010.1

156K 3.2K 71
                                    

Chapter 10.1 Revelations and Confessions

Jewille's POV

Nagising ako nang may tumamang maliwanag sa mukha ko. Tinakpan ko ng kamay ko yung mukha ko kasi ang sakit sa mata! Sino bang may topak ang binuksan ang kurtina ng kwarto ko? Sasapakin ko lang. Mang gi-gising na nga lang bubuksan pa yung kurtina!

Bumaling ako sa kabilang side ng kama ko para hindi masilaw pero laking gulat ko nung, "Ah! Aw!" Nahulog po ako. Ouch. Ang sakit sa likod at balakang!

"Jusko! Hija! Anong nangyari sayo?" Sigaw ni Manang at tinulungan nya akong tumayo sa pag kakahulog sa kama ko.

"Thank you po, manang. Bakit po kayo nandito sa kwarto ko?" Tanong ko kay manang.

"Huh? Hindi mo 'to kwarto, hija. Salas ito. Nakatulog ka diyan sa sofa." Sabi ni manang habang natatawa pa. Napatingin naman ako sa paligid. Oo nga. Hindi ko nga 'to kwarto at nandito nga ako sa sala.

Napakamot nalang ako sa noo ko bago ako mag salita, "He-he. Oo nga po 'no? Sige po. Akyat muna ako sa kwarto ko." Sabi ko at tinanggal ang kumot ko at umakyat na sa kwarto ko.

Kumuha muna ako ng damit ko sa closet ko at pumunta na ng cr. Ang galing ko diba kasi hindi ako tumingin ng kinukuha kong damit sa closet ko basta kung ano lang ang makuha ko, yun na yung susuotin ko. Wala eh. Nakakatamad pumili.

Habang nag bababad ako sa bathtub ko ay may naisip ako.

Sino ang nag lagay ng kumot saakin? Sa pag kaka-alala ko, hindi ako nag kumot kagabi habang nakahiga sa sofa at hinihintay si Monster.

Hindi kaya si Monster yung nag lagay nung kumot saakin? But that is so impossible!

Pero ulit, sabi nga nila, All things are possible. Siguro nga si monster yun. A smile form in my lips. Okay, gusto ko na sya. Bilis diba? Ewan ko ba. Basta meron talaga akong nararamdaman tuwing maiisip ko sya, makakasama ko sya, o kung ano man na tungkol sakaniya.

I'm not going to please him to like me back. He is my husband already. Hindi ko na po-problemahin ang pag de-daydream na ikakasal kami dahil kasal naman na talaga kami. Haha.

Pag katapos kong maligo at gawin ang morning routine ay bumaba na ako para kumain ng breakfast. I'm wearing a simple blue dress at naka-tsinelas lang.

Nakita ko si Manang na nag hahanda ng breakfast. Lumapit ako sa table para amuyin yung ham na niluto ni manang. Amoy palang nakakagutom na. Umupo na ako para kumain ng ham.

Sa kalagitnaan ng pag kain ko ay may naalala akong itanong kay manang.

"Manang, si William po ba ang nag lagay ng kumot saakin?" Tanong ko habang nakangiti pa.

"Ako ang nag lagay ng kumot saiyo, hija. Bakit?" Napatango nalang ako at nawala ang ngiti sa labi ko. Pinag patuloy ko nalang ang pag kain ko. I am so dissapointed because i thought...Ugh! Nevermind.

Pag katapos kong kumain ay nakatanggap ako ng call.

Cassandra Calling...

"Hello? What can I do for you?"

"Jewls! Punta na kayo dito sa hospital! Dali! May sasabihin kami."

"Okay. Gigisingin ko lang si Monster. Bye."

Binaba ko kaagad yung call dahil ang dami na naman nung sasabihin.

"Manang, akyat lang po ako. Gigisingin ko lang si Monster este si William sa taas." Umakyat na ako sa taas. Nang makaharap na ako sa pintuan ng kwarto ni Monster at bubuksan na sana ito ay naalala ko na kailangan ko pa pala kumatok. At first time kong kakatok at makikita ang kwarto ni Monster.

