037

109K 2K 300
                                    

Chapter 37 Awkward

Alyssandra's POV

Ang ingay na naman ng classroom. Akala mo naman hindi sila nagkita-kita ng ilang years. Meron pang mga couple na ang sweet sweet. Psh, magbe-break din kayo.

Nag earphone nalang ako. Nakakairita yung ingay nila. Nakita ko yung wallpaper ko, si Hally. Napangiti ako. Ang cute cute talaga ng anak ko. Manang mana sa'kin eh. Nakakawala ng bad mood si Hally. Hay, paano nalang kaya kung wala yang anak ko edi stress na stress na ako? Buti nalang nandyan si Hally. Nawawala lahat ng pagod ko.

Nagulat ako ng pumasok sya kasama si Elixa. Mukhang ang saya-saya nila. Dumating lang sya, napalitan na ako agad-agad sa puso nya. Ang bilis lang. Dinaig pa ang snatcher sa Divisoria.

'Oh ano? Nasasaktan ka na naman Aly? Wag ka nga! Nagmo-move on ka na eh!' Sabi ko sa puso ko. Oo, nasasaktan ako nagsisimula na akong mag move on eh. Ang hirap pala. Lalo na kung nagmo-move ka nga, nakikita mo naman yung taong sinaktan ka. Grabe, enjoy na enjoy kong mag move on.

"Hi babe Aly!" Nagulat ako sa tumawag sa'kin at tumakbo papunta sa pwesto ko habang nakangiti.

"Anong trip mo Hope? Babe ka dyan? 'Di naman ako baboy!" Sabi ko sakan'ya. Parang sira talaga 'to kahit kailan.

"Sus, ang taba-taba mo kaya!" Asar nya sa'kin. Ano na namang trip netong si Hope Santiago?

"Excuse you, Mr. Hope Santiago! Hindi ako mataba 'no! Tignan mo nga, ang sexy-sexy ko kaya! Malabo na talaga mata mo. Tsk, tsk." Sabi ko.

"Oo na, sexy ka na. Kaya ka nga nag kasya sa puso ko eh." Sabi nya at kumindat.

Pinalo ko naman sya, "Ewan ko sa'yo Hope! Mag biro ka na sa lahat wag lang sa broken hearted!" Sabi ko sakan'ya. Tumawa lang sya. Seriously? Baliw na talaga 'tong si Hope. Sasamahan ko nga 'tong mag patingin sa doctor. Malala na ata sakit neto eh. O baka naman naka-drugs 'to?! Nako! Ipapa-rehab ko 'to!

Tumabi naman sya sa'kin at bumulong, "Pinapasaya lang kita kasi nakita kong malungkot ka na naman." Bulong nya sa'kin. Ngumiti ako. Nako, 'tong si Hope talaga!

"Minsan kapag pasasayahin mo ako, sabihin mo ha? Para ka kasing baliw eh. Para naman makasakay ako sa mga biro mo!" Sabi ko.

Nagtaka naman sya at kumunot yung noo, "Paano ka makakasakay sa mga biro ko eh wala namang katawan yung mga biro ko? Malalaglag ka!" Sabi nya. Napa-face palm ako at tinignan sya. Ayun, tumatawa na naman. Ewan ko ba dito kay Hope, masyadong corny!

Tumigil lang sya ng dumating si ma'am. Hay salamat naman tumigil din 'to kakatawa! Pero teka, bakit pa 'to nandito? Hindi ko naman sya classmate eh.

"Nag palipat ako para naman hindi ka masyadong lonely dito." Sabi nya at nag smirk.

"Ay thank you ha? Thank you sa pagpapaalala na lonely ako." Sarcastic kong sabi sakan'ya. Ngumiti lang sya ulit at inakbayan ako. Takte 'tong si Hope!

"Hoy Hope Santiago, tyansing ha!" Sabi ko sakan'ya. Ngumiti lang sya ng nakakaloko. Napatingin ako kay Harley na nakatingin sa'min, well sa braso ni Hope na nakaakbay sa'kin at parang gusto na nyang putulin 'tong kamay ni Hope. Nung napansin nya akong nakatingin sakan'ya, umiwas sya bigla ng tingin. Yung totoo? Anong problema ng mahal koㅡi mean ng taong yun?

Nakinig nalang ako sa lesson ni ma'am. Weird ng nasa paligid ko eh.

~~~

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon