023

139K 2.7K 134
                                    

Chapter 23 Family Dinner

Jewille's POV

"Jewille! Bilisan mo na! Ang tagal mo talagang kumilos!" Sigaw ni Monster mula sa labas ng kwarto ko.

"Oo na! Saglit lang! Eto na nga eh." Sigaw ko pabalik. Kinuha ko na yung sling bag ko sa kama and tada! Tapos na ako.

"Jewille! Bilis! Pag bilang ko ng tatlo at hindi ka pa lumalabas, iiwan na kita! Isa! Dalawa! Tat" Naputol ang sasabihin nya dahil lumabas na ako.

"Oh eto na nga eh. Atat much?" Sabi ko ng makalabas ako nang kwarto.

"Natulala ka? Ganda ko 'no? Syempre nag iisa lang yan!" Sabi ko. Natawa ako sa mukha nya kaya pinicturan ko sya kaso naka-on pala yung flash ng cellphone ko kaya ayun, napansin nya. Sayang!

"Akin na yan!" Sabi nya at agaw sa phone ko. Hindi ko tinaas yun dahil alam ko namang maabot nya yun kaya nilagay ko sya sa likod ko.

"I'm sorry. I don't want to give it to you. You have your own phone anyway." Sabi ko. Nilapit naman nya yung mukha nya saakin at kinorner ako sa pintuan ng kwarto ko. Tss. Wala naman kami sa Korean novela para ganitohin nya ako. Napairap nalang ako habang palihim kong nilalagay yung phone ko sa sling bag ko.

"Give your phone and I'll set you free but if you don't give your phone, I'll kiss you. Give or kiss?" Sabi nya with a smirk.

"Ayoko nga. Tabi na nga dyan." Sabi ko at tinulak ko sya.

"Alis na tayo. Baka hinahanap na nila tayo. Akala mo dyan." Sabi ko at bumaba na. Baka kasi mahabol pa ako. Akala nya hindi ko alam yang mga style na yan? Eh napapanuod ko yan sa mga Korean novela eh!

Pagkababa ko ay nakita ko si manang na nag aayos ng mga magazines.

"Aalis na po kami." Sabi ko kay manang.

"Osya sige. Mag ingat kayo ah? Anong oras ba kayo uuwi?" Tanong ni manang.

"Sige po. Mga 10 pm po siguro kami uuwi. Huwag mo na po kaming hintayin. May susi naman po kaming dala." Sabi ko.

"Osige. Oo nga pala, napaka ganda mo ngayon, hija." Puri sa'kin ni manang. Ay, maliit na bagay!

"Hahaha! Kayo talaga manang. Araw-araw naman akong maganda eh. Ngayon nyo lang nakita?" Pabirong tanong ko.

"Ikaw talagang bata ka. Sige na't baka mahuli pa kayo." Sabi sa'kin ni manang.

"Bye po! Alis na po kami. Ingat ka po dito." Paalam ko.

"Mag ingat kayo." Sabi ni manang bago kami pumasok sa kotse ni William.

Bakit tuwing nag kakasama kami netong lalaking 'to, ang tahimik ko? Ako ba 'to? Ang kilala ko kasing Jewille, maingay. Anong nangyari? Nahawaan na ata ako ng katahimikan neto. Ay jusko! Hindi ako makakatagal sa katahimikan! Gusto ko yung parang sa bar! Yung maingay tapos ang wa-wild ng mga tao! Ganun ang gusto kong ingay! Pero syempre, joke lang yun. Ang gusto ko lang ay may kausap. Mapapanis yung laway ko kapag kasama ko 'tong William na 'to eh. Hindi nag sasalita. Ay may naalala akong itanong ulit!

"Ay, anong meaning ng Daisuki?" I ask. Bigla naman nyang hininto yung kotse. Bakit ba ang lapit lang ng restaurant na 'to? Hindi pa nga nya nasasagot yung tanong ko!

"We're here." Sabi nya. Ay bastusan lang? Grabe! Inis-snob lang ang ganda ko? Grabe talaga!

"Wala ka bang balak lumabas ng kotse?" Tanong nya kaya lumabas nalang ng kotse nya at pumasok sa restaurant. Nakita ko na yung table nila mommy kaya ngumiti na ako. Hindi ko pwedeng sirain ang mood nila. Nang makarating ako sa table ay kumpleto na pala sila. Kami nalang pala ang kulang. Lumapit na ako sa table.

"Hello people!" I greeted them.

"Nandito ka din pala Aly! Hindi mo sinabi!" Sabi ko kay Aly. Ngumiti naman sya saakin.

