Chapter 26: Quim & Christian

683 52 3
                                    

Chapter 26: Quim & Christian

"I will do it" Mariing saad ko kay prince. Wala akong magagawa kung hindi um-oo, masisira ang buhay ko, ang pinaghirapang career ko. Ayokong masira na basta-basta ang pinaghirapan ko.

"Bes!" Sabay sabay nilang sigaw, hindi ako makaharap sa kanila, dahil alam kong sisisihin lang nila ako.

"Sorry girls, but you heared it right" Sabay tawa ni Prince.

"Bes, pagisipan mong mabuti. Baka pagsisihan mo yan sa hu-"

"Stop it, Quim. Hindi ikaw ang nahihirapan ako rin. Its all about my career. Ayokong bumaba ulit, ayokong maapi ulit ng ibang tao. Dahil naranasan ko na yan" Ang tanging nasabi ko sa kanila, pinilit kong hindi pumatak ang luha sa magkabilang panig ng mata ko pero di talaga sila marunong makisama. Biglang bumagsak ang luha saking mata.

"Ang selfish mo naman, Cheska. Dahil lang ba sa career mo na yun, isusuko mo ang sarili mo sa hindi mo mahal? Eh papaano si Christian? Paano kayo?" Mataimtim na pahayag ni Rachel.

"There was never an us. Hindi naman naging kami. Hindi niya naman ako pinapahalagahan. Isinasantabi niya lang ako!" Halos, pumiyok na ako sa pagsigaw ko, di ko na mapigil yung feeling ko na 'to. Gusto kong ilabas lahat ng galit ko, dahil sa eskandalong ginawa ko.

"Pinapahalagahan ka niya, di mo ba nakikita o, talagang yang career mo lang talaga yung iniintindi mo?" Quim

Wala akong naisagot sa sinabi niya, parang may tumusok sa puso ko. Siguro nga tama si Quim na Selfish ako, sarili ko lang iniintindi ko.

"Ano? Tapos na ba yung heavy drama niyo? Can we go now?" Paningit ni Prince sa usapan namin, lumapit saki  si Prince at hinawakan ang wrist ko, hinila niya ako, papunta kung saan niya gusto.

---

Quim's POV

Naasar ako, na nagagalit. Hindi ko maintindihan kung ano 'tog nararamdaman ko, basta. Nagaalala ako sa kinahahantungan ngayon ni Cheska, kahit naman papaano magkaibigan kami. Kung bakit ba naman kasi nangyari yun sa kanya.

Naglalakad kami sa corridor, hinila kasi ni Prince si Cheska kaya umalis na lang kami, niligpit na rin namin yung nagkalat na poster pati yung video kinuha na rin namin at sinunog sa likod ng university para makasiguradong ligtas si Cheska.

Habang patuloy kaming lumalakad sa corridor ay napansin naming apat na may nagaaway malapit sa CR. Nilapitan namin yun para pigilan yung nagaaway at ma-report sa guidance.

"Hayop! Kayo, mga gago. Paano mo nagawa sakin 'to!!" Sigaw ng isang pamilyar na lalaki, nakatalikod kasi siya at sinasapak ang kawawang lalaking binibiktima niya.

"Hey you! Stop that you arrogant!"

"Christian?! Bakit mo naman binubugbog yan?" Laking gulat ko ng siya pala yun. Pinigilan ko na yung ginagawa niya sa lalaki, tinayo ko si Christian para dalhin sa hospital na malapit lang, sila Stephannie at Carlyn naman ay tinulungan yung lalaking binugbog ni Christian para maipagamot at ihatid pauwi.

"Bes Quim, wait lang aayusin ko lang yung sa guidance baka kasi may magsumbong ikaw na lang maghatid sa kanya sa hospital. Malapit lang naman" Aniya, pumayag naman ako at pumunta na ng office si Rachel para ayusin ang gusot ni Christian.

Buhat buhat ko ngayon si Christian, napakabigat niya, puno pa ng dugo yung damit niya at tsaka yung labi niya may sugat yung mata niya may blackeye. Mukhang napaaway 'tong lalaking ito.

"Christian, ano bang nangyari. Bakit ganyan ka ngayon?" Sarcastic kong tanong.

"Mahal kasi kita" Pilosopong sabi nito sakin, ang bigat niya kaya pagwang gewang kami pag maglakad.

Officially Yours [IN MAJOR EDITING]Onde histórias criam vida. Descubra agora