050

94K 1.7K 156
                                    

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng hindi kaaya-ayang eksena para sa mga bata. Patnubay ng magulang ang kailangan. HAHAHAHA joke lang! Anyway, Epilogue is next! Yes, this is the last chapter. Enjoy reading! ;)

Chapter 50 With you

Jewille's POV

Pabalik na kami ng Manila ngayon. Katabi ko ngayon si William na natutulog. Ako naman, nakatingin sa labas ng bus. Palubog na yung araw at halos lahat ng nandito sa bus ay natutulog. Ako lang ata o kaunti lang ang gising. I should be sleeping too but i can't sleep. Binabagabag pa din ako ng desisyon ko. Kahit na pumayag si William, parang may tumutulak pa din sa'kin na wag ng umalis. Pero kung hindi naman kasi ako aalis, sayang yung opportunity na makapag aral ako sa isa sa mga magagandang universities sa Korea. Ugh, ang hirap mag desisyon!

Pinikit ko yung mga mata ko. Tama naman na siguro yung napili ko. Itutuloy ko yung pag punta ko sa Korea.

Nakatulog din ako at pagising ko, nandito na kami sa Manila. Bumaba na kami sa bus at nag paalam sa teacher namin. Tinawagan ni William yung driver namin. Hindi nag tagal at dumating na din naman ito. Ngayon, nagba-byahe na kami pauwi sa bahay. Medyo gabi na din.

"Jewille," Tawag sa'kin ni William.

Nilingon ko naman sya, "Bakit?" Tanong ko.

"Okay ka lang ba? You look tired and it looks like you're having some deep thoughts." Sabi nya.

"Of course, i'm okay. Kailan pa ako hindi naging okay, hindi ba?" Sabi ko.

"You can't fool me. Dahil pa din ba dyan sa scholarship na yan? I let you go to Korea already, right?" Tanong nya.

"William, oo nga, pumayag ka pero jusko naman! Hindi pa din ako makapili! Ayokong iwan kita pero hindi ko din naman pwedeng tanggihan yung scholarship kasi ayun na eh. Nandoon na yun, maayos na ang lahat." Sabi ko. Hinila nya ako palapit sakan'ya at niyakap ako.

"You don't need to worry about me. Okay lang ako dito. Nag agree na nga ako, diba? And besides, i can visit you there." Sabi nya. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat nya.

"Thank you." Sabi ko.

"Matulog ka muna, mukhang pagod ka na." Sabi nya sa'kin. Aangal pa sana ako pero sinandal nya yung ulo ko sa balikat nya. Unti-unti na din naman akong nakatulog.

~~~

Pag gising ko ay nandito na ako sa kwarto ko. Binuhat ba ako ni William papunta dito sa kwarto ko?

Tinignan ko yung wall clock ko at alas dose palang ng madaling araw. Bumangon ako at nag bihis. Nag hilamos na din ako at nag toothbrush. Pagkatapos ay bumaba ako para tignan kung merong pag kain. Nagugutom ako. Madilim na sa baba at sa kusina kaya kailangan kong buksan yung ilaw.

"Ay jusko po!" Sabi ko dahil sa gulat. Pagkabukas ko kasi ng ilaw, nakita ko si William na nakatingin sa'kin.

Lumapit ako sakan'ya, "Ang creepy mo, William!" Sabi ko sakan'ya. Ngumiti lang sya at uminom na ulit nung wine. Kumuha ako ng malamig na tubig. Sinalin ko ito sa baso at ininom. Habang umiinom ako, pakiramdam ko ay nakatitig sa'kin si William kaya ng maubos ko yung laman ng baso, tumingin ako sakan'ya at tama nga, nakatitig sya sa'kin.

Nilagay ko na ulit sa refrigerator yung lalagyanan ng tubig at lumapit sa kinatatayuan ni William para ilagay yung baso na pinag inuman ko. Nasa likod nya kasi ang lababo kaya kailangan kong lumapit sakan'ya. Nilapag ko ang baso at tumalikod na sakan'ya kaso bigla nya akong hinila at pinaharap sakan'ya.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon