027

150K 2.7K 158
                                    

Chapter 27 Cold

~Jewille's POV~

Ang sarap naman yakapin ng unan ko! Ang lambot-lambot! Niyakap ko pa lalo yung unan ko. Ang sarap talaga yakapin! Hihihi. Inamoy ko yung unan ko, ang bango. Hindi ko naman sya perfume. Kanino kayang perfume yung ginamit ni manang para bumango yung unan ko? Ang bango eh. Ang manly nung amoy. Nagulat ako nung niyakap ako pabalik ng unan ko. Eh? Kailan pa ako nagka-unan ng ganito? Yung nangyayakap? Tapos pinisil-pisil pa yung pisnge ko! Kinapa ko naman yung unan ko. Teka, bakit may mukha? Hala!

Idinilat ko yung mata ko at nakita ko yung malaking unan ko.

"Good morning, sleepy head." Sabi ni monster. Kumalas ako sa pagkakayakap ko sakaniya. Katabi ko palang natulog si monster kagabi! Ah sheez!

"Ikaw ah! Bakit mo ako niyayakap? May gusto ka saakin noh? Amin-amin din!" Sabi nya saakin.

"Pardon me? Ako may gusto saiyo? FYI, monster hinding-hindi ako magkakagusto saiyo. First of all, dahil ang pangit ng ugali mo then second, ang pangit mo and third, ayoko saiyo, fourth, hindi kita type, fifth, ayoko saiyo and lastly, ang pinaka-mahalaga, hindi kita type at ayoko saiyo dahil ang pangit mo at ang pangit ng ugali mo! Tss. Nangarap ka na naman!" Sabi ko sakaniya. Bigla naman syang sumimangot at tumayo.

"Ah ganoon? Okay, fine." Sabi nya at lumabas ng kwarto. Napatakip pa nga ako ng tenga dahil ang lakas ng pagkaka-sara nya sa pintuan. Letse. Binibiro ko lang naman sya eh. Hindi na mabiro! Amp. Nakakainis naman yun. -__-

Inayos ko na yung higaan ko. At pumunta na sa banyo upang gawin ang aking ritual tuwing umaga.

Pagkatapos kong gawin ang morning rituals ko, bumaba na ako. Pero bago yun, sumilip muna ako sa kwarto ni monster dahil naka-bukas 'to. Nakita ko si monster na naka-upo sa kama nya at may kausap sa cellphone nya. Buti pa sya may cellphone, ako wala eh! Tss. Naririnig ko naman yung usapan nila at napantig na naman yung tenga ko ng marinig ko yung salitang 'baby'! At kung maka-ngiti pa sya, todo ah. Argh! Bwisit! Bahala sya sa buhay nya. Dyan na sya sa baby nya for life! Psh.

Bumaba na ako at pumunta sa kusina kung saan naglu-luto si manang. Nag-good morning ako kay manang at sya din ay nag-good morning. Umupo ako sa silya at pinaghandaan naman ako ni manang ng makakain. Ang sabi ko ay tinapay lang at bacon with egg and cheese lang yung ilagay sa plato ko kaya naman ayun lang ang kakainin ko. Habang kumakain naman ako, bumaba si monster at pumunta din dito sa kusina. Humingi sya ng pagkain kay manang at umupo sa harapan ko. Yung totoo? Nangaasar ba 'to o ano? Kung nangaasar sya, aba, panalo na sya! Naasara na kasi ako. Binilisan ko ang pag-nguya sa kinakain ko at pumunta na sa sala. Nanood nalang ako ng T.V. Sakto namang si Pikachu ang palabas. Yes naman! Buti nalang talaga nandyan si Pikachu! Napapasaya ako. Hahaha. Habang nanonood ako, nag commercial at kita mo nga naman, nag bibiro talaga si tadhana! Si cookie monster ba naman kasi yung i-commercial! Edi wow. Jusko. Ang lakas mang-asar ni tadhana. Ang sarap sapakin ni tadhana eh. Kapag nakita ko talaga yan, sasapakin ko yan eh.

Nilipat ko nalang sa ibang channel, maya-maya lang ay umupo si monster sa tabi ko. Tumayo naman ako at umakyat para maligo. Kahit maya-maya pa yung pasok namin because of that faculty meeting, maliligo na ako. Ayokong makita yung mukha ni monster. Atsaka galit pa yun saakin! Ikaw ba naman sabihan ko ng kasinungalingan eh. Haha. Kahit hindi naman nya alam na it's all a lie. I don't know what bad spirit here in my body to said that lie to him. Siguro naduwag ako? Bakit? Dahil hindi ko tanggap na may iba na sya. Kahit hindi nya sabihin yun, alam ko naman at nakikita ko. Hindi ako bulag at manhid. Tao ako, alam kong yung 'baby' na yun ay ka-MU nya or worst baka sila na nga eh.

Bakit hindi ko sya mapigilan even though i'm his wife? Kasi alam ko na ang pinanghahawakan ko lang na meron saamin ay yung contract ng kasal namin. Oh come on. Ano pa bang laban ko? Wala naman na eh. So better na maaga pa, i should know my limitations to him.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now