Chapter 38

170K 1.9K 32
                                    

Chapter 38

Jenna’s POV

Pagmulat ng mga mata niya ay dibdib ni Nick ang nasilayan niya kaya tumingala siya para makita ang guwapong mukha nito, tinitigan niya ito na para bang minememorize ang bawat parte ng mukha nito. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal nakatitig nang bigla itong nagsalita “baka malusaw naman ako sa sobrang titig mo” ngumiti pa ito kahit nakapikit. Kinurot niya ito sa tagiliran “ang kapal” sabi niya. Hinigpitan ni Nick ang pagkakayakap sa kanya kaya nagkadikit muli ang kanilang hubad na katawan. May naramdaman siyang matigas sa may bandang tiyan niya, nag-iba tuloy ang pakiramdam niya. Nagsalita si Nick “breakfast in bed ulit” sabi nito na nakapikit pa rin.

Kumawala siya sa pagkakayakap nito “hindi puwede, male-late na naman ako sa hearing ko, magluluto na ako ng breakfast” sabi niya saka siya bumangon. Bumaba siya sa kama ng walang saplot, nagkalat ang damit nila ni Nick, isa-isa niya itong pinulot. Ramdam niyang sinusundan siya ng tingin ni Nick, maglaway ka, napangiti siya sa naisip.

Naghahain na siya nang lumabas si Nick ng kuwarto, nakabihis na ito. “Ang aga mo namang nakagayak” bati niya sa asawa. “Ihahatid kita sa office mo, di ba iniwanan natin ang kotse mo sa office” paalala nito sa kanya.

“Oo nga pala noh, let’s eat” yaya niya.  Habang kumakain siya ay di niya maiwasang di titigan si Nick, magana nitong kinakain ang luto niya. “Jenna, kung gusto mong makapasok sa office ng maaga eh tigilan mo na ang pagtitig sa akin kasi kung hindi eh di ka na makaka- attend ng hearing mo” nakatitig din sa kanya ito habang kinakausap siya. Pakiramdam niya ay tumatagos ang mga titig nito sa buong pagkatao niya. “Alam mo  kung wala lang akong hearing, papatulan kita” nagtawanan silang dalawa.

“Natutuwa lang kasi akong panooring kang kumakain ng luto ko  dati kasi di mo man lang tinitikman” sabi niya.

“Gutom lang ako, di kasi ako nakakain kagabi, bad trip yun kasama ko” sumimangot na ito.

“Ows? Talaga lang masarap ang luto ko kaya kinakain mo. Mas masarap pa sa pagkain sa resto-bar na kinainan natin kagabi” pagmamayabang niya.

“Sino ba ang nagturo sa’yo ng lugar na’yon?” tanong nito.

“Si Marcy, akala mo na naman si Elvin noh” sagot niya.

Bigla itong tumigil sa pagsubo, “I don’t like you mentioning his name” matigas na sabi nito.

“Nino? Ni Elvin?” tanong niya na ikinakunot nito ng noo pagkatapos ay binitawan na nito ang kutsara at tinidor, akmang tatayo na. Pinigilan niya ito sa kamay. “Okay, hindi ko na babanggitin. Kumain ka na” natatawang sabi niya. Kinilig siya, nagseselos ba ito?

Umupo naman ito ulit at itinuloy ang pagkain. Pinapanood niya itong kumain. Nahalata naman iyon ni Nick. “It seems tapos ka nang kumain, pinapanood mo na lang ako eh, maligo ka na, ako na ang bahala dito” sabi ni Nick sa kanya, seryoso pa rin ito.

“Maaga pa naman, baka madumihan ka, sayang naman ang damit mo” sabi niya.

“Okay lang, eh di magpalit pag nadumihan” sabi naman ni Nick sa kanya.

