039

107K 1.9K 125
                                    

Miss nyo na sila Jewille at William? Gusto nyo na silang magkamomment ulit? The long wait is over! Haha. Nandito na ulit sila! Enjoy reading!

Chapter 39 Together, forever

Ano bang magandang ginagawa kapag inaantok ka? Kausapin mo yung sarili mo para malibang? Mag laro mag isa? Mag laptop? Mag spazz? Mag basa? Gumawa ng homework na hindi natapos? O pumasok na sa school?

Hay. Ayokong pumasok sa school ngayon. Nakakatamad. Tinatamad ako, as in. Pero kung kailan tinatamad ako, atsaka naman ako ngayon na maagang nagising. Ganda, diba?

Kinuha ko yung cellphone ko at chineck kung anong oras na, 4:30 am. Pero napukaw ng paningin ko yung wallpaper ko, kaming dalawa ni William. Napangiti ako. (See the multimedia!) Naalala ko 'tong araw na 'to. Eto yung araw na inis na inis si William sa'kin dahil pinipilit ko syang mag pose na parang model at magkahawak ang kamay namin. Gusto ko kasing magkaro'n kami ng picture na gano'n kaya naman ni-request ko sakan'ya yun. Una, ayaw nya pa talagang pumayag. Nag kunwari pa nga akong nagtatampo para mapapayag sya. Napapayag ko naman sya at ayan nga, may picture na kami. Ang saya lang, diba? Kasi kahit na ayaw ni William, ginagawa nya pa din para sa'kin. Ang swerte ko dahil nagkaroon ako ng isang William Cuizon.

Ang aga-aga kinikilig ako, jusko, tama na nga. Tumayo ako at nag punta sa cr, nag hilamos ako at nag toothbrush.

Pagkatapos ay pumunta ako sa kwarto ni William. Gigisingin ko na sya para makapag ready na para sa school. Kahit ayokong pumasok sa school, syempre kailangan pa din. Kunwari masipag, kunwari nakikinig. Hahaha.

Ilang beses na din akong nakakapasok sa kwarto ni William. Pinapayagan nya na akong pumasok sa kwarto nya. Ang bait nya, diba?

Pagkapasok ko sa kwarto nya, nakita ko naman syang nakahiga at natutulog pa. Bakit kahit natutulog na si William ang gwapo pa din nya? Bakit tulo laway nya ang gwapo pa din nya? Haha. Joke lang, hindi naman talaga tulo laway nya. Kadiri lang. Haha.

Lumapit ako sakan'ya at umupo sa tabi ng kama atsaka pinagmasdan sya.

Ang tangos ng ilong nya, ang ganda ng mata nya pati ng kilay nya, ang haba ng pilikmata nya at ang pula ng labi nya. Parang ang perfect-perfect ng mukha ni William sa paningin ko.

"Wag mo akong titigan ng ganyan, matunaw ako." Nagulat ako ng mag salita sya.

"Yelo ka ba para matunaw?" Tanong ko. Tinignan naman nya ako.

"Joke ba yan?" Tanong nya din sa'kin.

"Ewan ko sa'yo, William Cuizon. Bumangon ka na nga, maligo ka na." Sabi ko. Hinila naman nya ako kaya napahiga din ako atsaka niyakap nya ako.

"Bitiwan mo ako, maliligo na ako." Sabi ko.

Tumingin sya sa'kin habang nakayakap, "Sabay na tayo para makatipid sa tubig." Sabi nya habang nakangiti na parang ewan. Hinampas ko naman sya at humiwalay sa yakap nya.

"Mag isa ka!" Sabi ko. Ang aga-aga kung ano-ano sinasabi netong William Cuizon na 'to. Jusko!

Tumawa naman sya at hinila ulit ako atsaka niyakap ako.

"Don't take it serious, okay? Chill lang. Nagjo-joke lang ako." Sabi nya.

"Minsan kasi ayusin mo yang pagjo-joke mo, pwede ba?" Sabi ko sakan'ya.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon