Chapter 42: Faith and Hope

497 23 2
                                    

Chapter 42: Faith and Hope

Chris' POV

Umaga nang namalayan kong nakatulog ako kakahintay na magising si Cheska, nagbabakasakali na magising siya at masabi ang totoong nararamdaman ko sa kanya. Pero paggising ko, pagmulat ng dalawang mata ko, hindi pa rin siya nagigising. Kinurot ko ang sarili ko, nagbabakasakali na nananaginip lang ako. Pero, hindi totoong nangyayari 'to. Totoong nawala na si Cheska sa tabi ko.

Hindi ko man na sabi na mahal ko siya, siya pa rin ang nilalaman ng puso ko, wala ng iba. Tumayo ako at tiningnan mabuti ang mukha ni Cheska habang masarap na natutulog.

"Thanks, for all. Thanks for your love" I murmured in the air. Bigla na namang tumulo ang luha sa mata ko, pinunasan ko 'to gamit ang kamay ko. Hinawakan ko ang kamay niya, at dinamdam ang huling araw na 'to. Ang bilis niyang nawala. Nakakalungkot, kasi balak ko sanang aminin ang totoo sa kanya noong araw na naaksidente silang dalawa ni Samantha. Kaso, naabutan ako ng kaba atㅡ takot.

Binitawan ko na ang kamay niya, at naupo ulit para maasikaso ang katawan niya, inayos ko na 'yung gamit na pinadala ni Quim, inayos ko na rin lahat ng bayarin dito sa Hospital, habang inaayos ko ang gamit ay biglang may humawak sa balakang ko, agad akong napatingin para tingnan kung sino ang gumawa noon, laking gulat ko na si Cheska pala ang kumalabit sakin. Halos, mabahiran ng tuwaang buong pagkatao ko, halos di ako makahinga sa sobrang saya. Umupo ako sa gilid niya at naramdaman ko ang matipid na paghinga niya sa palad ko.

"Cheskaㅡ" Naputol ako nang bigla niyang hinawakan ang bibig ko, ngumiti siya sakin na hinang hina. Bakas sa mukha niya ang sakit na nararamdaman at nararanasan niya ngayon. Hindi ko kayang makita siya na nagkakaganito, pero wala akong magagawa dahil nangyari na 'to.

"Tandaan mo Christian Albert Chua! Ikaw lang laging laman ng puso ko, pilit kitang binura sa isip ko, pero hindi ko talaga kaya. Kasi, ikaw lang ang nakakapagpatawa sakin. Pero, kailangan kalimutan kita kasi nga meron na ako di ba? Hahaha, ang hirap magpanggap na mahal mo ang isang tao kahit hindi, nagmumukha akong tanga kakaisip sayo. Pero wag kang magalala...

Ikaw pa rin naman 'yung nagiisa sa puso ko, 'oh 'yan 'ah! Nagising ako para lang sayo, iyak ka kasi ng iyak. Alam mo naman na ayokong may umiiyak sakin, kasi pakiramdam ko, ang ganda ganda ko. Tumahan ka na Chris' ikaw lang din ang masasaktan, hindi ako mababalik ng luha mo, kasi wala na ako sa mundo. Bumalik lang ako para magpaalam sayo, pero tandaan mo hah! Wag kang iiyak sakin, kung may meroon mang babae na muling magpapatibok ng puso mo, tandaan mo ulit, na huwag na huwag mo akong kakalimutan dyan sa puso't isip mo.

Officially Yours [IN MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now