“Sige, bahala ka na diyan sa pinagkainan natin” sabi niya saka siya pumasok sa kuwarto nila. Pagkatapos niyang maligo ay sinilip niya si Nick, nakita niya itong naka apron at naglalagay nagpupunas ng mga platong hinugasan nito. Ang guwapo naman ng dishwasher niya, sabi niya sa sarili niya saka siya nagbihis at nag-ayos ng sarili.

Nick’s POV

Masarap ang tulog niya dahil kayakap niya si Jenna. Nang magising siya ay ramdam niya agad na gising na ang kayakap niya at nakatitig ito sa kanya kaya di na muna siya nagmulat ng mga mata at biniro niya ito ng “breakfast in bed”.

*********

Habang nag-u-umagahan sila ay nakatitig sa kanya si Jenna. Iba ang epekto sa kanya ng mga titig nito, kahit kagigising niya ay parang gusto na niya uling humiga sa kama katabi ang asawa at kahit kaliligo lang niya ay umiinit na ang pakiramdam niya, yun ang epekto ni Jenna sa kanya.

***************

Pagkatapos niyang maghugaas ng plato at magtoothbrush ay nanood muna siya ng tv habang naghihintay sa asawa niya. Paglabas nito ay napatingin siya sa asawa niya. Napakaganda nito sa suot nitong corporate attire kahit na balot ito ay kita pa rin ang kaseksihan nito. Napansin nitong nakatitig siya “Hindi ba maganda ang suot ko?” tanong sa kanya ni Jenna.

Tumayo siya at sabay silang lumabas ng unit. “Okay naman, bagay nga sa’yo, nagulat lang ako at balot ka ngayon, palagi kasi kitang nakikitang maikli ang suot” sagot niya.

“Eh ano ang gusto mo bang sinusuot ko?” si Jenna.

“Anything, basta disente” siya.

“Ganon ba, okay pala lahat ng isinusuot ko, disente” si Jenna.

“Disente ba yun damit mo na halos makita na ang dibdib mo at panty mo?” siya.

“Over ka, wala akong damit na ganon  ha” pinalo siya ni Jenna sa balikat.  Tumawa lang siya. Sumakay sila sa kotse. “Anong gusto mong dinner?” si Jenna.

“Ikaw” biro niya. “Aside from me, anong gusto mong ulam?” ganting biro nito sa kanya.

“Bahala ka na, kahit anong niluluto mo kinakain ko naman, di ba” sabi niya.

Jenna’s POV

Masaya silang nagbibiruan habang papunta sila sa office niya. Natutuwa siya dahil nag-uusap na sila ng ganon. Kinilig nga siya sa biro nito na siya ang gusto nitong dinner. Nalungkot siya nang narating na nila ang office niya, maghihiwalay na sila ni Nick.

“Here we are” sabi ni Nick. “Yeah” sabi niya pero bago siya bumaba ng kotse ay hinalikan  niya si Nick sa lips, may nahawang lipstick sa labi nito kaya pinunasan niya ng daliri niya. Nakatingin lang sa kanya si Nick. Tuluyan na siyang lumabas ng kotse. Kumaway siya habang palayo ang kotse ni Nick.

Ang ganda naman ng araw niya, sobra, kabaligtaran ng pangit na araw niya kahapon. Ganado siyang magtrabaho. Nauna siyang dumating kesa kay Marcy.

Pagdating ni Marcy ay napansin nito na masaya siya. “Hey, maganda ang araw natin ha. Yesterday isang bakol ang mukha mo ngayon naman parang nakaplaster ang ngiti mo,  may milagrong nangyari sa inyo kagabi hano?” sabi nito sa kanya.

“Ano ka ba? Nagkaayos lang kami” nakangiti siya kay Marcy.

“Ewan ko sa’yo, konting kalabit lang ni Nick, bumibigay ka na agad” sabi ni Marcy at saka tumawa ng malakas.

Your votes and comments are my inspiration in writing this story. Thank you so much.

Then came...YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon