang pangatlo.

Two hours kami dito ngayon, sabi ni ma'am. Wala daw kasi kaming kasunod na teacher at sakto namang last period nya kami kaya two hours kami. Binigyan kami ng fifteen minutes para mag palit ng mga susuotin namin at ihanda na din ang mga props namin.

After fifteen minutes, nag simula na yung unang group which is sila Cass. Magaling, mukhang natural. Well, mag mumukhang natural naman talaga yan dahil real couple sila. Ano pa bang aasahan mo, diba? Mabilis lang natapos yung kila Cass. Masasabi ko lang sakanila? Magaling. Halatang hindi acting, galing sa puso eh. Mararamdaman mo naman at makikita mo yung reactions and emotions na pinapakita nila.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now