"Oo. Sinama ako netong si Harley." Sabi nya. Napansin ko naman si baby Hally na nasa gitna nilang dalawa.

"Hi baby Hally!" Sabi ko.

"Say hi to tita, baby." Sabi ni Harley kay Hally.

"Hi po Tita!" Sabi ni Hally sa'kin.

Kasunod ko naman si William. Umupo na ako ganoon din si William at talagang sa tabi ko pa sya naupo ah? Pwede namang sa tabi ni Justine. Jusko! Hindi ko alam kung kikiligin ba ako o maiinis eh. Bwisit kasi! Parang kapag nag kakasanggi yung mga balat namin, parang may spark? Parang may libo-libong boltahe yung pumapasok sa katawan ko eh. Nararamdaman nya din kaya yun? Malamang hindi! Eh ako lang naman ang may feelings saaming dalawa eh. Ay jusko! Nababaliw na talaga ako!

Habang hinihintay namin yung pag kain na dumating ay nag ku-kwentuhan lang sila. Yeah. Sila. Hindi ako nakikisali dahil tungkol sa business ang pinag-uusapan nila. Though, I know what their topic, hindi pa din ako nikikisali. Bakit? Wala lang. Hindi ko lang talaga feel. Atsaka kapag sumali pa ako sa usapan nila ay baka malipat saakin ang topic. Knowing my parents. Gagawin nila ang lahat ng Pag uusap para lang malipat yung usapan saiyo. At para na din mapaamin ka nila kung may gusto silang malaman. Ang galing nila diba? Wala ng tatalo sa mga magulang ko.

Nanahimik nalang ako at hinintay yung pag kain. After a few minutes, nandito na yung pag kain namin. Oh yas.

"Mom, Dad, What's the purpose of this dinner?" I asked my parents while we're eating.

"Should I say it dad?" Mommy asked my dad. My dad nodded and continue eating his food.

"Magbabakasyon tayo sa Subic. May bago kasi tayong rest house doon at napagdesisyunan namin na doon nalang tayo magbakasyon." Sabi ni mommy. Oh yes! A vacation that I want!

"Yay! Kailan tayo pupunta sa subic mom?" Tanong ko.

"Bukas. Kaya kailangan nyong maaga magising bukas dahil kung hindi ay iiwan namin kayo." Sabi ni mom.

~~~

Nandito na kami sa bahay. Kanina pa ako hindi makatulog. Naging maayos naman ang dinner namin. Pero may isang tanong at isang sagot talaga akong hindi makalimutan eh.

"Do you love my daughter already?" Daddy asked monster in the middle of our dinner. Eto na ba yun? Mahal na din nya kaya ako? Daddy naman bakit mo yun tinanong?! Jusko! Kinakabahan tuloy ako!

"Yes. I love your daughter. And I will love her until we die." Monster said. Ohmygod?! Totoo ba 'to?!

Tinignan ko yung cellphone ko. 1 am na. Hala! Patay! 6 am nga pala kami aalis! Ayokong maiwan! Gustuhin ko mang matulog, hindi ako makatulog! Nagulat ako ng tumunog yung cellphone ko.

William Calling...

Woah, wait. Is this real?! Tumatawag ba talaga si William sa'kin?! As in, seryoso?! Okay, kalma. Sinagot ko naman yung tawag.

"H-Hello? Hmm...sino ba 'to?" Kunwari natutulog ako nung sinagot ko yung phone para hindi halata 'no!

["Natutulog ka na?"] Tanong ni monster sa kabilang linya.

"Oo. Sino ba 'to?" Tanong ko kunwari. Kung alam mo lang monster! Kung alam mo lang talaga na iniisip kita kaya hindi ako makatulog! Nako!

["Stop lying, jewille. Tsk. Hindi mo sasagutin 'tong call ko kung natutulog ka na. Tulog mantika ka kaya hindi mo maririnig yung ringtone mo. I just want to say that don't take serious of what I've said to your dad. Okay? Sinabi ko lang yun para hindi ma-disappoint yung parents natin. Huwag mo nang isipin yun. Pati ako hindi makatulog sa kakaisip mo saakin. I'll hang up. Good night, Jewille."]

Habang nag sasalita si monster sa kabilang linya ay inaantok na ako kaya hindi ko na natignan kung nababa na nya yung call basta nag salita lang ako ng, "Good night, William. I love you."

Parang music sa tenga ko yung boses ni monster kaya inaantok na ako. Haaaay! Inaantok na talaga ako. Excited na akong pumunta sa Subic!

~~~X

December 14, 2014

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now