Chapter 23: The kissed

899 56 4
                                    

Chapter 23: The kissed

Hello~ mamadaliin ko na ang pagu-update nito dahil, sa busy ako At mamadaliin ko na rin ang pagwakas ng storya na ito dahil may gagawin pa akong ibang storya na kaylangan kong i-update. Maraming salamat sa bumoto, sumuporta at patuloy na binibigyan pansin ang storya na ito. Salamat po!

----

Other's POV

Naglalakad ako sa corridor ng school namin ng bigla akong may nakitang babae na binubully nila. Tsk, walang kasawaan na bully akala ba nila maganda at gwapo na sila pag binully nila itong si girl. Gumawa ako ng aksyon bago pa man, maasar ako sa mga pinaggagawa nila. Lumapit ako, para kalabanin ang malanding babae na nasa harapan ko. Kulay red ang buhok, at mukhang pokpok.

"Excuse me. Alam mo bang pwede kitang ipakulong dahil dyan sa ginagawa mo?" Mataray at tipis kong sagot sa kanya, she flip her hair dahilan upang matamaan yung mukha ko ng buhok niyang puro split ends.

"Hindi ko alam. Wala akong pakialam" Sabi niya at humarap ulit sa babaeng kanina niya pang tinatadyakan.

"Fuck! Tigilan mo nga yan ginagawa mo!" Ti-nap ko yung balikat niya then she turned around me, she gave me her suspicious eyes. Hindi ako nagpatalo at sinampal ko siya sa kaliwa niyang pisngi. Bago niya pa ako masampal ay sinabumutan ko na siya, at ginamit yung mahahaba kong kuko.

"T-thank you po. Maraming salamat" Aniya. "May bayad yon" Pagkukunwari ko sa kanya, nag-pout siya ng labi

"Wala po akong pera, mahirap lang po ako" Sagot niya sakin, tapos nakayuko na siya. Siguro nahihiya na siya dahil madaming nakatingin na tao, noong nagsabunutan kami kanina.

"Hindi ko kaylangan ng pera, maganda ka naman, tanggalin mo lang yung salamin mo at yang brace mo. Dyosa ka na, sumama ka sakin may ipakikilala ako sayo" Hindi niya narinig ang saad na sinabi ko kaya i frowned my eyebrow on her then she make yuko again.

"Saan po tayo pupunta Ms?-" Pinutol ko siya. "Call me Princess" Sabi ko sa kanya, habang naglalakad papunta sa cafeteria ay agad kong natanaw si Prince na nakasandal sa pader at naninigarilyo. Pinasunod ko ang babaeng nasa likod ko.

"Hey Prince!" Sigaw ko habang papalapit kami kay Prince.

"What? Sino yang kasama mo?" Bungad na tanong niya sakin, iniharap ko ang nerd sa kanya.

"Ano pong gagawin ninyo?" Nanginginig na tanong ni nerd saming dalwa, nginitian ko siya ng nakakaloko dahilan upang manginig yung balikat niya, ramdam ko yon dahil nagba-vibrate.

"Wala lang, ibebenta lang kita dito" Pabirong sabi ko sa kanya, nakita ko ang mukha ni Prince, mukhang gusto niya itong kasama ko.

"Anong pangalan mo?" Tanong niya kay nerd.

"Uhm... Stephannie, Stephannie channel Tiffany Taewon"

---

Cheska's POV

After that confrontation with Christian Alvarez, hindi pa rin mawala sa isipan ko yung mga sinabi niya sakin. Bakit ba naman kasi napakaganda ko, andaming nagkakandarapa sakin, nakakahiya masyado. Seriously noong ki-nonfront niya ako, i feel awkward kapag kasama ko siya. I dunno, siguro dahil alam kong nasaktan siya. Whatever.

Nasa cafeteria ako at kasama ko sila Quim at si Christian Alvarez, sabi niya lagi na siyang sasabay saamin mag-break time. Hindi ko naman maitanggi, nakakahiya kasi. Um-order na ako at pagkatapos ay pumunta na kami sa lugar namin kung saan lagi kaming nakaupo. Nakikipagusap ako kay Quim, nakagaanan ko na siya ng loob at yung iba pa niyang kaibigan. Ang bait niya kasi, at iba kina Princess at Sharmaine.

Officially Yours [IN MAJOR EDITING]Where stories live. Discover now