026

144K 2.8K 143
                                    

Chapter 26 Sick

~Jewille'sPOV~

"Achoooo! *sniff* *sniff*" Bahing ko NANAMAN. Waaaaaah! Anong nangyayari saakin?! Huhuhuhu. Naman oh. Nagkanda-malas malas na ako simula kahapon! Argh!

"Achooooo!"

"Naku! hija! Ang init mo! May lagnat ka." Sabi saakin ni Manang pagkatapos nyang sapuhin yung noo at leeg ko. Aish. Ngayon pa ako nagka-lagnat. Naman oh.

"Okay po manang. Akyat lang po ako sa kwarto." Sabi ko kay manang. Um-oo naman sya at sinabi na dadalhan nya ako ng gamot sa kwarto. Tumango nalang ako bilang sagot at umakyat na sa kwarto ko.

Monday ngayon at hindi ako pumasok kasi ang sama nga ng pakiramdam ko. Si monster naman ay pumasok. Hindi ko maimulat yung mata ko kanina kaya hindi ako bumangon kahit na naririnig ko yung sigaw ni monster saakin. Feeling ko may nakapatong sa mata ko at hindi ko mamulat 'to. Humiga na ako sa kama at nilagay yung kumot ko. Kanina pa nakapatay yung aircon dahil ang lamig talaga. Ngayon nga nilalamig pa ako kahit na walang aircon. Binalot ko ang sarili ko ng kumot. Yung tipong kahit tip ng daliri ko ay hindi mo na makikita. Hahahaha. Eh ang lamig talaga eh. Nakakayamot lang. Maya-maya lang ay may kumatok na sa kwarto ko at nakita ko si manang na may dalang tray na may lamang gamot at tubig.

"Oh hija, inumin mo muna itong gamot na 'to bago ka matulog." Sabi ni manang at iniabot yung gamot saakin at yung tubig. Pagkatapos kong inumin yung gamot ay nahiga na ako. Ang sabi saakin ni manang, kailangan ko daw mag pahinga para bumaba yung lagnat ko. Feeling ko talaga may nakadagan sa mga mata ko kaya gusto na nyang pumikit kaya pumikit nalang ako. Haay. Sana naman bumaba na yung lagnat ko. Nakakainis talaga! Hindi ko tuloy nabantayan si monster sa school. Mamaya may mga babaeng umaaligid sakaniya dun. Pero wala nga pala akong karapatan sakaniya. Asawa ko lang sya sa papel.

I don't have a rights to him. And that hit me hard.

~~~

Nagising ako dahil parang may nakadagan sa mga mata ko na basa. Kinapa ko yung mata ko at tinanggal yung nakalagay. Unti-unti kong idinilat yung mga mata ko. Pagka-dilat ko ganoon pa din naman. Nasa bahay pa din ako. Nasa kwarto pa din ako. Teka, bakit nga pala may basang towel yung mata ko? Hindi naman nilagay ni manang yun kanina ah! Baka naman nilagyan nya noong tulog ako. I shrug my shoulders. Malay ko ba atsaka hindi ko na yun po-problemahin. Bakit ko naman po-problemahin yun diba?

Kinuha ko yung cellphone ko sa side table. Ay wala nga pala akong cellphone. Nakalimutan ko. Tss. Tinignan ko nalang yung wall clock sa kwarto ko at nakita kong 5 pm na pala. Ang tagal ko ding nakatulog. Bumangon ako sa pagkakahiga ko. Medyo okay na din naman yung pakiramdam ko. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si monster na papasok sa kwarto nya. Hindi ko naman sya pinansin dahil tinatamad akong magsalita. Kapag masama kasi yung pakiramdam ko, tinatamad akong magsalita. Ewan ko ba. Bababa na sana ako subalit, ngunit, datapwat, nag salita si monster.

"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" Tanong nya saakin. Aba! Himala na ito! Naalala ako ni monster! Syet. Kikiligin na ba ako? Pero dahil tinatamad akong magsalita, tumango nalang ako bilang sagot. Bigla naman syang sumimangot.

"Now what? Nag-effort akong mag salita para tanungin ka kung okay ka na tapos tango lang ang sagot mo? Hah! What an answer!" Medyo mataas na boses na sabi nya saakin. Napataas naman ako ng kilay. Effort na pala ngayon sakaniya yung pagsasalita? Tss.

"Okay na ako. Gusto mo pang mahabang sagot? Okay na ako. Thankyou sa pag aalala kung ayun man yung tawag doon. Thankyou din kasi nag-effort ka pang mag-salita para tanungin ako kung okay na ako. Thankyou talaga huh? Na-touch ako. Okay ka na? Sapat na ba yung sagot ko? Tss." Hindi ko na inintay yung sagot nya at tuloy-tuloy na akong bumaba. Pero nakakailang habang palang ako when I heard him cuss. Ewan ko sakaniya. Nakakaasar! Argh! Effort na pala yun para sakaniya! Tss. Monster talaga yun! Bwisit.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now