045

69.8K 1.5K 39
                                    

Chapter 45 Bestfriends

Jewille's POV

Nasa mall na naman ako. Bibili kasi ako ng pang regalo para sa pasko. Nagiikot-ikot ako ngayon. Mag isa lang ako dahil ayokong may makaalam kung ano ang bibilhin ko. 10 AM palang naman at medyo konti palang ang tao dito sa mall.

Pumasok ako sa boutique. Nilibot ko ang tingin ko sa loob at may nakita akong isang magandang dress. Magugustuhan 'to ni Aly! Lumapit ako at kukunin na sana yung dress kaso may kumuha din.

"Excuse me, miss, ako nauna dito." Sabi ko sa babaeng kumuha din ng dress na yun at nang makita ko kung sino yun ay nagulat ako.

"Jewille!" Tawag sa'kin ni Aly. Yes, sya yung kumuha din ng dress na yun. Nagkatinginan kami at nag tawanan.

"Bakit nandito ka?" Tanong nya sa'kin.

"Wala lang, nagsho-shopping lang." Sagot ko sakan'ya.

"Bibilhin mo ba 'tong dress na 'to?" Tanong nya sa'kin.

"Oo sana eh." Sabi ko.

"Sure, sa'yo na 'to. Meron pa naman sigurong stock neto." Sabi nya sa'kin. Nginitian ko naman sya. Kung alam mo lang Aly, kung alam mo lang talaga kung kanino ko 'to ibibigay.

"Ah, excuse me miss, meron pa ba kayong stock netong dress na 'to?" Tanong nya sa sales lady at pinakita yung dress.

"Ay, sorry ma'am, last na po yan. Naubos na po kasi yung stock namin ng dress na yan." Sabi nung sales lady.

Mukha namang nalungkot si Aly, "Gano'n ba? Sige, thank you." Sabi nya.

"Sa'yo nalang 'to, Aly. Parang gustong-gusto mo eh." Sabi ko.

"Sige, wag na. Pipili nalang ako ng iba." Sabi nya at ngumiti pa. Nag hanap sya ng iba pang dress at binayaran na namin yung dress na binili namin. Mahilig sa dress si Aly. Sya yung girly sa'ming apat simula bata pa. Naging girly lang naman si Cass no'ng lumaki na sya pero si Aly talaga, since bata kami girly na sya. Hindi sya mahilig mag suot ng pantalon, dress and skirt ang suot nya most of the time.

Lumabas na kami ni Aly at nag libot. Napagdesisyunan naming dalawa na pumunta sa isang perfume shop. Balak ko ding bumili ng perfume para kay Nicole. Mahilig sya sa perfumes at may koleksyon sya neto. Makikita mo sa kwarto nya yung mga perfumes nya galing sa iba't-ibang bansa. Yung iba doon, nabibili nya kapag nagta-travel sya o nagta-travel sila ng family nya. Minsan naman ino-order nya sa online shop yung mga perfumes.

Namili na ako ng perfume na ibibigay ko kay Nicole at pumili na din ako ng para sa'kin.

"Good morning, ma'am!" Bati ng isang staff dito sa dumating. Hindi ko pinansin yun at nag patuloy lang sa paghahanap ng ibibigay ko kay Nicole.

"Nicole, kanina pa tayo naghahanap ng perfumes! Hindi ka pa din ba tapos?"

"Hindi pa."

"Kaloka ka!"

Napatingin ako sa nag uusap. Nakita ko naman si Nicole at Cass. Nagulat na naman ako. Bakit nagki-kita kami ngayon? Ang dami-daming mall dito, bakit parehas pa kami ng mall na pinuntahan?

"Cass! Nicole!" Tawag ko sakanila kaya napatingin sila sa'kin. Mukhang nagulat din naman sila.

"Oh, Jewille!" Tawag din ni Nicole sa'kin at lumapit sila.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Cass.

"Nag aaral." Sagot ko at tumawa.

"Malamang, nagsho-shopping!" Sabi ko.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now