008.2

207K 3.7K 383
                                    

Chapter 8.2 Selos

Jewille's POV

"Monster! Dali na, bati na tayo~ Ano ba kasing ikinagagalit mo?" Tanong ko kay Monster. Aba! Kanina pa kami dito sa school! Hanggang ngayon hindi pa din kami umaalis. Kasi 'tong si Monster eh. Ayaw pang umalis. Galit daw saakin. Nakasandal sya sa Kotse nya tapos ako eto nasa harap nya. Hindi namin kasabay sila Justine dahil nauna na sila. Mag tatagal pa daw kami dito. At tama nga sila.

"Monster! Bakit ba kasi?" Tanong ko ulit. Ugh! Nakakainis naman eh. Kanina pa ako tanong ng tanong tapos sya, ayun nakapoker face at nakasandal.

"Aish! Bahala ka nga dyan! Kanina pa tayo dito! Ako na nga yung nag so-sorry kahit hindi ko manlang alam yung ginawa ko!" Sabi ko at nag Flip HairㅡJoke! Inirapan ko lang sya tapos tumalikod na ako at nag simula ng lumakad. Kaso nakaka ilang hakbang palang ako, hinatak na nya ako tapos niyakap.

"Hoy, ano ba! Tanggalin mo nga yang pag kakayakap mo saakin! Bwisit! Uuwi na ako!" Sabi ko pero hindi pa din nya ako binitawan.

"Ano ba kasi Monster! Letche naman oh! Isa! Kapag hindi mo ako binitawan, sisipain ko yang junior mo!" Pag babanta ko pero lalo nya lang hinigpitan ang pag kakayakap.

"Ugh!" Suko na talaga ako! Hinayaan ko nalang syang yakapin ako. Mga ilang minuto, nag salita sya.

"Sorry. Nag selos lang naman ako kasi... ano...kasi nag kahawak kayo ng kamay ni Ian, kasi yung ngiti mo kay Ian iba. Tapos hindi mo manlang ako nginingitian samantalang si Ian, kanina mo lang nakita tapos ganun ka na makangiti. Aish! This is just so gay!" Sabi nya.

"Wow! Ang haba ng sinabi mo, Monster! Improving!" Sabi ko naman. Hindi pa din nag lo-loading yung mga sinabi nya sa utak ko.

"Pero wait. A-ano? Nag s-selos ka?" Tanong ko. Tapos humiwalay na sa pag kakayakap nya kaya nakita ko ang namumula nyang mukha. Hahaha! Ang cute ni Monster kapag namumula.

"Si William Cuizon nag seselos? Hahahahaha!"

"Nag seselos si William Cuizon! Selos si Monster! Nag seselos si Monster!" Pang aasar ko sakan'ya.

"Shut up or else," sabi nya.

"Or else?" Sabi ko at tinaasan sya ng kilay.

"I'll kiss you." Sabi nya. Napalunok ako at kunwari ay nag zipper ako ng bibig ko. Ayoko ng maulit yung mga nangyari dati 'no!

"Pero seriously, Bakit ka naman nag seselos? Crush mo ako 'no?" Tanong ko sakan'ya.

"Ako? Crush kita? No way! Nag seselos ako bilang kaibigan mo. Kasi sa lahat ng kaibigan mo, ako lang ang hindi mo nginingitian ng ganun 'no." Sabi nya. Para namang may tumusok na something sa puso ko. Ayan, wag kasing assuming!

"Sabi ko nga. Lika na nga! Gagawa pa ako ng homework sa Math! Argh! Sasabog nanaman ang utak ko!" Sabi ko tapos binuksan na ang kotse nya.

"Ikaw pa talaga ang nauna ah. Kotse mo?" Pilosopong tanong nya.

"Hindi, kotse ko. Ewan! Umuwi na nga tayo!" Sabi ko sakan'ya at pinag sarhan sya ng pintuan. Maya-maya lang ay sumakay na din sya sa kotse nya. Inistart na nya yung kotse at pinalipad. Dejoke lang. Ge, tawa ka. Free tumawa, promise.

Habang nasa byahe naman kami ay tahimik lang kaya naisipan kong buksan yung radio. Pampabawas ng katahimikan.

(Now Playing: By Chance (You And I) - J.R.A)

♪♪ Hi

Girl, you just caught my eye

thought I should give it a try

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now