038

102K 1.9K 120
                                    

Chapter 38 Monthsary

Cassandra's POV

Maaga akong gumising ngayon dahil hinahanda ko na yung ibibigay ko ngayon kay James. Monthsary namin ngayon! Ang saya saya ko nga eh! Akalain mo yun, 2 Months na kami ni James!

Ibibigay ko sakaniya yung handmade ko na photo album. Ako mismo gumawa nun! Last week ko lang sya naisip na gawin. Kaya handmade yung photo album na ibibigay ko kay James kasi gusto kong mag regalo kay James na ako talaga ang nag effort na gawin yung bagay na ibibigay ko.

Pagkatapos kong ihanda yung ibibigay ko kay James, naligo na ako at nag handa na para sa pag pasok ko sa school.

~~~

Kanina pa ako dito sa tapat ng pintuan ng classroom namin, hinihintay si James. Wala pa si James at yung iba. Nandito lang si ate Aly, si Hope, Harley. Wala pa din yung kambal. Nagulat nga ako kasi palagi namang nauuna yung kambal na yun pero ngayon, late sila.

Ay nakakabaliw ha! Nasaan na ba sila? Lumapit ako kay ate Aly.

"Ate, bakit wala pa sila?" Tanong ko.

"Aba, malay ko. Hindi ko din alam eh. Sa tingin mo ba alam ko?" Sarcastic na tanong nya sa'kin.

"Yung totoo ate? Meron ka bang kabuwanang dalaw ngayon?"

"Malamang, wala!"

"Ay 'di na ako nasanay. Masungit ka nga palang tunay." Sabi ko kaya nakatanggap ako ng palo sa braso. Psh, sadista talaga 'tong ate ko!

Tumayo ako at pumunta sa upuan ko. Kinuha ko yung cellphone ko. Mag se-selfie nalang ako!

Nakailang selfies din ako bago ko 'to itigil. Tumingin ako sa pinto, inaasahan kong nadoon na si James pero wala pa din. Sobrang aga ko na bang pumasok at wala pa sila James? Hay. Tagal naman nila! Nababagot na ako, wala akong kadaldalan.

Maya-maya lang, dumating na sila Justine at Jessica. Pati na din ang love birds na sila Jewille at William.

"Good morning ate Cass!" Sabi ni Jessica. Aba, himala. Ang sigla neto ah. Usually hindi naman sya masigla dahil ayaw na ayaw nyang pumasok ng maaga tapos ngayon mukhang excited na excited sya? Yung totoo?

"Bakit ang saya mo?" Tanong ko kay Jessica.

"Wala lang. Cute ko kasi eh." Sabi nya at ngumiti. Weird. Bakit ang we-weird ng mga tao ngayon dito?

"Ate Cass, bakit ang cute ko?" Tanong ni Jessica na nasa tabi ko. Yung totoo talaga? Bakit mas hyper 'to sa'kin ngayon?

"Mana ka kasi sa'kin, Jessica. Cute ko na nga, ganda ko pa. Oh diba? Parehas tayo!" Sabi ko. Hindi pwedeng mas hyper sya sa'kin 'no!

Buti nalang dinadaldal ako netong si Jessica. Ang daldal nya talaga, parang ako lang.

"Good morning Cassandra my baby loves so sweet!" Sabi ng isang pasigaw na boses na pamilyar sa'kin kaya na-excite bigla ako. Tumingin naman ako sa pintuan kung saan nanggaling yung boses na yun at sabi ko na nga ba! Si James na yun!

Tumakbo ako papunta sakan'ya at niyakap sya.

"Hindi ka naman excited na makita ako 'no?" Sabi nya at tumawa sya. Kahit tawa lang ni James, naa-attract pa din ako.

"Excited na excited nga ako eh!" Sabi ko at umalis sa pagkakayakap ko sakan'ya.

"May gift ako sa'yo." Sabi ko at ngumiti.

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now