"Monster?" Tawag ko habang patuloy pa din ang pag katok. Mga ilang katok din ng mapag pasyahan kong buksan na yung pinto at sakto dahil hindi ito naka lock.

Pag bukas ko nang pinto ay tumambad kaagad saakin si Monster na natutulog sa kama nya. Pumasok ako ng kwarto nya. Kulay blue and white yung kulay ng room nya. Inilibot ko ang mata ko sa kwarto nya. May TV, Guitar, and lastly, may picture frame namin nung kasal. Napangiti ako. Kahit ayaw nya yang ilagay ay inilagay nya pa din. Kaso may isang nahagilap ng mata ko na nasa tabi nung picture frame, yung wedding ring namin. I sigh. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko? Yes, I know that I like him. But there's bothering me, I don't know if i just like hime or i already love him.

Lumapit na ako kay Monster at handa nang gisingin sya kaso, "What are you doing here?" Tanong nya.

"Gigisingin ka?" I said but it's sounds like a question.

"I'm awake now. So why are you still here?" Tanong nya ulit.

"Sabi ko nga lalabas na. Bilisan mo ah. Bye!" Sabi ko then I gave him my sweetest smile at may kasama pang wave ng kamay tapos ay tumakbo na ako palabas ng kwarto nya. Napahawak ako sa dibdib ko.

It's beating fast. Parang may karera ng mga kabayo sa sobrang bilis. Ugh. Love na ata 'tong nararamdaman ko para sakaniya.

Pumunta na ako sa kwarto ko para mag perfume at sinuot ko na din ang doll shoes ko tapos kinuha ko na yung bag ko at tada! Ready na ako! Dahil ready na ako ay lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba na.

Umupo muna ako sa sofa para hintayin si Monster. Dahil boring ay naisipan kong mag flappy bird.

Nyemas 'tong ibon na 'to. Bakit ba kasi ang laki-laki ng ulo neto at sa tube sya lumulusot? Ayan tuloy, hindi manlang ako maka score ng 10!

After 5 minutes na Pag lalaro ko ng flappy bird ay 5 pa din ang score ko dito. Nakakainis.

Isang try nalang talaga at kapag hindi naka Ten points 'to, i-aan-install ko 'to.

1...2...3...4...5...6...7...8...9..ayan na! 1ㅡ "Jewille!" Sigaw ni Monster sa pangalan ko kaya hindi nakapasok sa pang ten na tube si Flappy bird!

"Anakng. Ano ba! Nag lalaro ako ng Flappy" Hindi natuloy ang sasabihin ko dahil napatingin ako sa suot ni Monster. He is wearing a blue T-shirt and a jeans tapos naka vans sya. Napatingin ako sa suot ko. Ay. Parehas kaming naka blue! Couple! Hahaha!

"Why are you smiling like that?" Iritadong tanong nya.

"Bakit, masama? Pake mo? Inggit ka? Gaya ka nalang!" Sabi ko sakanya tapos nag tounge out pa ako. Tumayo na ako at nag simula nang mag lakad. Basag trip talaga 'to! Minsan na nga lang mag imagine na couple kami tapos nang sisira pa ng trip. Kundi lang kita mahal Monster, nako! Baka nasapak ko ang gwapo mong mukha!
Sumakay na kami sa kotse at pumunta na sa hospital kung saan nandoon naka-confine si Aly.

Hospital

"Cass! Sino bang hinihintay natin? Umabsent na nga kami tapos wala naman pala yung hinihintay natin." Inis na sabi ni Nicole kay Cass. Kasi naman 3 Oras na kami dito tapos sabi ni Cass may iniintay pa daw kami.

"Eh! Chill lang! Malapit na daw sila. Na-traffic daw eh. HintayinOh! Andyan na pala sila eh!" Sigaw ni Cass kaya napatingin kami sa pintuan at nakita namin ang isang cute na bata.

~~~X

Date Posted: September 9, 2014

~ImKpopperInspirit

I Secretly Married The Campus Heartthrob [EDITING]Where stories live. Discover now